I Told You I Love You on a Piece of Paper by zheliLURVScookies

Magsimula sa umpisa
                                    

Ngayong araw ay lilipad ako ng Paris para sa bisita ko kayla Mama at Papa. Aniverssary kasi nila bukas, at lagi namin sine-celebrate ang araw na ito na magkakasama.Naligo ako at ginawa ang mga dapat ko gawin. Inihanda ko na’rin ang maleta ko para sa pag-alis ko. Balak ko kasi na mag-stay muna sa Paris ng isang Linggo.

Pahinga.Gusto ko ng pahinga at makasama ang Mama at Papa.

Matapos ang ialang oras na byahe papunta ng Paris ay nakarating na ‘rin ako. Gustuhin ko ‘man na dalawin agad ang Mama at Papa sa pinagsabuyan ko ng kanilang mga labi, hindi ko na nagawa dahil sa pagod. Inisip ko nalang na maiintindihan naman ako ng Mama at Papa. Hindi naman ako mawawala bukas para sa anibersaryo nila.

Nakatulog ako ulit at nagising na may kumakatok na room service.

“Ang aga naman.” Nasambit ko sa sarili ko pagkabangon sa higaan.

Binuksan ko ang pinto at  pinapasok ang lalaki para sa room service. Iniwan ko sya ‘dun at nagmadali na maligo.

Hindi ko napansin, tanghali na pala.

^______________^

Akala ko’y maaga pa. Nag-reklamo pa ako na ang aga ng room service, nagkamali ako.

Dali-dali akong lumabas at namasahe papunta sa puntod ng Mama at Papa.

“Good afternoon Mama, Papa.” Bulong ko sa hangin.

Tinitigan ko ang isang malawak na dagat at pinanuod ang mga ibon na nagliliparan.May dala akong icecream cake at 3ng sprite-in-can. Ito ang gawi namin ng Mama at Papa sa tuwing dadaan ang araw na ito. Kumain ng icecream cake at uminom ng sprite bilang panulak.

Nami-miss ko na kayo Mama, Papa.

Kinausap ko lang sila at nag-kwento ako ng mga nangyari sa’kin sa buong taon. May dala ako laging notebook sa tuwing dadalaw ako kayla Mama at Papa. Dito nakasulat ang bawat mahahalaga at memorable na nangyari sa buong taon ko. Ikinu-kwento ko sa kanila ang lahat kapag dumadating ang araw na ito. Bukod kasi sa pasko at birthdays namin, ito lang ang araw na nagkakasama kaming tatlo. Ang anibersaryo nila.

“Kaylan ba ako magkakaroon ng ka-anibersaryo, Mama? Papa?” natanong ko sa hangin.

Humangin ng malakas.

“Alam ko po na naiinip na kayo, Mama, Papa. Alam ko po na gusto nyo na magka-apo at malagay ako sa stable na buhay kasama ang mapapangasawa ko.” Natawa ako sa nasabi ko.

“Pwera biro, gusto nyo na nga po ba? ‘kung oo, HAHANGIN muli’t may papatak na TUBIG sa mukha ko kahit hindi umuulan, at ‘kung hindi naman, ‘edi wala. Kayo na lamang po ang mamahalin ko.” Mukha ‘man akong baliw, ngunit natatawa talaga ako sa mga isipan na pumapasok sa isip ko’t ibinibigkas ng bibig ko.

NR. No response.Natawa akong muli.

“Selfish talaga ng Mama at Papa.”Pabiro ‘kong bulong sa hangin. “Sige po, Mama, Papa. Mauuna na po ako. Kakain po ako ng matinong pagkain. Hahaha.” Pagbibiro ‘kong muli.

Naglakad ako patungong kalsada. Habang naglalakad, may madaraanan akong isang parang mini park. May nahagip ang mga mata ko na nag-iisang babae na nakayuko at sa tingin ko ay umiiyak.Hindi ko napigilan ang pagiging Pilipino ko at nilapitan sya. Tumabi ako sa kinau-upuan nya at nagsalita.

“Need this?” sabi ko sa kanya at itinapat ko sa uluhan nya ang panyo ko. Alam ko na kapag angat nya ng mukha nya ay makikita nya ang panyo ko.

Your One-ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon