Chapter 009: Is this a Study Date?
"CLAP YOUR HANDS!"
"STOMP YOUR FEET!"
"THE S-A-N ARMENDREZ! CAN'T BE BEAT!"
"Saan ka ba kasi nag-punta kahapon? Hinahanap ka namin para sa study party tapos bigla kang nawala?" Mave had been asking me kanina pa dahil hindi ko masagot ang tanong niya.
Nag-iikot kami ngayon sa Open Field ng San Armendrez habang pinapanood namin ang paghahanda ng mga estudyante sa darating na School Festival. 'Yung iba ay nagp-practice na ng School Chant at ng Cheerleading Dance. 'Yung iba ay naka-upo sa Football Court at naggagawa ng mga Banders na ididikit sa paligid ng School. Iba't ibang activities ang nangyayari ngayong break.
Habang kaming apat ay nandito at nagk-kwentuhan na lang habang umiinom ng kape at hawak hawak ang mga libro namin dahil wala na kaming gagawin. Ako na lang mamaya at si Aileen, parehas kaming tatambay sa Library para tapusin ang huling Powerpoint namin dahil through PPT ang aming Portfolio. Mataas ang grading doon kaya kailangan na namin matapos agad agad.
"Umuwi lang ako ng maaga sa bahay, nakakainis kasi 'yung mga bida bidang grupo ni Meliza," Mabilis kong sagot.
"Sinong Meliza?" Nagta-takang tanong ni Gella. Tumigil pa kami sa paglalakad.
"Duh! Si Meliza Gae Basilio, 'yung
maarteng babae na akala mo soft girl ng taon pero may tinatagong kulo pala sa loob," Irita kong sabi.
Ilang beses kong naka-salubong ang grupo nila ngayong araw sa loob ng campus at tanging ngisi niya lang ang laging isinusukli saakin habang ako ay patuloy na inii-ignora siya. Why? Do I need to give her attention? For what?
Masyado silang busy ngayon, buti nga. Para kumulot na 'yung buhok niya dahil sa stress. Magha-handa na lang ako para sa darating na Night Ball Party sa huling araw ng Festival Week.
"Gago seryoso ba? Eh ang pangit pangit nun, ah? May balak pa siyang awayin at bullyhin siya eh siya nga itong ka-bully bully?" Tumawa si Gella at ganoon din 'yung dalawa.
"Hay nako hayaan niyo na 'yang si Meliza, for sure inggit lang 'yan. Eh pero sa tingin mo may dahilan ba bakit ka niya ginaganyan?" Biglang kuryosong tanong saakin ni Mave.
"Eh balita ko nga raw kasi umamin siya doon kay Red. 'Yung nerd guy na kinaiinisan ni Star?" Dagdag pa ni Aileen.
I slightly flinch when I heard his name. Kabado akong ngumiti sakanila at itinago iyon sa tawa.
"Ah, oo! Paano mo nalaman Aileen?"
Umirap siya, "Duh!? I have ears everywhere around the campus kaya! 'Wag ka na mag-taka!"
"Eh, ano naman connect nun? So what kung umamin siya diba?"
"Girl, busted kasi!" Tumawa si Aileen.
"Gago! Seryoso ba? Kawawa naman," They both laughed talking about Meliza.
I feel so guilty because my friends were talking bad things about her yet hinayaan ko pa din 'yon. Kinain ko ang konsensya ko kahit na sa tingin ko ay hindi iyon tama. Pero... Hindi ko pa din makalimutan kung ano 'yung ginawa niya sa'kin.
"Speaking of the devil," Mave whispered. She rolled her eyes at hinawi ang buhok niya sa gilid.
Hinila ni Gella ang pala-pulsuhan ko at inilapit sakaniya. We weren't intimidated. Dahil 'yung mga kasama ko dito ay nakangisi at nagk-kwentuhan habang tumatawa kung kaya't mabilis naming naagaw ang atensyon ng Grupo ni Meliza kasama ang Student Council.
BẠN ĐANG ĐỌC
Whispers Of Lies (CANVAS REGENCY SERIES # 1)
Lãng mạnSa murang edad babalakin mo ba pumasok sa mundo ng Pag-Ibig? Handa ka bang isugal ang oras at attention mo sa isang pagmamahal na pilit lang sumisira sa'yo pa baba? Talaga mo bang hihintayin na ang tadhana at oras pa ang gagawa ng paraan para mapagh...
