I inhaled deeply but wasn't able to blew it when he suddenly face me. Nagulat ako kaya agad nag-iwas ng tingin. Patay na ang ilaw ngunit may liwanag galing sa bintana kaya naaaninag ko pa rin siya.
"Goodnight, Gly." he said in a husky voice.
"G-goodnight." sagot ko.
Mahina lang siyang tumawa at bumalik sa dating pwesto.
I prayed and forced myself to sleep but I really can't. Mayroong parte ng kalooban kong hindi matahimik. Una gusto kong pag-usapan namin na niloko ako ng ex ko at gusto kong balatan siya ng buhay sa mga salita ko, but how can I do that if Ram is asleep already?
Alangan namang ngumawa ako mag-isa rito. Isa pang iniisip ko ay bakit nga ba biglang ganito ako? Dati kahit ano pang ginagawa ni Ram wala akong pakialam, magbubunganga ako kung gusto kong magbunganga, pero bakit ngayon nahihiya akong istorbohin siya?
Biglang parang nakakahiyang umarteng parang bata sa harapan niya.
Kung dati wala akong pakialam kung nakadikit ako sa kanya bakit kanina hindi na? Tinatalo ng mga isipin ko kay Ram ang pagiging sawi ko sa ngayon kaya hindi ko alam kung talagang apektado pa nga rin ba ako sa ex ko. Gusto ko nalang pagsalitaan siya ng masama para naman makaganti ako kahit papaano pero hindi iyong tipong gusto kong balikan niya ako at magsimula kaming muli.
Tumikhim ako ng mahabang sandali na ang lumipas ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.
"Ram, gising ka pa?"
"Hmmm?" tugon niya.
Goodness!
"Sorry ha, naabala kita, tapos sa sahig ka pa nakahiga ngayon. Sorry."
Lumaki ang mata ko ng pumaling siya at humiga paharap sa akin habang nakaunan sa kanan niyang braso. Lumunok lang ako at hindi na gumalaw, siguro naman hindi niya ako kita dahil madilim naman ang kuwarto.
"I told you, I'll have your back. Kaya nga lagi akong nasa tabi mo para may masandalan ka 'pag hindi mo na kaya."
"Bakit?" tanong ko sa matagal ng gumugulo sa isipan ko.
He came out of nowhere and he first found me and ask me to be his friend. Nangungulila ako sa kuya noon at saktong halos magkaedad sila kaya naman tinanggap ko.
He made me smile though he looked like a serious person. Sa bawat break up naroon siya, kapag gusto kong makipagbalikan sa akin ang ex ko kakausapin ko siyang pabalikin niya. But in the end dinedecline ko rin naman dahil parang nawawalan ako ng gana.
Sa dami ng magagandang babae sa school namin sa akin lang siya lumalapit at halos ilag sa lahat kaya nga iyong iba gustong magpareto at ako ang kinakausap. Pero dahil maldita ako tinatanggihan ko. Sila ang lumapit kung gusto nila, hindi iyong ako ang aabalahin para sa love life nila.
"Gusto kong protektahan ka." simpleng sagot niya.
Oo nga't sinasabi niya sa akin iyon noon pa, lalo pa kapag broken ako. Piliin ko raw naman ang sasagutin ko para hindi ako masaktan dahil kaya raw niya akong pisikal na protektahan pero hindi emosyonal. Responsibilidad ko raw na protektahan ang sarili ko sa emosyonal na nararamdaman.
"Bakit nga?"
He chucked. "Kaibigan kita at gusto kitang protektahan gaya ng isang malapit na kaibigan."
Ngumuso ako at tila dismayado sa sagot niya ngunit tinanggap ko. "Thanks."
"Gusto kong gawin ito kaya hindi kailangan."
"Kahit pa, simula kasi ng iwan kami ng kuya ko, nangulila na ako sa kanya pero pinapawi mo iyon kaya... salamat."
Ilang sandali siyang natahimik bago sumagot. "You really love your brother, huh."
YOU ARE READING
Hidden Affection
RomanceMinsan hindi mo nararamdaman na nagmamahal ka na pala. Akala mo concerned lang pero pagmamahal na pala. Some of us really hard to distinguished those feelings, but did they really have difference? Baka naman talagang parehas lang. Magiging masaya ka...
Part 2
Start from the beginning
