Chapter 23

70 1 1
                                    

(Russell's pov)
Nandito ako ngayon sa room walang teacher at wala din namang iniwan na gawain yung teacher namin kaya naman kung ano ano na lang mga pinaggagagawa namin. Yung iba natutulog, Yung iba nagcecellphone, Yung iba nasa labas lang nakatambay, Yung iba naglalaro, Yung iba nagkwekwentuhan at yung iba naman tulala lang parang itong katabi kong si Mace kanina pa tulala  ano kayang iniisip nitong bespren ko at mukhang napakalalim.

" Mace "pagtawag ko pero di nya ako nililingon kaya naman tinawag ko ulet sya

" Mace "   - Pagtawag ko pa ulet pero di nya pa din ako nililingon

" Mace "  -  pagtawag ko pa ulet pero di pa din nalingon, Nakatulala pa din sya.

" Hoy besh!"  - medyo malakas na pagtawag ko pero di nya pa din ako nililingon o kahit sagutin man lang kaya naman tumayo ako at nagpunta sa harapan nya.

" Besh, Yohoooo!"  -  sabi ko nang makapunta ako sa harapan nya sabay kaway kaway pa ng kamay and finally tumingin na din sya sakin at sumagot

" Bakit? " - sabi nya sabay tingin sakin.

" Kanina ka pa nakatulala, Kanina pa kita tinatawag di mo man lang ako lingunin o sagutin. Ano ba kase iniisip mo at mukhang napakalalim? "  - sabi ko habang nakatayo at nakapameywang sa harap nya.

" Do you know Dara kehlani Campden? " - biglang tanong nya

" Of course, Who wouldn't know her. She's so famous "  - pagsagot ko pero teka bakit nya biglang natanong yon

" Wait, Why did you- " - magtatanong na sana ako nang biglang dumating yung teacher namin kaya naman napagbuntong hininga na lang ako atsaka bumalik sa kinauupuan.

" Okay class, I'm sorry if I took too long, I was just taking care of something in the guidance office. I still have a few minutes to discuss pa naman sa inyo "

___________ _____________
(Russell's pov)
Nandito ako ngayon sa may malapit sa Lorvs Elementary School, Kasama sila Mace, Mar, Alana, Liz, Freya, Marga at Shayna. Hinahantay namin yung mga kagroup namin, Dito kase kami magpapractice ng sayaw para sa mapeh. Kaso anong oras na, Wala pa din sila.

" Ang tagal nila, Kanina pa tayo nandito. Nagugutom na ko "sabi ni Mar sabay himas sa tiyan

" Oo nga e, Tagal nila. Nagugutom na din ako " - sabi ni Liz sabay himas din sa tiyan

" Kain kaya muna tayo dyan sa may
karinderya " -  pagyaya ni Mar

" Sige tara, Kayo ba? Russell?Nadine? Alana? Freya? Shayna? at Marga? -  sabi ni Liz atsaka isa isa kaming tinignan

" Sama ako, Nagugutom na din naman ako. Ikaw ba besh? " -   sabi ni Mace habang nagkakamot ng ilong

" Oo sasama na din ako, Nagugutom na din talaga ako e" - sabi ko

" Shayna, Freya, Marga, Alana. Sama na din kayo,
Kain tayo dyan sa may kariderya " - Mace

" Sige tara" -   sabay sabay nilang sabi.

Matapos non ay kinuha na namin yung mga bag namin namin sa lapag atsaka pumunta sa kariderya.

At nang makapunta kami sa kariderya ay agad kaming umupo sa may malapit sa labas. Samantalang si Mace naman ay nagpresinta na omorder.

The Girl who doesn't know how to loveOnde histórias criam vida. Descubra agora