"Tama na, Leng, pati utak ko ginugulo mo, hindi ba pwedeng makuntento ka sa paggulo dito sa puso ko?" Pigil at banat sa kanya ni Justine.

Hindi niya napigilang paikutan ito ng mata.

"Mag-move on ka na, tol. Doon ka na lang kay Sharmaine."

"Oh talaga ba?"

"Mabuti at naabutan ko kayo dito."

Agad silang napalingon sa harap ng may nagsalita.

Si Rold X. Ang boss ng mga magnanakaw sa lugar nila. Maraming pera at may mga tauhan ito na magnanakaw. Minsan na siyang nasali isang beses sa organisasyon nito 'nung maospital si Long pero isang gabi lang 'yun dahil hindi niya talaga masikmura na magnakaw ng malalaking halaga.

"Rold X." Bati ni Justine saka tumayo.

"Justine, may ipapatrabaho ako sayo. Ito kasing si Leng ay mukhang asensado na sa buhay at hindi na makakasali---"

"Sasali ako. Anong misyon ba?" Seryosong singit niya.

Agad na napangisi ang nasa singwenta ang edad na lalaki.

"Magaling, Leng. Medyo mahirap kasi ang misyon na 'to at ang stratehiya mo ang pinakagusto ko."

"Ano ba 'yun?"

"May misyon ang mafia boss namin sa aming mga underlings, eh. May kukunin lang kaming importanteng bagay mula sa isang membro ng pamilyang 'yun."

"Tapos? Sinong pamilya ba 'yan?"

Ngumisi ito.

"Siguradong papayag ka dahil may galit ka sa mga Benjamin."

"Ano?"

"Ang heirloom ring ni Harvie Benjamin. 'Yun ang target. Nakawin mo."



















"TOTOO ba talaga ang sinabi ni Rold X? Na bakla talaga si Harvie?" Pagchichismis sa kanya ni Justine.

Pinaikutan niya ito ng mata.

"Sinabi ko na dati, 'di ba. Kaya nga siya ang target ni Rold X dahil wala namang silbi ang heirloom ring dito dahil wala namang planong magpakasal ito sa babae." Aniya habang nakatingin sa labas ng malaking bahay ni Harvie.


Ito mismo ang bahay ni Harvie, ngayon pa lang siya nakapunta. Shutang-ina ang laki. Siguro mga sampong beses ka laki kumpara sa bahay niya.

Mayaman talaga at higit pa doon may naka-engraved na Benjamin sa gate ng binata.

Benjamin talaga.


"Papasok na ako. Ikaw ang magbabantay dito tapos ako ang papasok---"

"Baka mapahamak ka." Pigil sa kanya ng kaibigan.


Ngumisi siya dito.

"Don't underestimate me, char napa-englesh tuloy. Sige, una na ako."

"Mag-ingat ka."

Tumango siya dito at agad na lumapit sa gate. Walang guards, tanging doon lang sa gate ng village na nalusutan nila kanina, siuntok ba naman ni Justine kaya nakatulog. Mukhang kampante talaga ang mga Benjamin.

Laking pasalamat niya ay bukas ang gate. Tumingala siya sa veranda ng bahay ng binata. Sabi ni Rold X ay naroon ang silid ni Harvie.

Napabuga siya ng hangin bago naghanap ng paraan kung paano niya maakyat ang veranda nito.

At dahil isa siyang matalino...sa pagnanakaw at pag-akyat bahay, ay naakyat niya iyon. Hapong-hapo siyang napadapa sa veranda nito sa pagod. Tangina ang taas ng inakyat niya.


Tumayo siya at pinagpagan ang sarili. Tahimik at madilim ang buong bahay. Kumpirmadong wala si Harvie. Siguro naroon ito sa bahay ng magulang.


She picked the lock on the door of tge veranda. Nang magtagumpay ay pumasok siya.

Malakawak, madilim at tanging sinag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw.

Agad na dumapo ang mata niya sa isang bagay sa isang sulok. Isang glass vault kung saan may kuminang na bagay sa loob niyon.

Ang heirloom ring.

Agad na kuminang ang mata niya.

Isang milyon ang makukuha niya kung magtagumpay diyang makuha ang singsing.

Yayaman na siya.


Walang pagdalawang isip ay nilapitan niya iyon. Gamit ang matigas na bagay ay binasag niya ang glass vault na agad ring nabasag. She's confident because she know, no one is here.

Napangisi siya.

Dahan-dahan biyang inabot ang kumikinang na singsing. Naoalunok siya ng mahawakan iyon.

Shuta ang ganda.

Parang nagdadalawang isip na tuloy siya kung ibibigay ito kay Rold X. Nakakengganyo kasing suotin!


Wala namang masama kung susuotin niya, no? Try lang.

She slowly insert the ring on her finger and she gasped on how it perfectly fits on her.


"Sorry, Rold X pero hindi ko 'to kayang ibigay sayo."

Shuta, ang ganda talaga pero paano ang isang milyon?

Pera...kailangan niya ng pera.

Akmang huhubarin na niya ang singsing ng bigla na lang siyang umangat sa ere.

Iyon ay dahil sa biglaang pagkarga ng hindi kilalang salarin at kinarga siya papuntang kama at binagsak doon.


"Puta! Sino ka---hmmmp!"

Her screamed vanished as his lips crushed on her. Agad siyang napapikit ng malasahan ang pamilyar na labi ni Harvie.


"Harvie, sandali!" Pigil niya pero kinulong ng binata ang kamay niya sa kanyang uluhan kaya hindi siya makagalaw.


"Fuck, the ring looks so good on your finger." He cussed while looking at her hand that's above on her head.


Gumalaw siya para makawala pero hinigpitan ng binata ang pagkakakapit sa kanya.


"Bitawan mo ako!" Galit na sigaw niya.


"No fucking way, fucking theif." Anas nito sa baritonong boses.

"Isasauli ko na basta bitawan mo ako!"

Sa sinag ng buwan ay nakita niya ang pagngisi ng binata.

"Not until we're done on what am I gonna do with you." Nakangising anas nito dahilan para tumibok ang pagkababae niya.

Puta, kumalma ka pekpek hindi ito ang tamang oras.

"Galit pa rin ako sa 'yo." Anas niya sa binata.


"Then, tell me what should I do for you to forgive me?"

Agad siyang napasimangot.

"Gusto ko ang MOA Globe. Kunin mo 'yun para sa akin. Now na."




 





Hidden Desire (4th Gen #12)Where stories live. Discover now