"Lahat naman ata ng gawin mo jaydee ay magiging masaya si queen! O siya akyat na ako ah? Ingat ka ulit!" Pagpapaalam ni kielle sa akin, kumaway nalang ako sa kanya saka nagtungo sa may kotse ko , nandun naman na si manong james para maipagdrive ako pauwi.

Day 25

Magkasama na kami ni kielle ngayon , siya ang nagda drive at kasama namin si gabbo na nagsi cellphone lang sa byahe , pokus na pokus sa kakachat kay coleen if may update na ba kay frances.

Hindi sana kami matutuloy ngayon kaso nga lang ay nandoon naman si tito kaya sinabihan niya muna ako na magliwaliw na muna kahit ngayong araw lang.

Excited na akong makarating sa farm na sinasabi ni kielle ngayon, sayang lang at hindi ko kasama ngayon si frances para sabay namin makita iyun.

"Malayo pa ba tayo kielle? Gosh ang ganda ng tanawin dito! Sigurado akong matutuwa yun sila coco kung kasama natin sila ngayon" manghang mangha na sabi ni gabb habang pinipicturan yung lugar na dinadaanan namin.

Binuksan ko na yung bintana at tsaka nilanghap ang simoy ng hangin , ang sarap sa pakiramdam lang na hindi puro usok ang nalalanghap namin dito.

May nakikita din kaming mga iilang kabayo , kambing at kalabaw sa paligid like napaka payapa lang tignan ganun.

Ang sarap lang mamuhay ng normal kagaya ng mga taong naririto ngayon , siguro pag okay yung farm ngayon? Baka magpatayo na din ako ng bahay doon for the future purposes ganun.

"Malapit na tayo gabbo? Mga 15 minutes siguro ay naroon na tayo , nakaabang na din si Tiyo Mando sa may bandang kanto ng farm" aniya naman ni kielle na pokus na pokus sa pagdadrive ngayon , bahagyang natahimik nalang kami at patuloy na pinagmasdan ang paligid.

A few minutes later ay nakarating na kami, may isang matandang lumapit sa amin at binati kami , ganun din nag ginawa namin.

Mukhang siya nga ata yung may ari ng farm na sinasabi ni kielle , agad na niya kaming inassist papasok ng farm.

Puro kakahuyan lang ang nakikita namin sa ngayon at tumatama sa mga mukha namin ang malakas na hangin.

Tuloy tuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa marating na namin yung farm na sinasabi nito , napahawak nalang ako sa aking mga bibig dahil sa sobrang pagkamangha , grabe sobrang ganda nitong lugar na ito.

Makikita mo ang nagsisiwagayway na mga sunflower at kay sarap tignan nito sa malayuan man pati sa malapitan.

"It has a nice view! I like it Tiyo Mando? Sobrang napaka refreshing ng lugar na ito lalo na para kay queen" masayang sabi ko sa kanya , nginitian niya lang ako kasabay nun ay napadako ang tingin niya sa mga bulaklak at pumitas ng isa.

"Magkano po ba ang presyo na ipagbebenta niyo po sa kaibigan namin?" Magalang na tanong naman ni gabbo habang may pinipicturan din na isang sunflower.

"Alam niyo iha? Hindi ko sana ninanais na ipagbenta itong farm na ito , kasi nga ito nalang yung tanging alaala sa akin ng asawa ko ngunit base sa nalaman ko kay kielle  , makapagbibigay ito ng kasiyahan kay frances na minamahal mo jaydee?! Naway magising na siya at matunghayan niya itong lahat ng magkasama kayo , 3 million pinakamurang presyo na para sa buong farm na ito at kasama yung mansion namin pati na din yung ibang mga hayop na nandirito sa aking nasasakupan" sabi naman ni tiyo mando , halata ang lungkot sa kanyang mga mata ngunit nagagawa niya pang ngumiti sa harapan namin.

30 DAYS WITH YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now