C9

619 81 3
                                    

Jaydee's Pov

Its saturday night at kasalukuyang nakahiga lang ako sa may kama ko , ni hindi nga ako bumangon simula nung umaga kasi sobrang ramdam ko ang pagkapagod ng katawan ko.

Mabigat din ang nilalaman ng aking isipan at hindi ko na nga kinakaya pa yung mga stressful nights na nangyayari sa akin dahil sa sunod sunod na problemang dumarating.

"Prepare yourself?! Sapagkat pinapapunta tayo ng Tito Wilson mo sa kanila para sa dinner , isuot mo yung binigay na suit ni frances sayo nung birthday mo?! Bilisan mo ang pag aasikaso dahil ayokong nag aantay ang pupuntahan natin ngayon" bungad na sabi ni daddy nang mabuksan ko yung pintuan ng kwarto ko.

"Okay dad?! I'll be there in a minute. Kaya pahintay na lamang ako sa may baba" Mahina at walang ganang sabi ko sa kanya , lumabas naman na siya at ako naman ay kinuha na yung tuwalya ko upang maligo na.

So this is it ramdam ko na yung kaba kasi eto na ata yung huling beses na makikipag dinner kami sa Pinlac Fam.

Kung ano man ang maging decision ni frances ay gagalangin ko pero if may chance pa akong mapabago yung isip niya ay gagawin ko.

Dinadama ko lang ang pagpatak ng tubig na nanggagaling sa shower ko at kasabay nun ay ang ala ala na nag rereminisce sa akin.

Parang kailan lang kasama ko pa si Mom pero ngayon hindi ko lubos akalain na wala na siya at kailanman ay hindi ko na siya makikita pang muli.

Nakikisabay lang yung luha ko sa tubig na nagsisilbing panangga ko upang hindi ko mailabas lahat ng sakit na aking nadarama.

"Master Jaydee?! Master Jaydee?!" Tawag naman ni manang sa may labas ng cr kaya natigilan ako sa pag eemote at tsaka mabilis na naglagay ng shampoo sa may ulo saka siya sinagot.

"Sandali na lang at matatapos na ako manang?! Pakilagay nalang dyan sa kama ko yung susuotin ko ngayon , salamat!" Sigaw ko sa kanya at nagpatuloy sa pagligo, Kinatok niya naman akong muli.

"Ah master jaydee?! Sa tingin ko po kailangan niyo na pong lumabas sapagkat si Miss Frances daw po ay isinugod sa hospital ngayon ngayon lang?! Dalian niyo na po at magbihis na po kayo ngayon sabi ng daddy niyo po" magalang na sabi ni manang na ikinagulat ko , kaya agad na akong nagbuhos ng mabilis at lumabas ng kwarto.

Pinalabas ko na siya and then mabilis na nagbihis ng damit saka bumaba ng hagdan  , sinenyasan naman ako ni dad na dumiretso na sa may kotse nang makaalis na kami.

Halata na sobrang nanginginig yung katawan ko sa nalaman ko at sobra akong nag aalala ngayon kay frances , please lumaban ka pa queen.

Aniya ko sa sarili ko saka napayuko na lamang upang ipagdasal yung kalagayan niya , dati sanay na ako saga ganyan pero ngayon iba na yung nangyayari.

Paliit ng paliit yung chance na humaba pa ang buhay niya sabi ng private doctor niya at yun ang ikinakatakot ko ang maiwanan na naman ng taong mahalaga sa akin.

Maya maya ay nakarating na kami ng hospital at dali dali na kaming nagtungo doon sa may Vip room na kinabibilangan niya.

Sa hindi inaasahang pagkakataon naman ay pagdating namin ni dad ay bumungad sa akin si Kielle at Gabb na nasa may bandang gilid ni frances.

Gising na si frances ngayon at halatang halata sa kanyang mukha yung pagod dahil sa sakit na nararamdaman niya pati din yung buong katawan niya ay sobrang pale na talaga.

Napatingin ako sa bandang kamay nito at hawak hawak nga iyun ni kielle , ewan ko pero sa tinagal tagal ng pamamalagi ko dito sa mundo ay ngayon ko lang talaga naramdaman na gusto kong pumatay ng tao.

"Jaydee?! Anong ginagawa mo dyan? Ibigay mo na yung bulaklak at ilapag mo yang prutas dun sa may lamesa" mahinang sabi sa akin ni dad , ni hindi ko naman maigalaw yung katawan ko dahil sa natutunghayan ko ngayon.

Isa lang ang masasabi ko , masakit , masakit na makita siyang inaalagaan ng iba habang nasa harapan nila ako.

Unti unti ko naman nang inihakbang yung paa ko at tsaka inilapag yung prutas , nagpunta naman si dad sa tabi ni tito wilson na nag aalalang nakatingin lang sa kanyang anak.

Nakatingin lang sa akin si Gabb nang nakakapang asar , so this is what you're doing , binabawian mo ako sa mga bagay na ginawa ko noon.

Ikaw ang basura sa atin gabb hindi ako tandaan mo yan, pag nagkaroon lang ako ng tyempo tiyak bubugbugin kita ng malaman mo kung sino binabangga mo.

"Kamusta pakiramdam mo queen?! Masakit pa ba yang dibdib mo ah?!" Tanong ko sa kanya tinignan lang naman niya ako ng mabilis and then ibinaling niya na ang atensyon niya kay kielle na hawak pa din ang kanyang kamay.

Like respeto naman oh? Ako yung fiance tapos hawak ng iba yang mga kamay niya? Let's just say na gawain ko din yan pero kailangan niya bang gawin to pabalik sa akin?

So is this what they call karma na? Okay i get it deserve ko na masaktan , ganito din siguro yung nararamdaman niya sa tuwing nambababae ako.

"Thank you for this and you may leave na jaydee , nandito na si kielle at gabb kaya hindi mo na kailangan pang dumalaw sa akin" sabi niya sa akin nang nakadiretso ang tingin , hindi naman masakit ano?

"Queen?! What's wrong with you? Dinalaw ka na nga ng fiance mo tapos ganyan pa sasabihin mo? Jaydee im sorry ah pagpasensyahan mo na si Queen sapagkat may dinaramdam lang siya" pagsaway naman ng daddy niya kay queen , makikita din ang gulat sa mga mata ni dad sa sinabi ni queen.

"Okay lang po tito------"

"Dad?! Diba nangako ka sa akin na may tutuparin kang wish ko? I wanted you to grant my wish right now" biglang singit naman sa usapang muli ni frances , nararamdaman kong ayaw niya talaga ako dito sa hospital.

"Queen naman?! This is not the time to talk about your wish , mag rest ka muna and I'll assure you na tutuparin ko lahat ng gusto mo" mahinahong sabi ng kanyang daddy , mukhang alam ko na yung gusto niyang hilingin sa daddy niya.

"I wanted you to cancel yung wedding namin ni jaydee , that's my final wish daddy" see silang apat ay gulat na gulat habang ako ay hindi na ako nagtaka na iyun ang sasabihin niya , basta nararamdaman ko lang na parang naghihiwalay yung puso ko ngayon sa sobrang sakit pero pinipigilan kong wag umiyak.

"Queen?! Ano bang klaseng wish yan? Alam kong nagiging emotional ka lang kaya please mag rest ka muna baka pagsisihan mo to mamaya pag ginawa ko yung wish mo" lumapit na ang daddy niya sa kanya saka hinawakan ang kamay nito.

"No dad , i know na hindi ko to pagsisisihan sa huli , now leave jaydee causs I don't need you here!" Pagpapaalis niya pa sa akin , tumango nalang ako at nagpaalam na sa kanila tito.

That's it? I'll give her a time muna kasi baka pag ngayon ako nanghingi ng second chance sa kanya ay baka makasama pa sa kalusugan niya.

"I'm sorry sa inasal ni frances pare?!" Rinig kong sabi ni tito kay daddy ngunit nag diretso diretso na ako sa paglalakad , gusto ko munang mag isip ng mag isa lamang kaya nagpunta nalang ako sa rooftop ng hospital na ito.










Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕

30 DAYS WITH YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now