C12

624 92 18
                                    

Gabb's Pov

Magkasama kami ngayon ni Jaydee sa may mini bar ng bahay namin , bumabawi lang kami sa isa't isa sa mga hindi namin pagkakaintindihan.

Humingi na din ako ng tawad sa kanya sa mga nagawa at nasabi ko sa kanya , nadala lang ako ng emosyon at labis na inis sa kanya kaya nasabi ko yung mga dapat hindi ko sasabihin sa kanya.

I don't mean to invalidate yung nararamdaman niya kasi siya yung nakakaramdam nun at hindi ako , siya ang nahihirapan at hindi ko danas yun.

"Gabb?! Wala pa bang update si kielle about dun sa surprise niya kay frances? Argh what if sagutin niya na yun?!" Nag aalalang tanong niya sa akin , kanina ko pa nga din inaantay na mag update si kielle about doon.

Ano na kayang ganap? Bakit ang tagal niya namang magsabi sa akin ng kaganapan? For sure magugustuhan talaga ni frances yung pa surprise sa kanya ni kielle kasi isa ako dun sa tumulong sa kanya eh.

"Wala pa dong eh?! Di pa nga din siya nagrereply sa mga text at chat ko sa kanya , mukhang all goods naman ara ang ganap sa kanila---" natigilan naman ako sa pagsasalita nang biglang tumunog ang cellphone ko at si kielle nga itong tumatawag sa akin ngayon.

"Jaydee saglit lang ah labas na muna ako?! Sagutin ko lang tong tawag ni kielle" pagpapaalam ko kay jaydee tumango lang naman ito sa akin saka lumabas na ako ng mini bar room namin na nasa basement.

OTPC

"Hello kielle?! Kamusta?!" Paunang sabi ko sa kanya habang naglalakad , hindi naman siya nakasagot sa akin ng ilamg segundo.

"Hindi ko ba deserve na mahalin gabb? Please tell me? Bakit lagi nalang akong nasasaktan pagdating sa pag ibig? Lagi nalang akong hindi pinipili ng taong minamahal ko" naiiyak na aniya niya sa akin ngayon , so it failed i guess.

"Nasaan ka ngayon kielle?! I'll be there in a moment?! Magbibihis lang ako ah?!" Nag aalalang aniya ko sa maikling panahon ay masasabi ko ding napakabuting tao ni kielle sadyang malas niya lang kasi sa matalik niyang kaibigan siya nagkagusto.

"I'm here alone sa intramuros , i thought maipapakita ko sa kanya itong napakagandang ginawa natin bud sadly she refused na and i think no one can replace jaydee in her heart" naiiyak na sabi niya sa kabilang linya , nakakalungkot ano? Yung magmahal ka ng taong hindi pa tapos mahalin yung isa.

Masakit yun kaya nga hindi pa talaga ako nag jojowa hanggang ngayon kahit na may nagugustuhan na akong babae.

I just don't know lang , I don't have the courage to tell her what i feel hindi kagaya ni kielle , hinarap niya ito at nag take a risk and sadly it wasn't enough.

"Papunta na ako dyan?! Wait for me kielle! Kunin ko lang yung susi ng sasakyan ko sa loob" aniya ko sa kanya umokay naman siya sa akin at saka pinatay na yung tawag.

EOTPC

"Dong?! I need to go ah?! Pupuntahan ko si kielle ngayon sa intramuros , maiwan na muna kita dyan! Babalik ako maya maya , dito ka nalang din matuloy muna" Pagpapaalam ko kay jaydee pero napatayo naman siya at lumapit sa akin.

"Bakit may nangyari bang masama? May sinabi ba siya sayo ano nang ganap sa kanila?!" Takang tanong niya sa akin napabuntong hininga nalang muna ako bago nagsalita.

30 DAYS WITH YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now