Forget Me Not by NuhYheen

Magsimula sa umpisa
                                    

“Mahal,naka set na ulit ang date ng kasal natin….. sa oras na gumising ka, itutuloy natin agad. Ready na lahat hon. I miss you hon.”

“Hon, dito lang ako lagi sa tabi mo.”

“Goodnight Hon, sleep tight.”

“Goodmorning mahal, breakfast is ready.”

Isang taon mahal. Isang taon na pala ang lumipas. Sabi ng doktor bumubuti na daw ang lagay mo. Nabawasan na din ang mga equipment na nakakabit sa katawan mo.

“Hon, narinig mo yun? Malapit ka na daw gumaling.” Masaya kong sabi sayo. Habang hawak ang kamay mo.

Ilang buwan pa ang lumipas at nilipat ka na sa isang private room.

Lahat kami nag-aabang sa paggising mo. Sabi ng doktor ngayong araw,gigising ka na.

“Honey, wake up! I’m so excited to hear your voice. I miss you so bad hon. I love you hon.”

Hangga’t maari hindi ko binibitawan ang kamay mo. Para sa oras na magising ka, alam mo na hindi kita kailanman iniwan kagaya ng pangako ko. Mahal na mahal kita. Diba ikaw at ako lang forever?

Nagpaalam ang mama mo at mga kapatid, lalabas lang daw sila. ako lang ang naiwan dito kasama mo.

Maya maya pa..

Nakita ko! Gumalaw ang mga kamay mo.

“Mahal!” bigla akong nagkasigla. Tinawag ko agad ang mga doktor.

“Salamat sa Diyos.” Sabi ko. Salamat talaga Lord God. Salamat po.

Pagkatapos ng pagcheck sayo ng doctor, kinausap niya kami.

“The patient is fine now. Lumaban siya. Kahit hirap na hirap na ang katawan niya, lumaban siya. Masaya akong nagising na siya. We’ll be having some test pa kaya by next week pa siya makakauwi.”

Nagpasalamat kami sa doctor.  Hon, at last! Ang saya ko. Ang saya saya ko.

“Hon, you’re awake. Thank God. How are you? Anong masakit?”

Ang tagal mo kong tinitigan. Anong problema?

Nag-aabang kaming lahat sa pagbuka ng bibig mo. Namiss namin ang mga tinig mo.

“Hon?” sabi mo. “Anong hon?” nagtaka kaming lahat. Then you called your mom. “Mom, anong ginagawa ng girlfriend ni Julius dito?” seryoso ka sa pagkakasabi mo. Nagkatinginan kaming lahat. Mahal,anong nangyari? Akala ko yan lang ang ikagugulat ko.pero nagsalia ka pa ulit. “Nasan po si Sarah?”

Nilapitan ka at kinamusta ng mga kapatid at pinsan mo. Nanatili ako sa posisyon ko. Parang napako ang mga paa ko. Lumabas muna ako.

“Mom, anong ginagawa ng girlfriend ni Julius dito?”

“Nasan po si Sarah?”

Paulit- ulit yang mga salitang yan sa utak ko. Hindi ko mapigilang hindi maiyak. naisip ko baka epekto lang yan ng matagal mong pagka-coma. Kaya hinayaan ko lang.ilang araw ang lumipas. Inaalagaan pa rin kita. Syempre. Fiance mo ako. Mahal kita.

“Ahm.. Mae? Bakit mo ko inaalagaan? Baka magselos si Julius niyan.” Nakangiti mong sabi. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Mahal, ano bang nangyayari sayo?

“Hon, stop joking.” Pero nagulat ka. At muntik mo ng mailuwa ang sinubo kong mansanas sayo.

“Mae. I’m serious. What are you doing here? At anong Hon? Teka, nasan ba si Sarah? Bakit hindi niya ko dinadalaw? Umuwi ka na. baka magalit pa sa akin si Julius.” Seryoso mong sabi.

Your One-ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon