Chapter 6

11K 371 30
                                    

Benjie's POV

She's kissing me. Hindi ko alam kung paano umiwas o gusto ko nga bang umiwas. Nararamdaman ko ang malambot nyang labi na dumampi sa labi ko. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. Ngayon lang ako nakahalik ng babae. And I must admit it, nagugustuhan ko.

Akmang ipupulupot ko na ang isang braso ko sa bewang nya nang bigla syang humiwalay sakin. Napaawang ang bibig ko nang makita ko ang pagkailang sa mukha ni Karylle. Hindi nya ba nagustuhan? Baka nadisappoint sya kasi hindi ako nakatugon sa halik nya.

"I-I'm sorry... Let's go, baka hinihintay na tayo nila Dad." malamig nyang sabi bago pumasok ng sasakyan. Tahimik naman akong sumunod sakanya. Sya padin ang nagdadrive habang nakatanaw lang ako sa may bintana.

Bakit Karylle? Bakit mo ko ginaganito? Hahalikan mo ko tapos parang wala lang sayo? Eh kung gahasain kita dyan tapos wala lang din sakin? Pero hindi ko gagawin yun kasi bakla ako.

Bakla ako! Bakla ako! Bakla ako! Pero pagdating sa babaeng ito, hindi ko na alam kung bakla pa ba ako. Nakakaasar! Dapat tinulak ko sya kanina. Dapat nandiri ako sa halik nya. Dapat nagagalit ako sakanya ngayon.

Hindi ko na alam. Nakaramdam ako ng saya sa halik nya. Akala ko kasi---- hayyy! Hindi dapat ako umasa na may malalim pang dahilan yung paghalik nya sakin. Bodyguard nya lang ako.

Malay ko ba kung trip nya lang halikan ako. Ayoko mag-assume!

= = = =

Karylle's POV

Hindi ko dapat ginawa yun. Hindi ko dapat hinalikan si Benjie. Si Neil ang may kasalanan. Nakita ko kasi syang nagpapagasolina at may kasama syang babae. Nagtatawanan sila na tila napakasaya nila habang ako, pinipilit pading mag-move on.

Nakakainis yung lalaking yun! Ganun ba talaga ako kabilis palitan at may bago na agad syang nilalandi?

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Kaya noong napalingon sya sa gawi namin ay agad kong hinalikan si Benjie. Gusto kong ipakita sakanya na may bago nadin ako. Kahit wala naman talaga. Na nakapag-move on na ko. Kahit hindi pa naman talaga.

Napalingon ako kay Benjie. Tahimik lang syang nakatanaw sa bintana. Hindi ko alam kung anong iniisip nya. Siguro galit sya sakin kasi hinalikan ko sya. Nandidiri siguro sya sakin. Alam ko namang ayaw nya sa babae kasi bakla sya. Siguro kung wala kami sa kotse at kung hindi ako nagmamaneho, sinabunutan na nya ako. Napalingon ako sa sugat nya. Mukhang napupuno nanaman ng dugo ang gauze na nilagay ko.

"Benjie..."

"Bakit?" walang reaksyon nyang sabi. Ni hindi nya man lang ako nilingon.

Napadako pa ang tingin ko sa labi nya. Nararamdaman ko pa ang lipstick nya sa labi ko. Parang gusto kong ulitin yung halik. Hayyy, sana lalaki ka nalang Benjie. Sana ikaw nalang si Neil.

"Tumingin ka nga sa daanan wag sa mukha ko." pasungit nya pang sabi. Nagulat ako kaya napaayos ako ng upo.

"I'm sorry Benj. Hindi ko ginustong halikan ka." sabi ko sabay pout. Baka umepekto yung pagpapacute ko.

Hindi nya ako nilingon. Naramdaman ko ang pagbuntong hininga nya. Kanina habang tumatakas kami sa tower, ngiti pa sya ng ngiti sakin. Aaminin ko, napopogian ako sakanya kapag nakangiti sya sakin. Pero bakit ngayon, ni hindi nya man lang tinitignan. Galit talaga sya sakin. Well, palagi nga syang galit sakin pero ayoko lang ng pakiramdam ngayon.

Kasalanan talaga 'to ni Neil!

= = = =

General POV

"Sana sinabi nya nalang na ginusto nya yung paghalik sakin. Sana sinadya nalang. Baka sakaling kiligin pa ko! Nakakaloka!" sa isip ni Benjie.

The Beki BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon