Kabanata 4

4 0 0
                                    

Gaya nang sabi ko. Maaga akong gumising para pakainin ang maputlang biik na alaga ni mother earth.

"Biik!" Nakangite sabi ko at tinignan lang ako ng
Biik. Napawi ang ngite ko. Snober nga pala tong biik nato.

"Psh. Snober ka? Wala kang pagkain!" Inis na sabi ko at inirapan yung biik kaso tinignan lang ako nito at pumikit.

"Biik na maldita. Kain na!" Malakas na sabi ko pero hindi ako pinansin nito kaya tinignan ko ito ng masama.

"George!"

Malakas na sigaw ko sa aso naming ang lakas tumambay sa kanto para mangagat.

"Bow wow wow!" Of course sosyal yan tumahol.

Mabalis pa sa alas kwarto ang pag tayo ng biik na maputla at nag simulang kumain. Napa smirk naman agad ako at tinignan si George na nag hihintay saakin.

"Hey George! Anong balita sa kanto?" Nakangite sabi ko at Iniwan si biik doon na mukhang masama ang loob saakin.

"Bow wow wow"(trans: Mga dugyot parin)

And of course may translation yan dahil nga sosyal ang aso namin na mula pa ito sa toktok ng mga basaruhan noon. Inampon lang naman ito ni mother earth dahil wala daw may ari.

"Yung sabi ko sayo ha. Pag may nag hanap saakin na feel mo hindi maganda or hindi gwapo. Taholan mo ha!" Tumahol ito ng marami at ginagat pa ang pajama ko. Anak ng.

"Bakit mo ba ginagat ang pajama ko? Favorite ko pa naman to!"

"Punyetang babae ka. Ano naman bang ginagawa mong katangahan diyan? Sino naman ba kausap mo!"

Na gulat naman kami ni George sa sigaw ni mother earth na malapit na pala saamin.

"Makatanga naman to si mother earth!" Naka pout na sabi ko at patakbong lumapit sa kanya. Niyakap ko agad ito nang makalapit ako.

"Mother earth ko. Ang aga aga pa tapos subrang tahimik muna!"  Nakangite sabi ko at agad naman ako naka tanggap ng isang kurot sa tagiliran.

"Nay naman eh!" Naka pout na sabi ko.

"Pumasok ka na sa bahay. Para kang tanga diyan" tumango ako at umakbay sa kanya. Hindi naman ito tumutol. Nilingon ko muli si George na may ka landian na pala ibang aso. Aso yun ni aling maria ha.

"Anong ulam nay?" Nakangite tanong ko parin kay nanay.

"Letchon anak!" Nakangise sabi nito saakin. Nang laki yung mga mata ko? Totoo? Natatakam tuloy akong kumain. Hindi ko na matandaan kung kailan ang huli kong kain ng letchon. Basta matagal na.

Binuksan ko ang lalagyan ng pagkain namin at excited na tinignan ang laman nito.

Eh?

"Nay! Wala naman Letchon eh. Marshroom naman to eh. Kita muna, kakawattpad mo yan''

Busangot na sabi ko kay mother earth na tumatawa pa ito habang naliligo.

Ano bang klasing mata yan? Kailan pa naging Letchon tong marshroom nato? Shuta rin mag imagination to si mother earth.

"Ang tanga talaga!" Malakas na sabi ni mother earth.

Sinamaan ko lang ng tingin ang pintoan ng Cr. Pag ako talaga naka jowa ng amerikano, Hindi ko talaga to isasama sa state Hahahaha.

****

"Nay! May trabaho ka ba Ngayon?" Nakangite tanong ko kay nanay habang kumakain kami nang itlog na galing pa sa alaga niyang manok.

"Malamang! Paano kita pakakainin kung hindi ako mag tra-trabaho" masungit na sabi nito pero hindi ko siya pinansin.

"Sama ako!" Nakangite sabi ko parin kaya sinapak ako ng kutsara ni nanay sa noo.

Tell Me When Your ReadyWhere stories live. Discover now