"So.... You met her? How did you know that it was her?"


........

"I'll go ahead?" Anunsyo ni Acerdel bago tumayo sa kinauupoan.

Tinignan ko ang wrist watch ko to find that it was already 5:39pm.

"Okay." Reividan.

"Sige dre. Siguradong hinahanap ka na rin ngayon ni Zaitel at lagi mong iisipin na umaasa din 'yong tatay niya sayo dapat hindi mo siya iniiwang mag-isa." Paalala ko rito.

"Oo nga dre. Malaki ang tiwalang ibinigay sayo ni Mr. Anderson kaya dapat mo lang siyang protektahan ng maigi lalo na sa panahon ngayon. Kahit na nandoon 'yong kapatid mo ngayon sa piling niya." Dagdag ni Reividan.

"Mga ungas ang sabihin niyo hindi niya dapat iwan si Zaitel sa piling ni Ace kasi karibal niya ito at malaki ang posibilidad na muunahan si Acerdel." Seryosong sabi ni Rrender. Lasing na siya kaya ganiyan na kung makapagsalita but I find it cool and creepy when his drunk. "Kaya umuwi ka na bago ka pa maagawan." Dagdag pa nito at muling nilaklak ang bote nang whiskey.

"Wala siyang aagawin kasi hindi pa naman sila." Sabi ko rito na pinagsisihan ko naman because Acerdel is giving me his death glare. "Acerdel my man, I will inform Kerr about your courting problem alam mo namang mas expert 'yon kaysa sa atin."




ZAITEL'S POV

"Bakit sinali mo ang asin kanina Chepipay masakit kaya 'yon sa balat kung alam mo lang." Nakangusong sabi ni Vien na nakaupo sa sofa dito sa living room.

Wala ngayon si Acerdel nandon siya ngayon kasama ang mga kaibigan niya. Hindi na umuwi si Ace matapos naming magkalat kanina sa kusina nakihiram na lang siya ng damit sa kuya niya pero di naman siya pinahiram. Sa akin pa sana siya manghihiram ayaw kasi siyang pahiramin ni Acerdel ng damit nito kaya ayon napilitan siyang suotin ang damit ni daddy. Pero hindi naman nabawasan ang kagwapohan niya.

"May gusto ka ba kay Fergal?" Kapagkuway tanong nito na ikinaasim ng mukha ko. Yayks!

"Hindi no." Kaagad na sagot ko.

"E bakit pinadalhan mo siya ng cookies na niluto natin kanina kay kuya?" Nagtataka nitong tanong "sabihin mo lang kung may namamagitan sa inyo Chepipay at kakainin ko talaga siya." Dagdag pa nito na ikinaasim lalo ng mukha ko. As if namang magagawa niya.

"Eww hindi kaya. Kahit friend hindi nga." I said.

Oo gwapo si Fergal pero hindi siya ang tipo ng lalaking magugustohan ko.

"Siguradohin mo lang Chepipay."

Nakokonsensya lang ako sa pagtakas ko nong araw na tinakasan ko siya baka nga pinagalitan siya ni Acerdel nang araw na 'yon. At buti na lang hindi ako sinumbong kay dad talagang malalagot ako pag-umabot 'yon sa kaniya.

"O mas tama banh itanong na may gusto ka kay Acerdel?" Seryoso nitong tanong at maigi akong pinakatitigan. Ilang ulit akong napakurap at napalunok sa dahilang wala akong mahanap na isasagot. I know that I can answer his question with a simple 'yes' or 'no' pero wala talagang lumalabas sa bibig ko.

"Mukhang nandiyan na si kuya." Biglang sabi ni Ace.

May narinig kaming bumusina sa labas ng bahay at hindi rin nagtagal ay pumasok na ito sa loob ng garage.

My Phenomenal BodyguardWhere stories live. Discover now