Siguro, kung ibang pamilya ang kaharap ko at sinabi ko ang bagay na ganito, yanig ang kabahayan sa gulat nila. Iba ang pamilyang ito. Kalmado ngunit mapanganib. Iyon palagi ang ibig sabihin ng presensya nila. They are always in equanimity state. 



"Jesus..." singhal ni Daddy Throne.


Muli akong tiningnan ni Eurus. Hindi na yata talaga maaapula ang apoy sa mga mata niya. At imbes na ma-intimidate ako, tinanggap ko na lang.



Inilapit ko ang mukha sa kay Dana. Para siyang tuko na nakakapit kay Eurus ngayon.



"Go to your lola and lolo, anak. Then to your Aunties. Hug them, hmm?" bulong ko kay Dana.



Antok pa ang mga mata niya. Simula sa pagkakabulabog sa tulog nang buhatin ng ama, hindi na nakatulog pa. Kaya simula kanina pa siya tulala.


Ibinaba ni Eurus ang bata. May sinabi siya sa anak bago i-pat ang ulo. Tumango si Dana. Nakalabi siya habang naglalakad patungo sa miyembro ng pamilya ni Eurus...



"Oh..."  malambing na ani Mommy Isabel nang una siya yakapin ni Dana.



"Hi, po..." Dana uttered softly.



Nagkatinginan kami ni Mommy Isabel. Saglit lamang iyon sapagkat yumakap nansiya pabalik sa kay Dana. Pumikit at dinama ang yakap ng apo niya. I smiled.



Matapos yakapin ang lola niya, sinunod ni Dana yakapin ang kaniyang lolo. Gaya ng asawa niya, tumingin din siya sa akin  bago tumango ng mababaw. Maya-maya ay lumapit kina Tali at Ysa upang yakapin din. Pinisil pa ang pisngi ni Dana. Bumalik muli sa amin si Dana at naupo sa kandungan ni Eurus.

"She's so adorable," said Ysa.

"And amiable." hindi rin nagpahuli si Tali.

Walang paglagyan ang tuwa sa kanilang mukha habang pinagmamasdan si Dana. Ang buong akala ko ay susumbatan pa ako nina Mommy Isabel at Daddy Throne dahil sa aking idinulot na problema sa anak nila sa pamamagitan ng pagtatago ng aming anak.



Kung hindi kami in good terms, baka kanina pa tanggal ang pagkatao ko rito. Mabuti na lang maayos na kami. Ngayon ay mahinahon ang lahat.


"Thank you for coming back and adding joy to our family." Sinserong sinabi ni Mommy Isabel.


Malalim na ang gabi. Tulog na ang mga tao sa mansyon. Si Dana, tulog na rin sa kama namin ni Eurus. Ngunit ito pa rin kaming dalawa sa veranda ng silid. Gising pa. At nakatanaw sa madilim na kabundukan.


Nakayakap mula sa aking likod si Eurus. Ang parehong braso ay nakapalibot sa bewang ko. Ang kaniyang baba ay nagpapahinga sa balikat ko.

"We need to go back in Madrid the next day, hm? Kailangan kong makipag-usap sa parents ni Ion. Hope you understand..." mahinahon kong sinabi.


He breathes. "Can I come? I'll be a good man, I promise, baby." 


Napatawa ako ng mahina sa malambing niyang pagsasalita. Ito yata ang unang pagkakataon na narinig ko siya sa ganitong tono? Para akong kiniliti sa tiyan dahil sa boses niya. 


"Madali lang kami roon. Babalik din." tawa ko.


"Hmm...But I'm already missing you." Aniya at hinalikan ang balikat ko. 



I exhaled. And then turned to face him. Sa taas niya, para lang akong batang nakatingala rito. Ang laki ng katawan ay humihiyaw ng rahas at rebelyon. Danger zone is his rebellious body frame for others. For me, it is my comfort zone. 


The Furious Fire (Variejo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon