Chapter Eighteen

200 7 2
                                    

Chapter Eighteen

"I don't know." Iyon ang naging sagot ko.

"Fine! Once you're final with your decision, break kung break!"

Iniwan ko sya doon at pumanhik sa taas. Mabilis kong nilagay ang mga damit ko sa luggage ko. Hindi ko na nga halos nadala lahat, gusto ko nang makalayo sa kanya.

Dire diretso lang ang lakad ko paalis doon. I was calling Dee, good thing she answered it. Nasa may labas daw sila ng village kaya sabi ko pupunta ako doon. Sinalubong pa din nila ako.

"Eyris, bakit?"

"I broke up with him. He kissed Avelina."

"Did you let him explain his side?"

Pinakita ko sa kanya mga picture na natanggap ko.

"The fuck, Creedon!"

"Palagi din silang magkausap ni Avelina."

"Dapat pinakinggan mo sya. Maybe he needed to explain."

"Ayoko na. He kissed another girl, and I'm done."

Pumikit ako at napaiyak. Ang tagal na noong reunion. Tinatanong ko sya kung may problema pero hindi nya sinasabi sa akin. Nakakainis.

Sa bahay ni Dee ako nagpalipas ng araw. Akala nila, kinabukasan nandoon si Creed sa labas tulad ng mga nakaraang away namin pero wala. This time our break up is serious. Nag breakfast ako bago ako umalis, hinayaan ako ni Dee.

Nananalangin ako na sana bakante pa iyong apartment ko dati.

"Eyris hija, naku, sa susunod na buwan pa ang alis eh. Pero may bakante ako."

"Babalik nalang po ako sa susunod na buwan para sa apartment Tita."

"Sige, sasabihan kita. Pasensya na."

Umuwi nalang ako sa Lucena kay Papa. Hindi ko pa nga alam kung paano haharapin si Papa ngayon, lalo na at nagkagulatan kami sa may gate.

"Eyris."

"Papa."

"Bakit?"

Inisang hakbang ko ang pagitan namin ni Papa ang hinayaan kong bumagsak ako sa katawan nya. Doon ko lang iniyak lahat lahat, simula nang mag overthink ako sa mga issue ko sa buhay.

"Anak, bakit?"

"Ayoko na, Papa." Sinubsob ko ang mukha ko sa kanya. "May hinalikan sya, Papa. Iyong ex nya."

"Mas maiintindihan ko pa kung ang pinag awayan nyo ay dahil sa bahay. Pero pinagpaliwanag mo ba sya?"

"Papa, niloko nya ako. He cheated. Bakit?" Suminghot ako. "Hinalikan nya pa din iyong babaeng iyon kahit alam nyang merong kami."

Mataman lang nakikinig si Papa sa mga sinasabi ko. Hanggang sa makatulog na ako. Una hindi kami nagkakasundo sa bahay, tapos ito pa.

Alam ko ang immature... At siguro hindi lang kami magkakasundo talaga. Maybe it's better for the both of us?

Isang linggo akong namalagi sa Lucena. Nagtext na din kasi si Tita Claire na umalis na daw iyong nasa apartment ko dati. Dee was the one who save me, nagrequest din syang maging under na nya ako sa opisina.

Tahimik ako nang pumasok sa opisina, Andi looked at me. Ngumiti ako sa kanya at lumapit sa table ko. Hindi pa approve ang request ni Dee kaya dito muna ako.

Inabala ko ang sarili ko sa trabaho lang. May iilang bumati kay Sir Creed, pero never anong sumulyap sa kanya. Natatakot akong baka maiyak ako bigla.

Irish Affogato (Coffee Series)Where stories live. Discover now