Chapter Eight

203 7 0
                                    

Chapter Eight

"Yes sir, thank you and we'll immediately fixed your internet connection."

Nakangiti pa ako kahit na medyo nainis ako dun sa kausap ko. I ended the call and mute myself. Sumandal ako at hinilot ng bahagya iyong sentido ko.

Nothing much happen while working. Madami dami lang tumatawag ngayon at busy talaga kami halos lahat.

Pagkatayo ko, nakita ko si Dee sa labas ng office. She waved at me.

"Hi. Magbebreak ka na din? Sabay na tayo."

We walked side by side as we entered the coffee shop again. Hindi nga sana ako bibili ng kape dahil naibudget ko na yung pera ko ngayon. Pero hinila pa din ako ni Dee at sya na daw ang sasagot nun.

I ordered affogato at huwag na daw akong mahiya sabi ni Dee. Pagkatapos ay pumwesto na kami sa usual spot ko.

"Kamusta naman ang panliligaw ni Sir Creed?"

Kinagat ko ang pangibaba kong labi para pigilan kong ngumiti.

"Okay naman."

"Ay true ba? Mukhang hindi ka naman masaya?"

"Masaya. Well, dating him is kinda different, kasi I find him expensive, Dee."

"Iniisip mo lang yan pero okay naman kayo."

Nabawasan na din iyong pang uusisa nila sa amin ni Sir Creed, siguro napagod nalang at ang bago nilang inuusisa ay si Andromeda.

Saktong pagsimsim ko sa kape ay paghagip ng mata ko kay Creedon. Muntik pa akong masamid dahil off sya ngayon. Hindi na magkasabay ang off namin ngayon kaya nagtaka ako ng konti nang makita ko sya dito.

He picked Dee's nose and sat beside me.

"Off ka, bakit napadpad ka dito?"

"I got bored."

Naramdaman ko ang braso nya sa baywang ko. I faced him and he gave a soft smile.

"I'll wait for you later."

"Ha? Ah, huwag na."

"Hindi pa ba kayo sa lagay nyong yan?" Sabi ni Dee bigla na nakanguso sa harapan namin.

"Hindi pa ako sinasagot. Matuto kang maghintay ha." Sagot ni Sir Creed sa kanya.

Marahan nyang pinatong ang baba nya sa may balikat ko.

"Magbibirthday yan, Eyris. Baka daw iyon ang gusto mong regalo sa kanya?"

Kumurap ako, sinuway naman ni Sir Creed si Dee at sinabihang ang daldal. Humalakhak lang si Dee at kinuha ang cellphone nya para doon ituon ang atensyon nya.

I offered my sandwich to Sir Creed, kumagat naman sya doon. Medyo na-amoy ko pa nga na amoy alak iyong hininga nya.

"Same pa din ang out mo?" Bulong nya.

"Oo. Naginom ka?"

"Nasa bahay mga pinsan, ang kukulit hindi ako nakahindi."

"Tapos nagdrive ka dito?"

"Gusto kitang makita."

Naramdaman kong tumibok ng mabilis ang puso ko dahil sa sinabi nya. Nanginig pa ang kamay ko na hawak ang kape pero tumikhim ako para hindi nya mahalata.

He chuckled on my ear, it gives shivers on my spine.

"Malandi ka, Sir." Singit ni Dee.

"Pumikit ka kung inggit ka."

Irish Affogato (Coffee Series)Where stories live. Discover now