Ngumiti lang ako sa kanila bago sinundan si Lala. Inukupa namin ang bakanteng upuan sa bandang harap. Inilibot ko ang paningin ko at napansing kame lang dalawa ni Lala ang napapabilang sa House of Heroes dito. Karamihan ay galing sa House of Protectors and Economics. May galing sa House of Guardians pero sa tingin ko ay anim lang sila. Madali lang naman malaman kung saang House ka napapabilang dahil sa logo na nasa uniporme.

"I can see that there are six new faces here. Stand up and introduce yourself." Sabi ng teacher.

May isang babae na tumayo. She looks so confident.

"Hi, I'm Elena Cruzan. Eight years old and from the House of Economics." Pakilala nito.

Hindi naman niya kailangang sabihin ang edad niya dahil lahat naman kame dito ay parehas lang ng edad tas nakaburda sa uniform kung saang House ka napapabilang.

Habang nag-iintroduce ang iba, pasimple kong siniko si Lala kaya napatingin siya sa akin.

"Kasali ba ako sa mag-iintroduce?" Tanong ko. Tumango naman siya.

Nang matapos nang mag-introduce ang lima ay tumayo na ako.

"Hello, I'm Veronish—"

Hindi ko pa natapos ang pagsasalita ko nang may kumatok sa pinto. May nakatayo doong malaking lalake. Nanlaki ang mata ko ng makilala ang lalake, siya yung kidnapper kahapon!

"Yes?" Sabi ng guro

"May I excuse lady Veronishianinica?"

Sabay na tumingin sa akin lahat. Gulat ko namang tinuro ang sarili ko. The huge man nodded.

"Paano kung kidnapin mo ko?" Sagot ko. Tumatatak parin sa isipan ko na kidnapper siya.

Kumunot ang noo niya. "You can bring a friend." He shrugged.

"Hmm? Baka kameng dalawa kidnapin mo."

"Ito ba ang muka ng taga kuha nang paslit para sa iyo?"

"Oo." Narinig ko ang pagsinghap ng ilan. Masisisi niyo ba ako kung kidnapper talaga ang tingin ko sa kanya? Malaki siyang tao kaya nakakatakot siya tapos siya pa yung unang nag-approach sa akin tulad nang ginagawa ng mga kidnapper sa TV.

Malay mo, baka binalikan ako niyan dahil hindi natuloy ang pag-kidnap niya sakin kahapon.

"Isang kabastusan!" Napalingon ako sa babaeng nakatayo at galit na nakatingin sa akin. Yung nagpakilala bilang Elena Cruzan. "Wala kang karapatang pagsalitaan ng ganiyan ang Ginoong Giovanni." Galit nitong sabi sakin.

"Salamat munting binibini, ngunit ayos lang sa akin." Sabi nung malaking lalake na tinawag na Ginoong Giovanni.

Base sa pagtingin nang mga studyante sa kanya, sa tingin ko ay isa itong tinitingalaang tao ng karamihan.

"Mukang wala akong magagawa." Bumuntong hininga siya. "Maaari ba akong pumasok?" Tanong niya sa guro.

The teacher nodded. Nagsimula akong kabahan nang naglakad ito papalapit sa akin. Akala ko ay kikidnapin niya ako sa harap nang maraming tao pero may binigay lang pala siya sa aking papel.

"Ano to? Love letter? O dito nakalagay ang amount nang ransom na kailangan mo?" Biro ko. "Joke lang!" Sabi ko agad nang maramdaman ko ang kakaibang titig nang ilan.

Binuksan ko ang papel at binasa ang nakasulat dun. Napakunot ang noo ko nang makita ang laman nun. Akalain mo? Magagamit ko rin pala ang natutunan ko sa Earth.

Μην τον κοιτάς. Δείξε του ότι είσαι αδύναμος. Μην τον αφήσεις να δει τις πραγματικές σου ικανότητες. Επομένως, δεν θα σε υποψιαστεί

ReincarnatedWhere stories live. Discover now