Kaso i know naman na may reason si Lord about dito kung bakit napunta sa akin tong sakit na ito.

"Tahan na dad?! Gagaling ako okay? Kailangan lang natin magtiwala kay Lord at mangyayari yun , wag kana umiyak kasi naiiyak na din ako eh ,sayang yung make up ko baka maya maya ay dumating na din si kielle" sabi ko sa kanya tsaka kiniss siya sa may pisnge nito , nagpunas nalang siya ng kanyang luha at tsaka nginitian ako.

"Im sorry anak ah?! I know na hindi ako perpektong daddy sayo but always remember na nandito ako lagi para sayo , lahat ng gusto mo ay ibibigay ko sayo ganun kita kamahal frances" sabi niyang muli saka hinawakan ang mukha ko tsaka kiniss din sa may bandang noo.

"You're a great dad at sobrang saya ko dahil ikaw ang naging ama ko sa kabilang buhay dad? I'll choose you again na maging ama if papayagan akong pumili , kayo ni mom the best kayo kahit hindi ko nakasama si mom , I love you too dad!" Emotional na din na sabi ko siya naman ang nagpunas ng mga luha ko , argh sabi ko hindi ako masyadong iiyak ngayon pero wala na tuloy tuloy na yung pag agos ng luha ko.

"Siya nga pala matanong lang kita anak? Bakit gusto mong ipakansela yung kasal niyo ni jaydee?! Diba mahal na mahal mo siya simula nung mga bata palang kayo?!" Biglaang tanong naman sa akin ni daddy , ilang minuto akong natahimik dahil doon pero mas maganda nang sagutin ko iyun.

"Kasi dad ayoko na pakasalan niya ako and then maiwan siya ng mag isa , ayoko na din na matutunan niya akong mahalin sapagkat masasaktan siya pag nawala ako dad, siguro ito na din yung way para maging free na siya , wala na siyang fiance na sakitin , wala siyang aalagaan , wala na siyang dadalawin sa hospital , wala nang mang iistorbo sa kanya at lastly gusto kong gawin niya yung gusto niyang gawin ng walang iniintinding iba , ako lang naman yung pinipilit yung sarili ko sa kanya dad eh , may gusto siyang iba at hindi magiging ako iyun" naiiyak na sabi ko sa kanya parang gulat na gulat naman siya dahil sa sinabi ko.

"Trust me anak mahal ka ni jaydee?! Kasi alam mo kung hindi? Hindi ka niya dadalawin sa hospital ng hating gabi every sinusugod ka sa hospital at hindi niya hahawakan ng mahigpit yang mga kamay mo sa tuwing natutulog ka ng mahimbing , sa tingin mo ba papayag akong ipakasal ka kay jaydee nang ikaw lang ang may gusto sa kanya?! Hindi anak , hindi ako ganong tao mas isesecure ko yung kaligayahan mo ng totoo yung nararamdaman sayo ng ka partner mo hindi yung dahil lang sa pagpapanggap na sinasabi mo about kay jaydee" mahabang wika naman ni Dad na ikinapagtaka ko gayung hindi ko masyadong maintindihan ang nais niyang iparating.

"I know and aware ako na may plano yung dad niya na kamkamin lahat ng pera natin pag kinasal na kayo pero alam mo kung anong sabi ni jaydee?! Pag nangyaring ikasal kayo? Hindi siya pipirma about sa conjugal property at ang sabi niya ay dapat separated ang ari arian niyong dalawa , doon ko din napagtanto na itong batang to? Lagi niyang ipinapakita yung bad side at strong side niya para walang makapansin na may soft side siya , lahat ng kalokohan niya alam ko frances kahit hindi mo sabihin sa akin pero i can literally say na nagi guilty siya sa mga ginawa niya sayo kasi nakikita kong umiiyak siya habang pinagmamasdan ka sa room mo sa may bandang pintuan lang" tama si dad laging ipinapakita ni Jaydee yung bad sides nita but alam ko na sa likod nun ay ang napakabuting puso na meron siya.

"Mahal ka niya anak kahit hindi niya man masyadong naparamdam sayo at saksi ako don frances , saksi ako kung gaano ka caring si jaydee sa tuwing tulog ka at ilang araw nang hindi nagigising sa hospital , madami siyang sinakripisyo queen na hindi mo alam kasi nga ayaw niyang ipasabi sa iyon pero isa lang ang masasabi ko sayo mahal ka ni jaydee mula noong mga bata palang kayo hanggang ngayon kaso nga lang magaling siyang magtago ng nararamdaman niya buhat nga nung namatay ang kanyang ina" mahabang pagpapaliwanag ni daddy sa akin hindi ko naman halos mawari na ganun pala si jaydee.

All this time akala ko wala siyang pakialam sa akin , na wala siyang ni katiting na nararamdaman para sa akin na ako lang itong panay aligid sa kanya.

"Yung mga letters mo na natatanggap sa valentine's nun? Si jaydee ang may gawa nun frances , kilalang kilala ko yung mga sulat niya  kasi saksi ako kung paano kayo na lumaking dalawa , kabisado ko na ang galawan ni jaydee habang ikaw walang kamalay malay about dun? Kinikilig ka lang kasi may nakakaappreciate sayo habang siya piangmamasdan ka lang niya na masaya sa binabasa mong letters na galing sa kanya" aniya namang muli ni daddy na mas ikinagulat ko so yung secret admirer na hinahanap ko dati ay si jaydee pala?

Talaga ngang wala akong kaalam alam sa lahat , how come na si daddy alam ang lahat ng ito habang ako? Wala akong kamuwang muwang.

Beep! Beep! Beep!

Sunod sunod na busina at mukhang nandito na nga si kielle kaya agad na akong nagpunas ng luha ko sa mga mata at nagpaalam muna kay dad na lalabas ako.

"Good evening queen?! How's your day? You're so beautiful at bagay na bagay sayo yung suot mo ngayon, hmp is there something wrong? Bakit maga yang mga mata mo? May masakit ba sayo?" Nag aalalang tanong niya sa akin pero umiling naman ako sa kanya.

"Kielle im sorry?!"

"Sorry for what queen?!" Takang tanong niya sa akin at tsaka hinawakan yung dalawang kamay ko at diretsong nakatingin sa aking mata.

"I'm sorry kasi kahit sobrang dami mong ginawa sa akin ay hindi pa din talaga , i know you're here to prove yourself to me na deserve mo ako but ayokong masaktan at umasa ka pa ng matagal kielle , so binabawi ko na yung sinabi ko na bibigyan kita ng chance na manligaw sa akin" nakayukong sabi ko sa kanya unti unti niya namang binitawan yung pagkakahawak niya sa mga kamay ko.

"Hmp it's fine frances, no need to apologize for something like this , it's my choice to show my love for you and hindi mo dapat ika sorry na hindi katulad ng nararamdaman ko ang nararamdaman mo , it's still beats on jaydee at tanggap ko yun , I'll just wish na sana maging matatag ka as well as happy cause you deserve it , you deserve the world frances but sadly im not the world cause it's jaydde! Im just a rings na nakapalibot sa planetang saturn at kailanman hindi makakalapit at magkakaroon ng puwang sa mundo mo kasi nga sa kanya na umiikot yung buhay at mundo mo samantalang ako nananatiling nakatingin lang sayo sa malayo , Don't worry about me frances and just focus about your happiness kasi mahalaga na sa akin na malaman kong masaya ka , I'll go na Frances thank you for everything!" Sabi niya sa akin habang pinipigilang hindi maiyak , pinagmamasdan ko lang siya sa malayo at nasasaktan din ako na makita siyang nasasaktan but i know ma she deserves someone na kayang mahalin siya ng buo kagaya ng pagmamahal na binibigay niya.







Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕

30 DAYS WITH YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now