Chapter 1

531 19 18
                                    

16 years ago...

“Mommy! where are you na?” tawag sa akin ng anak ko. Meet my second daughter, Gabriella Ellise Montes. It should be, Mariella but sheympre ginawa ko na ring Gabriella para walang masabi ang tatay niya.

“I’m here, why?” i said, habang inaayos ang gamit ko. “Where are you going? bakit nakalabas ang mga clothes mo po? are you leaving? iiwanan mo na ho ako?”

“sweetheart, calm down. I’m going back sa Philippines... But without you.” sabi ko at hinalikan ang kanyang noo.

“but, mommy? why? hindi mo na ako love kaya iiwanan muna ako?” biglang sabi niya at parang iiyak na. ito talagang anak ko, ibang iba sa kapatid niya pero namana nito nang half half ang ugali ko at ni Gary, lamang lang yung akin ng mga tatlong balde just kidding.

“No. No, anak. I mean, kailangan kong umuwi na hindi ka kasama. masyadong complicated pa and also, ayokong may mangyari masama sa’yo roon. kailangan ko lang talagang bumalik doon, please.” paliwanag ko sakanya.

“eh, why po ba?” she asked, nang may malungkot na mukha. “Sweetheart, it's hard to explain. Please, listen to mommy. okay? I’ll promise after kong matapos lahat, dadalhin kita sa pilipinas.” sabi ko kaya ngumiti siya sa akin.

She nodded. “okay po, mommy. pangako mo po ‘yan, my ah. but wait kailan ka po aalis?”

“Sadly, now na eh. I’m sorry, sweetheart. I love you okay? basta kapag maayos na ang lahat at handa na akong dalhin ka promise, iuuwi kita doon. But for now, si mommy muna okay? just promise me... One thing. Be a good girl here.” tumango siya bilang sang-ayon sa sinabi ko. Ngumiti muli ako sakanya.

Ayoko sana kasing mangyari sa kanya ang nangyari kay Eunice. Hindi ko kakayanin. At ayokong mapalapit si Ellise kay Charlotte baka ganon ulit ang mangyari. hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan. ilang taon na ang nakalipas. parang sariwa pa rin sa’kin lahat. hindi naman siguro masamang damdamin ko ‘yon ano?

I’m just protecting my daughter, kung hindi ko nagawa kay eunice noon. gagawin ko kay Ellise ngayon. ayoko na muling may mawala sa akin, ilan na ang nawala sa mahal ko sa buhay. Ayokong pati si ellise ay madamay. hindi ko talaga kakayanin. kung ang hindi niya paguwi sa pilipinas ang mas makakabuti at alam kong hindi siya masasaktan, gagawin ko. takot lang akong mawala siya.

“Sweetheart, before i leave. just want to say. take care dito ha? huwag magpapasakit ng ulo kina Tita-MaNang Aleia. okay?”

“Sí, mom. take care din po ah! I love you.” she said and sabay kiss sa cheeks ko saka siya dumiretso sa kwarto ko. tabi kami matulog kahit may sarili siyang kwarto. gusto niya kasing kayakap ako.

“I love you too, sweetheart.” I said and leave sa house habang buhat ko ang mga gamit ko na parang akala mo hindi na raw ako uuwi, well, hindi na talaga kas after nito tapos kapag naayos ko na lahat. Ibabalik ko na si ellise sa totoong tahanan niya. sa Pilipinas.

“Mareeee!! saglit. ito oh, lucky charm ko ‘yan sayo na muna sana magkita na kayo ng asawa mo roon. charot. ex pala sorry sorry.” Ani reigne sabay tawa, sinamaan ko naman ito nang tingin pero hindi pa rin talaga tumigil.

“eh, kung batukan kaya kita d’yan? mamaya marinig tayo ni Gab eh! Malilintikan ka sa’kin, Reigne.” wika ko naman, biglang sumulpot ang tatlo sa tabi ko kaya uunahan ko na ang mga ito.

“Oh, hep hep! mang-aasar din kayo?” tanong ko na nakataas ang kilay. “Hindi, grabe. judgemental Mariel.”

“Just want to say, take care of yourself wala kami don to protect you.” paalala ni Kristine at hinawakan ang likod ko.

I smiled, “Asus! Drama mo. kaya ko sarili ko, okay.” pero ngiti lang din ang ibinigay niya sa’kin.

“As if, sinabi mo din ‘yan noon eh! pero nakita mo ang sarili mo, 16 years ago. But look at you now, hindi ka na gaya noon. Mas strong ka na ngayon.” mungkahi naman ni Donna kaya tumawa si reigne. talagang mga walang preno bibig ng mga ito.

“Ano ba? bakit kailangan balikan, mga baliw kayo! Mag move on na nga kayo.” sabi ko habang naririnig kong tumatawa si reigne, donna at kristine.

“I hope, ikaw rin. Apply to yourself sana.” panunukso naman ni Aleia, tinignan ko naman ito.

“Shut up!” sigaw ko at nagtawanan ang mga baliw. “o’ siya, kailangan ko ng umalis. baka ma-late pa’ko dahil sa mga kalokohan niyo.” dagdag ko pa.

Pumasok ako sa kotse, “Let's go.”

“Asus, sabihin mo lang. Mahal mo pa rin siya!” sigaw nung apat sapat na para maraming makarinig. Napaka sama ng mga ugali ng mga ito parang hindi kaibigan ah.

Umandar na ang kotse at hinatid na ako sa Airport. Mygosh, ang lamig ha. nae-excite ako na kinabahan gano’n. finally makakatungtong ulit ako mamaya sa airport ng pilipinas. can’t wait na malanghap ang mausok na kotse sa pilipinas, just kidding.

Habang nagaantay ako ng flight ko, tumawag ang isa mga bruha. hindi ko nga alam kung sasagutin ko ba o huwag na pero end up sinagot ko pa rin.

Reigne.

“oh, ‘no na naman?” sagot ko habang ang phone ko ay nasa tainga ko, alangan naman nasa noo ko.

“wala, kakamustahin ka lang namin. nasa airport kana ba?” sagot sa kabilang linya, rinig ko naman ang kwentuhan nung tatlo.

“Yep, by the way, how's my daughter?” tanong ko, tumawag din naman na sila eh kaya kamustahin ko na rin.

“She's okay, tulog. sige na, nangamusta lang kami huwag kang masyadong expect na namimiss ka agad namin.” sabi naman ni reigne sa kabilang linya at nagawa pang magtawanan nung apat. letse talaga.

“Bakit sino ba nagsabing nage-expect ako, aber.” mataray kong sagot sakanila, alam king naririnig nila sinasabi ko. kaya nagtatawanan ang mga bruha.

“uh eh, ewan ko ehehe. sige na by—” hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at binaba ko na ang call.

Deserve. joke! Binaba ko na ang call dahil tinawag na ang flight ko okay.

Lumakad na ako at hindi ko alam pero parang medyo kabado ako na ewan siguro dahil ilang years na rin. bahala na nga. kaya ko naman ito, kinaya ko nga nang ilang years. ito pa kaya na after ng mga ilang taon babalik ako sa pilipinas na akala mo’y walang nangyari before. well, past is past ika nga nila. Sana’y hindi ko siya makita ‘no. naka move on na ako, matagal na pero hindi pa rin nawawala yung kaunting pagmamahal ko sakanya. i still love him despite of everything. Ama pa rin siya ng mga anak ko. Ama pa rin siya ni ellise, naging asawa ko pa rin siya. hindi naman kami ikakasal kung hindi namin minahal ang isa’t isa ano pwers nalang kung arrange or force marriage.

I am Mariel Montes, without his surname, ang nagiisang Mariel Montes at isa sa mga minahal ni garry, na ina ni eunice at ellise. the 'walang kinakatakutan' (weh?). Welcome Back!

Btw, i added some characters na gawa lang ng aking imaginations HAHA. yuhuu!

Yesterday, Today, Tomorrow IIWhere stories live. Discover now