Chapter 7

25 20 2
                                    

Chapter 7

"J-jeon," kinakabahan niyang wika habang umaatras sa kamang kinauupuan dahil sa papalapit na hakbang ng binata, gustuhin niya man na tumakbo ngunit nanghihina ang kanyang tuhod sa ibinibigay nitong tingin sa kanya.

"What did you say?" inis nitong tanong sa kanya, bigla siyang napalunok dahil sa kabang naramdaman ngunit umakto siyang hindi apektado sa binata.

"What? Bingi ka na pala ngayon?" mapang-asar niyang tanong dito, nakita niyang umigting ang panga ng binata dahil sa kanyang sinabi.

"Dhara, I am your first and your last," matigas nitong wika kaya tinaasan niya ito ng kilay.

"How dare you Jeon!" inis niyang sigaw dito, 'walang hiya siya matapos niya akong saktan may mukha pa siyang ihaharap sa akin'.

Tumigas ang mukha niya at muling sinabayan ang titig ng binata ngunit sa halip na matakot ang binata ay ngumisi lang ito sa kanya at pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya kaya nanlaki ang mata niya ng napagtanto na nakasuot pala siya ng nighties.

Mabilis niyang tinakpan ng unan ang katawan na seryusong tinititigan ng binata.

"Nandito ang mukha ko kuya sa taas wala sa dibdib at tyan ko." Nakita niya na namula ang binata sa tinuran niya pero mabilis ding ikinubli ang tunay na naramdaman ng binata sa halip na mahiya ito sa kanya ay lumapit pa ito, ilang dangkal na lang ang pagitan ng kanilang mukha.

"I never forgot the night when we make love, the feelings of your touch, skin and moan," nakangisi nitong wika sa kanya, namula naman siya dahil sa sinabi ng binata ang pangyayaring iyon ay hindi niya din kinalimutan dahil ang gabing iyon ay nagbunga at iyon ang kanyang pinaghugutan ng lakas para di malugmok ng tuluyan ng harap-harapang sinabi ni Jeon sa kanya kung gaano siya wala ka kwentang babae.

Huminga siya ng malalim ng maalala ang kanyang anak na tanging ang kaibigan lang niya ang nakakaalam.

"You should forget it dahil ikaw mismo ang nagsabing parausan mo lang ako," matigas niyang saad kahit ang puso niya ay nanariwa ang sakit na idinulot ng binata.

"How?, how can i forget you if you're the only woman i love," mahina nitong saad, iniwas niya ang tingin sa binata ayaw niyang maging mahina hindi ganun kadali ang lumimot at magpatawad matagal na nga ang nangyari ngunit ang lahat ay sariwa pa sa kanyang isipan at puso.

Tumawa siya ng mapakla, "Jeon naririnig mo ba ang sinasabi mo, sinaktan mo ako, ipinamukha mo sa akin ang pagkawala kung kwentang babae tapos ngayon umaakto kang ikaw yung mas nasaktan sa nangyari," puno ng emosyon niyang saad, tanging ang binata lang ang may kayang magparamdam sa kanya ng sari-saring emosyon na gustuhin man niyang pigilan ngunit umaalpas din.

Ngumiti ng malungkot si Jeon sa kanya, simula ng dumating siya sa hacienda na ito hindi niya maintindihan ang binata.

"Kung alam mo lang ang lahat, kung sana hindi lang ako naging duwag hindi ito mangyayari sa atin at hindi mo sana ang kakamuhian," malungkot itong ngumiti sa kanya habang dahan-dahang inabot ang kanyang pisnge at marahang hinaplos, bakit   niyang may butil ng luha ang tumulo galing sa mata ng binata.

'Why he is crying?, bakit parang siya ang mas nasasaktan sa aming dalawa?' gulong-gulo ang kanyang isipan dahil sa mga katanungan na umiikot sa kanyang isipan.

"I miss you so much baby, soon malalaman mo ang katotohanan kung bakit ko iyon nagawa saiyo basta lagi mong tatandaan ikaw lang ang laman ng puso ko," marahan nitong wika, hindi niya maintindihan ang sarili dahil sa kaginhawaan na naramdaman.'Mahal ko pa ba siya?'.

Hinalikan siya sa noo ng binata at napapikit naman siya upang mas damhin ang labi nitong nakalapat sa kanyang noo. Pagmulat ng kanyang dalawang mata ang likod na lang ng binata ang kanyang nakita dahil lumabas na ito ng kanyang kwarto.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

 Deadly Series 1:Deadly YET InnocentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon