Doon ako dumaan sa kung saan ako hindi makikita habang nagtatago ako sa likod ng buildings at puno. Hanggang sa makarating na ako sa gubat. Kapag may gumugulo sa isip ko, sa burol na rin ako pumupunta dahil nakikita ko ang buong campus. Kahit papaano ay gumagaan ang pakiramdam ko at nawawala lahat ng problema ko nang panandalian. Napangiti ulit ako nung nakita ko ang green flowers habang naglalakad ako. Simula kasi nung malaman kong favorite ‘yun ni Mama ay sinimulan kong itanim sila malapit sa may burol. Pumitas ako ng isa at saka ako umakyat sa taas. Pag-akyat ko ay kitang-kita ko ang lights sa bawat building pati na rin sa plaza. Gusto ko sanang ipakita ‘to kay Demi kaso...

Huminga naman ako nang malalim para pigilan ‘yung luha ko. Hanggang ngayon, nagsisisi pa rin ako sa nangyari. Nang matapos ang war, gabi-gabi kong napapanaginipan si Demi. Kahit na alam kong magkasama na sila ni Mama ngayon, nalulungkot pa rin ako. Masakit na kapag gumigising ako, hindi ko siya nakikita sa tabi ko o sa loob ng kwarto. Kaya everytime na gigising ako ay dumidiretso ako sa puntod nila ni Mama. Kaya nga minsan ay mas gusto ko nang may lessons o kaya may case para hindi ko maisip si Demi. Pero kapag mga ganitong oras, lagi ko siyang naiisip pati na rin lahat ng nangyari nung war.

Kinuha ko ‘yung phone sa bulsa ko at tinignan ko ulit ang message ni Darwin. Ito na nga ba ang tamang panahon para sa balak namin? Natatakot ako sa pwedeng mangyari pero ito ang dapat naming gawin. Dito nakasalalay ang future ng mga susunod na generations.

“So you’re also here.”

Bigla akong napatingin sa baba at napa-summon ako sa bow ko. Pero pagtingin ko kung sino, si Hiro lang pala. Hindi ko na naman naramdaman ang presence niya.

Umakyat din siya sa hill at umupo siya sa tabi ko.

“What are you doing here?” tanong niya habang nakatingin din sa campus.

“Wala lang. Nag-iisip-isip. Ikaw?”

Bigla naman siyang may inabot na papel kaya kinuha ko. Nung binasa ko ang nakasulat, nagulat ako. No wonder, nandito rin siya. Nakalagay kasi doon ang note ni Mama na mawawala siya nang matagal at hindi niya alam kung kailan siya babalik.

“Kanina lang?” tanong ko. Nagnod naman siya at napabuntung-hininga.

“While we’re on a case.”

“Don’t worry. Kaya niya ang sarili niya. She’s one of the Great Seven.”

“Yeah...”

Kahit sinabi ko ‘yun ay nag-aalala rin ako para kay Mama, at alam kong ganun din si Hiro. Protective siya pagdating sa Mama niya. Siguro dahil natatakot siyang mawala o malayo ulit sa kanya. Ganun din kasi ako kay Papa. Kahit na siya ang pinakamalakas sa amin ay natatakot pa rin ako kapag umaalis siya. Natatakot ako na baka kung anong mangyari sa kanya.

“Hey, don’t think about unneccessary thoughts,” biglang sabi niya kaya kahit sarado ang isip ko ay hinigpitan ko ang pag-enclose nun.

“Sorry.”

Napaisip naman ako sa sixth sense ni Hiro. It allows him to remember almost anything and it can also capture a moment. Ang hirap siguro kapag ganun lalo na kapag hindi maganda ang nangyari. Paano niya kaya nakakaya ‘yun? Hindi kaya nagfe-fade away ‘yung ibang memories niya?

“Hindi ba nagfe-fade away ‘yung thoughts mo minsan?” Pagkatanong ko nun ay napatingin siya sa akin.

“No. According to my Mom, that’s my father’s sixth sense.”

“Huh? Talaga? Ang sabi ni Mama, parang galing daw sa kanya ang sixth sense mo?”

“Not really. Share sila ni Dad. Maybe she just want to brag,” sabay ngiti niya. Napangiti rin ako sa thought na ‘yun. Alam ko namang competitive si Mama. Pero hindi ko akalain na pati sa asawa at anak niya ay competitive pa rin siya.

“So that means, nagfefade ang ibang thoughts ng Dad mo? Pero sa’yo, nagsstay.” Combination nga ng sixth senses ng parents niya. Siguro ‘yung permanent memories ay galing sa Mama niya.

“Yes. I remember what most people want to forget.”

Bigla akong naawa sa kanya at kahit madilim ay kita ko ang lungkot sa mukha niya.

“Here,” sabay abot ko ng green flower na hawak ko sa kanya. “Just fill your mind with happy and positive thoughts.”

“Thanks,” tapos kinuha niya ‘yung flower.

Pababa na sana kami sa burol nang biglang tumunog ‘yung phone ko. Kinuha ko kaagad ‘yung phone at tumango naman si Hiro. Binasa ko ‘yung message ni Darwin.

Rainie,

 

Tomorrow. 11 PM. Yllka Shrine.

Bring two companions.

Pinabasa ko ‘yun kay Hiro dahil balak kong siya ang isa sa isasama ko. Baka si Akane ang isa pa.

“So they are making their move,” sabi ni Hiro habang bumababa kami.

“Yes. At ngayon na nga ang tamang oras para isagawa ‘to.”

***

Truce (Erityian Tribes Novella, #1)Where stories live. Discover now