Chapter 7: Still a Mystery

2 1 0
                                    

Nagising ako sa hating gabi dahil sa tunog ng phone ko. Inis akong bumangon para hanapin ang phone kong kanina pa tumutunog. Ugh! F*ck you damn caller!

It was an unknown number I immediately answered it and go back to my bed. "Who's this?" I irritatedly asks. Walang imik ang kabilang linya, ilang minuto ko ring hinintay ang sagot nito pero wala. I was about to end the call but someone suddenly says "I fucking missed you." I arched my eyebrow but I kinda feel a butterfly in my stomach. He said that with a husky voice, yep it's my unknown damn caller. Yung laging nantetext at tumatawag sakin.

Matagal na siyang hindi nagparamdam kaya ang akala ko ay ititigil na niya ang pangungulit sakin pero hindi pa pala. Gulat ako sa sinabi niya kaya naman hindi ko maprocess pero nung makabawi ako ay agad ko siyang tinarayan. "Who are you?" mejo galit ako sa pagkakasabi ko roon pero wala siyang imik. "Who the hell are you?! Don't you have watch or clock? It's midnight and I'm already in a deep sleep. Don't you have some respect?!" sigaw ko sa kabilang linya. Naaasar na talaga ako sa kaniya kaya naman naisipan ko ng patayin sana ang tawag sa pangalawang pagkakataon pero nagsalita siya.

"Wait for me Hazey, please wait for me." Then he ended the call. Indi ko alam kung maaawa ako sa pagkakasabi niyang iyon o maiinis ba ako dapat. I don't know but I have a different feeling about him. Bakit niya ako kilala? Sino ka ba ha? I stop thinking of him then I continued sleeping.

A month had passed when Drew and I saw each other. It was Drew's flight and I still don't know if I'm gonna chase him or not. I wpould like to chase him but somethings stopping me to do that. Weird.

"Hindi mo ba pipigilan si Drew sa pag-alis niya?" Tanong sakin ni Moley sabay upo niya sa tabi ko. Nasa school ako ngayon kasi may klase kami sa mga major subject namin. "Para saan pa?" Walang ganang pabalik na tanong ko sa kanya. "Well, baka kasi mahal mo pa siya. Anim na taon kayong nagkaroon ng relasyon." Binalingan ko siya ng tingin at nginitian niya ako. Nalaman niyang naghiwalay kami dahil sinabi ito ni Drew sa kaniya, tsk kalalakeng tao napakadaldal. "Niloko niya ako, hindi ganun kadaling patawarin ko siya." Nagpakawala ako ng malalim na hininga. "Sure ka bang niloko ka niya?" Nagtataka ko siyang tinignan "What are you trying to say?" Tumayo siya sa pagkakaupo, "Nothing" sagot nita sa akin atsaka nagmadaling umalis.

Everybody's acting weird and I think Moley is hiding something from me pero ano kaya iyon? Hindi na lang ako nag-isip ng kung ano ano at hinintay ko na lang ang pagpasok ng professor namin sa next subject.

Sa kalagitnaan ng discussion, bigla na lang dumating si Drew. Anong ginagawa niya rito? Akala ko ba ngayon na ang alis niya? "Sir, can I excuse Hazey? Emergency lang po." paalam niya sa professor ng hindi man lang niya ako tinatapunan ng tingin. Tumango-tango na lang ang prof namin pero dahil sa pagkabigla ay hindi ko magawang  gumalaw.

Nang hindi na ako mahintay ni Drew ay pumasok na lang siya at bigla akong hinatak.  Hawak hawak niya ang kamay ko habang tinatahak namin ang daan patungo sa kung saan man niya ako dadalhin. "Ano ba Drew, bitiwan mo nga ako!" sigaw ko kaya naman binitiwan niya na ako kasabay ang pagtigil namin sa paglalakad.

Nasa parking lot kami ngayon kung saan nakapark ang kotse niya. "Ano bang kailangan mo ha?!" inis na tanong ko sa kaniya. Hindi siya sumagodt agad at napakamot na lang siya sa ng batok. "Hindi mo ba ako pipigilan Hazey? Hahayaan mo na lang ba akong umalis ng hindi tayo nagkakaayos?" Unti unting tumulo ang luha sa kaniyang mata, nakakaawa ang mukha niya ngayon.

"Ano ba Drew! Tapos na tayo, ilang beses ko ba sasabihin yun sayo ha?!" hindi ko na siya mapigilang sigawan at maya maya ay naramdaman ko na ring basa na pala ang pisnge ko dahil sa mga luhang kanina pa nagbabadyang kumawala. "You're still inlove with me right, Hazey?" Hinawakan niya ang kamay ko habang sinasabi niya iyon sa akin. "Hindi puwedeng ganoon kadali para sayo na makapagmove-on. Gusto mo parin ako diba?" Yinakap niya ako at pinatahan. This scene is too dramatic for me. Naguguluhan ako sa sitwasyon ngayon. Hindi ko alam kung pipigilan ko ba talaga si Drew sa pag-alis o hindi.

Time MachineOù les histoires vivent. Découvrez maintenant