TGH Last

229 6 1
                                    

AFTER THREE MONTHS.

Humigop siya sa tsa-a na nasa mesa. Kanina pa talaga ako kinakabahan. Nakayuko lang ako dito habang nilalaro yung mga kamay ko. Kaharap mo ba naman ang may-ari ng university kung saan ka nag-aaral.

Oo, ngayon lang ako naglakas loob pumunta dito sa mansion nila. Alam ko din namang hindi ako matatahimik. Hindi nga sana ako papapasukin ng gwardiya. Mabuti nalang dumating si Mrs. Medina.

"Masaya akong nagkita tayong muli, Leah."

Napatingin ako sa kanya. Uggh. Magkamukhang-magkamukha talaga sila. Nakakamiss talaga yung gwapong multo na yun.

Kaso, wala naman akong matandaan na nagkita na kami. Transferee lang ako sa school at never ko pa talaga siyang nakita.

"Po?" Nilapag niya yung tasa sa mesa.

"Mga bata pa kayo nun eh."

May inilabas siyang litrato. Litrato ng isang batang lalaki at babae. Halatang masayang-masaya sila. Yung batang lalaki, kilalang-kilala ko siya.

"Aalis ka?" tanong niya

"Oo eh. Sa Amerika. Mukhang hindi na kami makakabalik."

"Sigh. Maghihintay ako." nagulat ako sa sinabi niya

"Huh?"

"Sabi ko, hihintayin kita." Napanguso ako sa sinabi niya

"Eeeeeeh, Pano kung hindi na kami bumalik? Tsaka inaaway mo lang naman ako palagi eh."

"Basta. Hihintayin pa rin kita"

Agad pumasok sa isip ko yung araw na huli kaming nagkita.

"Clarkie." Basta nalang tumulo yung mga luha ko. Bakit nga ba hindi ko siya namukhaan?

Ang sama ko. Wala akong kwentang tao. Kinalimutan ko siya. Inakala ko na biro lang nung sinabi niyang maghihintay siya.

"Two years ago, nalaman namin na may sakit siya. My child is a fighter Leah, Lumaban siya sa sakit niya. Gustong-gusto niya na magkita kayong muli."

Napahikbi ako. Hinintay niya ko? Kaya ba hindi siya nun makatawid?

"Uhhh, Mrs. Medina, naniniwala po ba kayong nagpakita sa akin ang anak niyo nitong mga nakaraang araw?"

Ngumiti lang siya. Hinawakan niya yung kamay ko.

"Malaki ang utang na loob ko sayo Leah, You're my son's angel."

Napayuko ako. Sayang lang at huli na ang lahat.

"Nakakalungkot lang po na wala na siya." Napayuko ako habang tuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha ko.

Masakit isipin na hindi ko na ulit siya makikita.

"Sinong nagsabing patay na ang anak ko?"

Napaangat ako ng tingin sa kanya.

"Po? P--pero..."

"Halos isang taon siyang na coma Leah, Hindi siya sumuko. Hindi rin kami sumuko."

Ilang segundo pa bago pumasok sa utak ko yung mga sinabi niya. P-posibleng buhay siya?

"Mom." Halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang boses na yun.

"Oh iho, halika dito. May bisita ka." Nakangiti pa rin yung mama niya sakin. Hindi pa rin ako makapaniwala. Andito siya. Hindi bilang multo.

Naramdaman ko ang presensiya niya. Iniangat ko ang tingin ko sa kanya at halos mag wala ang puso ko nang magtama ang mga mata namin. Unti-unti akong napatayo.

"Hi." He said while smiling. His smile, his face, his eyes. Siya nga. Yung hunk ghost na nagpakita sakin at hindi ko inakala na kababata ko pala! Oh Ghad! Clarkie.

------WAKAS------

The Hunk Ghost  (Two Shots)Where stories live. Discover now