THG

357 11 0
                                    

I don't believe in ghosts. HA! Tanga lang ang naniniwala sa multo. Pang takot lang naman yan sa mga batang makukulit. O kaya naman sabi-sabi lang ng mga matatanda.
Isang kathang isip, isang imahinasyon.

.
.
.
.
.
But then I was wrong,
.
.
.
.
.
.
.
.

dahil may isang HUNK na gwapong multo ang nakatitig sakin ngayon! AS IN NGAYON!
Paano nangyari yon? Ganito kasi yan.

Mag aalasyete na ng gabi. Katatapos ko lang mag research dito sa library ng school namin. Actually umalis na yung librarian at iniwan nalang sakin yung susi dito sa library since medyo close kami at may tiwala naman siya sakin. Sabi niya ibalik ko nalang daw bukas. Inabot na ko ng gabi dahil may tinapos na rin akong project dito.

HAAAY SALAMAT NAMAN! Makakauwi na rin sa wakas! Inunat ko yung kamay at likod ko. Grabe! Ilang oras rin akong nakaupo. Ang sakit tuloy sa pwet! Naalala ko hindi rin pala ko naka kain ng tanghalian. Nagugutom na tuloy ako.

Nag simula nakong mag ligpit at ayusin yung mga libro ko. Patayo na sana ako para kunin yung bag ko nang biglang may kumalampog banda sa dulo ng library.

Hindi ko alam kanina kung imahinasyon ko lang o talagang may nakita akong taong nandoon. Baka nga din gutom lang to. Imposible naman kasi. Ako lang talaga mag isa dito. Sigurado ako. Sinabi rin sakin ng librarian kanina na ako nalang daw mag isa ang natitirang estudyante doon.

Nagtaka ako kaya pumunta ako sa dulo ng library. Medyo may kalakihan rin kasi ang library dito samin.

Pagpunta ko doon, isang librong nasa lapag ang tumambad sakin.

Pinulot ko iyon. Paano naman to mahuhulog dito? Tsk. bahala na nga. Binalik ko yung libro sa bookshelf at nag simula nakong mag lakad.

Kaya lang, natigilan na naman ako. May naka agaw kasi ng pansin ko sa di kalayuan. May lamesang malapit dito na tambak ng sandamakmak na libro. Yung iba nakabukas.
Sinimulan ko nalang ayusin yung mga libro at ipagpatong-patong. Baka may tamad lang na estudyante ang nag iwan nito dito. Tumalikod nako at sisimulan na sanang ibalik itong mga libro nang biglang,

"San mo dadalhin yan?"

0_____0
PUTSPANG INA! Nakakagulat naman tong taong to oh! Bumulaga ba naman sakin pag talikod ko! Nahulog tuloy yung mga librong hawak ko.

"Kuya naman! Papatayin mo ba ko sa gulat? Naman oh!" Huminga muna ako ng malalim tsaka sinimulang pulutin yung mga libro at binalik ko ulit sa lamesa.

"A-ano, sayo ba yan?" Turo ko doon sa mga libro. Sabi ng librarian ako nalang daw ang natitira dito eh tignan mo nga tong gwapong lalaki oh! Oh well baka hindi lang niya napansin.

Tumango muna yung gwapong kuya tsaka napatingin sakin.

"N--n-naki-kita mo a-ako?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

EH? Anong klaseng tanong yun?

"Ha? Aba syempre nakikita kita. Eto nga oh kinakausap kita and obviously, may mata ako kuya."

To naman si kuya oh! Nakaka tanga magtanong! Ayan tuloy nasungitan ko pa. Pansin ko lang kanina pako kuya ng kuya sa kanya. Haha feeling close lang.

"A-ano, S-sorry" sabi niya saka yumuko.
AMPOTCHA LANG! HINDI BA NIYA ALAM NA ANG GWAPO NIYANG TIGNAN NG NAKAYUKO?!! Hihihi de joke lang. Pero seryoso, gwapo nga talaga siya. Naka uniform din siya and naka suot ng varsity jacket na kulay asul. Nakataas naman ng konti yung jacket banda sa kamay niya.

Pero teka, Bakit naman siya nag sorry?

"Sorry saan?" Tumingin siya sakin at errrrrr, ewan ko pero hindi ko maiwasang titigan yung mata niya. Kulay blue kasi na may halong pag ka green. bastaa, ang ganda tignaan! *__*

The Hunk Ghost  (Two Shots)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang