**Flashback **

{Reziah,Bakit hindi pumasok si Gerald?}- Tanong ng isa sa mga kaklase nya sa gc namin.Laking pagtataka ko na lang dahil bakit kay Reziah sya nagtatanong kung bakit hindi pumasok si Gerald?Ano namang kinalaman ng kaibigan ko sa hindi pagpasok ng Boyfriend ko?

{ Henley, Bakit kay Reziah ka nagtatanong?} - Pagtatanong ko naman sa kanya, Kinakabahan ako di ko alam bakit ganito parang bigla akong nakaramdam ng bigat sa loob.

Naalala ko may apat na facebook acc yung boyfriend ko lahat binigay nya sa akin pero di ko na binubuksan lahat dahil may tiwala naman na ko sa kanya pero ngayon bubuksan ko ito lahat para makasigurado, Sana mali.Sana mali yung kutob ko.

Una kong binuksan yung facebook acc nya na madalas na gamit nya kapag nagchachat kami.Tinignan ko yung convo nila ni Reziah at doon nabasa ko yung convo nila na may irereto daw si Gerald kay Reziah na Gerald Villanueva ang pangalan,Kaparehong kapareho ng pangalan nya mismo.Nasabi na ito ni Gerald sa gc namin dati at nakwento na din sa akin ito ni Reziah.Una palang nagkaroon na ko ng kutob at sinabi ko kay Reziah yon kaya alam nya, Dapat alam nya.

Wala akong ibang nabasa sa unang acc nya na binuksan ko kundi yung tungkol sa reto reto "kuno"kay Reziah ng tropa nya daw na Gerald Villanueva ang pangalan. Kaya naman binuksan ko naman yung isa nya pang acc na di ko alam kung ginagamit nya pa o ano.Wala din naman akong masyadong nakita kaya naglog out din ako agad at binuksan ko naman yung pangatlo nyang acc at doon nakita ko yung mga convo nya at ng mga tropa nya.

(Tol,Gf ko nga pala si Reziah.Ang ganda diba)- Nabasa kong sabi nya sa tropa nya matapos nyang magsend ng picture ni Reziah. Nagbasa pa ko ng iba pang conversations nya at ng iba pa nyang tropa at puro pagmamalake kay Reziah lang yung nababasa ko, Magsesend sya ng picture ni Reziah pinapakilala nyang girlfriend nya,Tpos ipagmamalake nya na maganda  at mabait kaya talagang mahal na mahal nya.

Matapos kong basahin ang convo nila ng mga tropa nya na puro si Reziah lang ang pinag uusapan ay binasa ko din yung gc nilang magkakaklase na ganoon din ang usapan.

(Sino yan?)- Sbay sabay na tanong ng mga kaklase nya sa gc nila matapos nyang isend yung picture ni Reziah.

(Girlfriend ko yan si Reziah, Ganda diba)

Matapos kong basahin ang lahat ng conversations ay agad kong nilog out iyon at binuksan ang pang apat nyang acc at doon nakita ko kaharutan nilang dalawa. Lahat binasa ko ang haba ng ginawa kong pagbabackread, Buong conversation nila, Bawat mababasa ko lalo na yung mga kaharutan nila iniiscreenshot ko. Mahirap na baka magdelete eh.

Matapos kong magbasa at magscreenshot ay naglog out na ko at muli kong nilog in ang acc ko. Pagkalog in ko, Bumungad sa akin ang reply ni Henley sa tanong ko sa kanya sa gc.

The Girl who doesn't know how to loveWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu