Prologue

4 0 0
                                        


Tama bang sabihin na mahal ko na siya kahit isang beses ko lang siya nakita?

Paano ba malalaman na mahal mo na ang isang tao? Pag tumibok ng malakas ang puso mo?

Kahibangan man na sabihin ng iba pero alam kong mahal ko na siya. Kahit isang beses ko lang siya nakita. Lagi siyang laman ng isip ko. Ewan ko kung bakit bigla ko na lang itong nararamdaman. Hindi naman ako ganito dati. Basta ang alam ko lang may nagbago sakin ng makita ko siya.

Hindi ako mapakali, laging kong iniisip ang una naming pagkikita sa loob ng starbucks. Kung saan kasama niya ang mga kaibigan niya. Nakaupo siya banda katapat ng inuupuan ko kaya mas napagmamasdan ko siya. Nakikita ko ang singkit niyang mga mata. Kung paano mas nagiging singkit dahil sa pagkakangiti niya. Ang pula ng mga labi niya, natural ang pagkapula nun. Bigla akong nahiya sa sarili ko dahil kailangan ko pang mag liptint para lang maging pula din ang labi ko.

Napansin kong maraming babae sa loob ng starbucks ang nakatingin sa kaniya. Hindi mo sila masisisi dahil kapansin-pansin ang kagwapuhan niya. Hindi ko na naialis pa ang tingin ko sa kaniya ng makita ko siyang tumawa at ngumiti.

Napangiti rin ako ng malapad at inisip na makita siyang ngumiti sakin pero agad din akong natauhan ng maisip din na imposibleng mangyari yun. Sa daming magagandang lumalapit sa kaniya. Imposibleng makilala niya pa ako. Hindi ko rin naman kayang lumapit sa kaniya dahil wala akong lakas ng loob at isa pa ngayon lang nangyari sakin ito. Ang magkagusto sa lalaking ngayon lang nakita. Napangiti na lang ako dahil sa nararamdaman.

Atlis alam kong hindi ako tomboy hehe.

Isang beses ko pa siyang tinignan at plano ng umalis ng dahan-dahan siyang tumingin sakin at ngumiti. Agad akong natigilan at dahil sa sobrang kaba ay agad akong tumayo  at lumabas ng starbucks.

Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas ng starbucks. Isang beses pa akong lumingon sa loob ng starbucks bago napagpasyahan na tuluyang umalis.

Dahil sa araw na yun ay lagi ko na siyang na papanaginipan. Paulit-ulit lang na scenario ng pagtingin niya sakin at pagngiti. Nagigising ako lagi dahil dun. Tapos magsisimula ng tumibok ng mabilis ang puso ko.

Alam kong ngayon lang sakin nangyari ito pero normal bang tumibok ang puso sa taong isang beses lang nakita?

May kung ano sakin na gusto ang nararamdaman ko, pero may parte din na hindi dahil weird para sakin ang nararamdaman ko ngayon. Ito man ang unang beses na magkagusto ako, pero bakit manihal ko agad siya?

Nung una ay iniilingan ko na lang pero habang tumatagal ay parang nakatatak na sa puso ko ang lalaki na yun.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 04, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ConfessionWhere stories live. Discover now