Chapter 471: DEAL

Começar do início
                                    

"Coreen hindi naman kasi sila magrereklamo, kung itong anak natin hindi na lumalapit doon sa babae. Naiintindihan ko si Sarah. Pagpalitin mo ng sitwasiyon, si Sean at Luke. Si Sean ang anak natin at si Luke ang kanila. Alam nating may anak 'yung anak natin doon sa babae. Hahayaan lang ba natin na madikit do'n sa kaibigan niya?"

"Eh bakit 'yung sa anak mo? Niloko ni Sean pero okay lang sa 'yo? Sabi mo 'wag pansinin, kasi away bata. Away bata pa ba 'to? Hindi na maganda ang ginagawa ng pamilya nila. Pinalalabas nila ngayon na ang anak natin ang masama. Kapag anak nila ang nang-agrabiyado okay lang? Kapag 'yung anak ko dapat sabihan? Eh bakit hindi si Sean ang disiplinahin nila ng maayos?"

Tama...

"Hindi naman sa gano'n, Honey," katuwiran ni Daddy. Silang dalawa na ang nagtatalo dahil sa bwiset na sumbong na 'yan. May point naman si Mommy eh. Hindi naman na dapat kami nasasama diyan sa gulo na 'yan. "Ang sa akin lang, tayo ang mas nakakaintindi kaya tayo ang uunawa, tayo ang iiwas para walang gulo. Nakukuha mo ba ang sinasabi ko? Ang gusto ko lang, lumayo na ang anak natin doon sa babae para hindi na siya nadadawit. Baka mamaya makarating kay Papa 'to eh."

"Eh ano ngang gagawin mo? Kung 'yung babae ang lumalapit sa anak mo?" Nagulat ako nang balingan ako ni Mommy. "Sino ang lumalapit sa inyo? Kasi ang sumbong sa amin nakikita raw kayong magkasama eh. Sinong lapit ng lapit?"

"Pareho kami," sagot ko. Ayokong sabihin na si Alex lang, dahil baka sugurin siya ro'n ni Mommy. Alam ko namang hindi siya aawayin ni Mommy, kakausapin lang siguro.

"See?" Nakataas ang isang kilay niya nang lingunin ang Tatay ko. Mainit talaga ang ulo niya. "Sa bibig na ng anak mo nanggaling Carlos, hindi lang siya ang may gusto non. Ano bang magagawa natin kung ayaw na ni Audrey sa anak nila? Hindi na natin problema 'yon, dahil alam naman natin na sila naman talaga ng anak mo ang mag-on right? 'Yang anak ni Sarah ang nagpaecheng eh, tapos ngayon siya pa feeling inagawan." Hindi na sumagot pa si Daddy. Malamang alam niyang walang patutunguhan ang usapang 'to kung magsasalita pa siya. Mag-aaway lang sila ng mag-aaway. "Base sa nakikita ko Carlos sila ang may problema rito, hindi na 'yung bata. Kasi nakasama natin si Audrey, hindi naman siya gano'n okay naman. Pero nang mapunta sa kanila ang dami nang naging problema."

"Hindi natin kilala ang batang 'yon. 'Wag niyo siyang tignan na parang ang bait-bait niya, dahil ikaw na nga ang nagsabi, niloko nila ang anak natin. Kung ang batang 'yon matino, bakit niya 'yon gagawin? Ginusto niya rin kasi, at ngayon kung kailan maayos na ang lahat 'tsaka bumabalik. Para ano? Manggulo ulit?" Kami naman ni Mommy ang natameme. May punto naman kasi sila, pero may hindi kasi sila naiintindihan. "Kaya hindi ako sang-ayon diyan sa paglapit-lapit mo Luke. Nagawa niyo noon, magagawa niya ulit 'yon ngayon. Para sa 'yo ang ginagawa namin anak, kaya pakiusap lang makinig ka naman. Kapag nakarating 'to sa Lolo mo kami ng Mommy mo ang malilintikan. 'Wag ka ng lalapit doon, pakiusap anak. Madala ka naman."

"Daddy hindi naman kasi si Audrey 'yung sinasabi niyo." 'Yan ang ayaw nilang itatak sa isip nila kaya kami nagkakagulo. Alam kong mahirap intindihin pero kung iisiping maigi wala namang masama sa ginagawa namin ni Alex. Gusto ko lang naman siyang makaclose kasi nga gusto ko siya.

"'Yan na naman tayo eh. Ipinipilit mo na naman 'yan, eh ang sabi ng Tito Raymond mo siya raw 'yon eh. Hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan ko sa inyong dalawa. Naririndi na ako sa inyo."

Napayuko ako. Naiinis ako kay Sean, dahil napakasama ng ugali niya. Talagang ayaw niya akong tigilan. Sinasagad niya talaga ang pasensiya kong latak na nga lang ang natira.

HIM & I [SEASON 3] (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora