This book was originally part of my novel, One Wild Night in Momshie Series #StepByStepReadingPracticeWithLO but as days go by, I realize that it would be better to separate this into another book.
This book is a combination of Filipino and English...
Kapag hindi na po alam mommy kung paano i-pronounce o kung ano ang ibig sabihin ng word, get help po online kay Google, search lang po sa tab ang word plus meaning.
Bibigyan ka ni google ng katulad nito:
¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.
Click lang po ang button ng volume para malaman kung paano siya basahin.
Speaking of word NEW, alam niyo ba? Fourth year high school na kami (I was 16 years old na) bago kami nacorrect sa klase na hindi tunog KNEW ang NEW. Ganon katagal kaming pinaniwala sa mali, sa dinami-rami ng naging teacher namin. Oh well, better late than never.
Kung meron po kayong Merriam-webster Dictionary na naka-install sa phone niyo mas maganda po kasi kahit walang internet pwede po kayo mag-ask ng help sa kanya, pareho rin sa Google meron din pong sound ng words kay merriam-webster.
¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.
Naniniwala ako na lahat ng bata ipinanganak na matalino, kailangan lang tulungan sila na matuto para ma-unleash nila ang potential na maging matalino.
Paano mo malalaman ang mga bagay sa mundo kung di naman naituro sa iyo?
Naiimagine niyo ba ang anak niyo sa loob ng klase, let say, nakinig siya sa tinuturo ni teacher, naintindihan niya ang aralin tapos pagdating ng assessment nagdistribute si teacher ng exam. Anong mangyayari kung hindi niya mabasa ang nakasulat sa test paper?
Sayang ang naintindihan niya sa discussion kung di niya mababasa ang nasa test paper. Tapos irerecord ni teacher ang score niya. Nakakalungkot di ba?
So please, take time to teach our children.
Naalala ko nga, second year college na ako, hirap na hirap pa rin ako sa speech subject. Hindi ako fluent sa diction, blending at intonation. So, si prof namin, pinarecite ako nang pinarecite. Grabe ang kaba ko sa tuwing pababasahin ako, tapos binigay sa akin ang character sa role play na may pinakamahabang lines, parang 6 pages ng yellow paper na back-to-back ang part ko sa play. Awa ng Dios nang matapos namin ang role play, natuwa na Professor ko na si Ma'am Glenda Almeniana, proud daw siya sa akin kasi ang laki ng improvements ko.
Kaya ganito ako ka enthusiasts na matuto ang mga bata habang bata pa sila, let them practice 15 minutes everyday. Hindi lang pagbabasa ang matututuhan niya, matuto siya ng spelling, pronounciation at marami pang iba.
Because of our new golden rule now as millennial parents, "Do unto your children as you wish your parents had done unto you."