Natuto Rin

5 0 0
                                        

(Tula)

Noong unang beses akong magsulat, ang akala ko ang hirap pero nang paulit-ulit kong ihasa ang aking kamay sa pagsulat, guhit, bakat, pinta at kulay... aba! Ang husay!

Nang magsimula na ako'y magbasa, akala ko di ko kaya. Inisa-isa ko ang abakada, sa tulong ng aking ina, aba! Kaya ko rin pala. Sipag at tiyaga lang, natutuhan ko ring magbasa ng mabilis at tama.

Tulad din ng pagkatuto ko sa pagbilang, sa simula pahirapan, ngunit di kalaunan, meron ding matututuhan.

Kaya ikaw rin, magsanay ka upang pagkatuto ay matamo mo rin. Bigyan mo ng oras at halaga, pagkat ang pag-aaral ay nasa iyong mga tiyaga.

Magtiwala kang kaya mo rin ang kayang gawin ng iba. Tiyak kong tuwa at galak sa inay at itay ay madarama kapag natuto kang magsulat, magbilang at magbasa.

Sa dulo ng ating hirap, maaabot ang ating pangarap pagkat ang pagkatutong magsulat at magbasa ay isa lamang hakbang tungo sa ating pag-unlad, hindi lamang ng sarili kundi ng buhay at bansa.

Sa huli masabi mo sa sarili, "salamat sa iyong pagsisikap, natuto rin."

Step By Step Reading Practice With Little OneWhere stories live. Discover now