Twelve

374 16 0
                                    

CLAUDE'S P.O.V

Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa aking mukha. Napahaba ang aking tulog, dahil siguro sa mga nalaman ko. Babangon na sana ako ng mapansin kong hindi pala ako nag-iisa, nakapulupot sa may bandang dibdib ko ang mga kamay ni Raiver at nakaangkla ang mga paa sa aking beywang. We are like big spoon and small spoon entagled with each other. Unti-unti akong humarap sa kaniya, he's long eyelashes, triangular nose, kissable lips, and perfect face was is here in front of me. Napalunok ako ng nagdilat siya ng mata, ngumiti siya sa akin at dahan-dahan niyang hinalikan ang noo ko. Hindi ko alam kung dahil sa mate pull ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Sinong mag-aakala na ganito ang kahihinatnan ng kwento naming dalawa? Ang dating halos magpatayan, ngayon ay halos magpalit ang mukha.

Napabalik lang ako sa ulirat ng tumikhim siya. Umakyat bigla ang dugo ko sa mukha at dali-daling bumangon.

"A-ahm, titingnan ko lang si Angelo sa labas." lumabas agad ako at hinanap kung nasaan si Angelo.

Nakita ko naman agad siya sa kusina, nagluluto ng almusal. Nahiya naman ako kaya lumapit ako at nag-offer ng tulong. Ngumiti naman siya sa akin at nag-abot ng isang tasang kape.

"Kumusta naman ang tulog mo?" malisyosong tanong niya sa akin. Nakuha ko naman agad ang pakahulugan nito at naramdamang namula ang mukha.

"Huwag ka ngang malisyoso dyan, walang nangyari." humalakhak naman siya at umiling.

"Kalma, masyado kang defensive." nakangiti pa rin siya kaya inikutan ko siya ng mata.

Nagpatuloy na lang kami sa ginagawa, habang nagkukwentuhan. Napag-alaman ko na wala siyang masyadong kaibigan sa bayang ito dahil ang tingin sa kaniya ng ilan ay isang bilango, nalungkot naman ako sa kwento ng buhay niya. Nangako ako sa kaniya na dadalawin ko siya kapag may oras ako. Ngumiti siya sa akin ng makahulugan at nagpatuloy sa ginagawa.

Maya-maya pa ay lumabas na ng kwarto si Raiver, nakasando lang ito at grey sweapants na halos sumpain ko ang nakaimbento dahil para siyang isang modelong lumabas sa isang magazine. Napansin niya siguro ang pagtitig ko kaya tumingin siya sa akin at kumiindat. Halos masamid naman ako sa sarili kong laway.

Lumapit siya sa amin at tumulong sa paghahanda, dumating din si Daemon at sabay-sabay kaming kumain ng almusal. Mahahalata mo ang tensyon sa pagitan nina Angelo at Daemon kaya halos walang imikan sa hapagkainan.

Pagkatapos namin ay nag-aya si Raiver na maglibot-libot. Nagpresinta na rin si Angelo na hugasan ang mga pinagkainan namin kaya nagderetso na ako upang maglinis ng katawan at magbihis. Nagsuot ako ng hoodie at jogging pants dahil taglamig na at sensitibo ako sa lamig.

Lumabas na ako ng kwarto, saktong nag-aabang naman sa akin si Raiver. Pinatungan na lang din niya ng hoodie ang suot niya kanina.

Matapos naming magpaalam ay sumakay na kami sa sasakyang dala niya. Habang inaayos ko ang sarili ko sa upuan ay naramdaman kong humahaplos ang kamay niya sa aking tyan. Nagulat naman ako kaya napatingin ako sa kaniya. Tumikhim siya at nagsalita.

"Seatbelt." kinapa ko sa gilid ko ang strap at kinabit ko agad ang seatbelt.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko rito ng magsimulang umandar ang sasakyan.

"Daemon said that they have some malls here, and baywalks. Kung gusto mo rin ay pumunta tayo sa floating cottages nila in the middle of the forest later dinner." napalabi naman ako sa huling sinabi nito. Saktong nakita niya ang reaksyon ko kaya tumawa siya.

"I know you're scared of bodies of water but trust me, I won't let you fall."

Imbes yata na mapanatag ay lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Ano ba ang nangyayari sa akin?

Huminto kami sa isang malaking Mall sa sentro ng siyudad at naglibot hanggang marating naman ang man-made forest sa gitna. Namangha naman ako dahil magkahalong modern at tradisyonal talaga ang konsepto ng lugar na ito. Mula disenyo hanggang mga nakatira y may iisang idealismong sinusunod.

Nagulat naman ako ng hawakan ni Raiver ng kamay ko at hinila sa Arcadest, isang arcade stall na forest theme.

"Hoy, bakit dito? Alam mo naman na hindi ako sporty." huminto kasi kami sa may parang basketball pero imbes na bola ay iba't-ibang mga prutas ang kailang ishoot sa basket.

"Don't worry, Raiver the MVP is here." he said while flexing his muscles. Hindi pa siya nakuntento at hinalikan niya pa ang braso nito at pumose na akala mo ay isang greek god. Napatawa naman ako sa inakto nito.

"Well let's see." panunuya ko rito.

"Aba, mukhang hindi ka naniniwala sa kakayahan ko ah?" tinaasan niya ako ng kilay.

"Oh? May sinabi ba ako? Masyado kang defensive diyan?" imbes na sumagot ay naghulog siya ng coins at sinimulang maglaro.

Gusto ko lang siyang asarin at kumagat naman siya kaya mas lalo akong natawa. Humarap siya sa akin ng nakanguso. Nilapitan ko naman siya at inilingkis ang mga braso sa kaniyang beywang, nagulat siya sa ginawa ko pero nakabawi rin siya agagd at iniyakap ang kaniyang mga braso sa beywang ko.

"Okay-okay, teach me Mr. MVP."

"Gladly my Omega."

Sunod ay pumunta kasi sa Pirate Machine, ang version nila ng Claw Machine, and trust me when I said Raiver is the real MVP kasi walang mintis na nakukuha niya ang mga gusto kong makuha na prizes. In the end we made a deal sa kahera to exchange the toys into a big white wolf na stuffed toy. Ibinigay niya ito sa akin at a tuwa ko ay bigla ko siyang niyakap.

The whole trip to mall is pure of fun and childish banter from the both of us. I feel like we are opening a new book and closing what's in our past. We are slowly embracing our destiny, that we are soulmates, 'til death do us part.

Nang sumapit naman ang dinner ay dinala niya ako sa Lago De Oro, ang sinasabi nilan floating cottage sa gitna ng kagubatan. Mahaba ang nilakbay namin pero worth it. The lights besidethe lake is illuminating the crystal blue river. Hindi naman ako makapaniwala sa aking mga nakikita. It feels like I am in a fairytale book, everything is beyond perfect.

"This is magnificent." manghang sabi ko kay Raiver na hindi ko napansin na kanina pa pala pinagmamasdan ang reaksyon ko.

"It's beautiful." mula sa pusong sabi niya habang madiing nakatitig sa akin. Nahiya naman ako kaya yumuko ako pero ganoon na lang ang gulat ko nang iangat niya ang aking mukha at hinarap sa kaniya.

"You are beautiful." halos bulong niyang sabi habang inilalapat niya ang kaniyang mga labi sa akin.

The kiss was swift but the magical feeling lingers until the end of the dinner and true to his words, he didn't let me fall.

How I wish this moment will not end.

But I know, what destined to happen will happen.

Not now, but I can feel it sooner.

-------------------------------------------------------------------

Hello !! I'm so sorry for keeping you waiting. Sobrang hassle at nakakaburn-out ang mga nangyayari ngayon. But anyways, sana maintindihan niyo na graduating na ako at cellphone lang ang aking gamit sa pag-susulat AND I have work so...

Anyways, salamat sa patuloy na sumusuporta at matyagang naghihintay. MAHAL KO KAYO.

Stay safe, and vote wisely next year.

The Alpha's Omega (COMPLETE)Where stories live. Discover now