Dear Manong,
Sana nandito ka ngayon kung nasan ako. Nag aaway yung mga bata e, dahil sa baril barilan. Yung isa kasi maganda yung baril ayaw niyang pahiramin yung isang bata. Sana ilibre mo rin sila ng ice cream na nilalako mo. Para masaya. Kelan kaya ulit kita makikita? Ako lang kaya yung laging libre sa lako mo? Pwera sa pamilya mo? O talagang nanlilibre ka lang ng ice cream? Pano yung kikitain mo? Ay ewan, basta alam ko, lagi akong libre hehe. Ingatingat ka lagi a.
Gusto ng ice cream,
Adet. 💙
YOU ARE READING
Dear Manong
Teen FictionDear Manong, Kamusta naman ang ma-inlove ako sayo? Nakakaloka a. Anong minahal ko? Ikaw o yang nilalako mong ice cream? na laging libre sakin. Laging libre sa ice cream, Adet
