21

23.9K 514 6
                                    


Most of the shadows of this life are caused by our standing in our own sunshine.

* * * * * *

Cassie

HINDI ko inaasahan na magiging ganito ang mangyayari ngayong araw. Si Jazs at ang aksidente, si Jed at ang maluwag na pagtanggap niya sa anak namin. Akala ko magiging mahirap ang part na makikita niya ang bata at sasabihin kong anak niya ito. Ihinanda ko na ang sarili ko sa lahat ng posible kong marinig na masasamang salita galing sa kanya pero nagkamali ako. Na sa lahat ng masasamang bagay na alam ko kay Jed, may mahaba din pala siyang pangunawa sa katawan nito.

"N-nung araw na umalis ako at iniwan ka, h-hindi ko alam na magbabago pala ng tuluyan ang takbo ng buhay ko." panimula kong kuwento.

"Cassie," Nakaupo lamang siya sa couch nakapatong ang mga siko sa hita at parang mabigat ang kalooban. Ako naman ay nasa gilid niya at nakatanaw kay Jaz na natutulog.

"I want to say this for once Jed, gusto kong malaman mo ang nangyari sa akin sa nakalipas na tatlong taon ng magdesisyon akong burahin ka sa buhay ko." nakita ko ang kirot na bumalatay sa mga mata niya pero pinilit kong lakasan ang loob ko, "Being with you that night was the most magical feeling I felt for my entire life...na kahit anong pilit kong isaksak sa isip ko na hindi na kita mahal hindi magawang makinig ng puso ko. I want to take that chance again pero kinabukasan nagising na lang ako na hindi pala para sa akin ang happy ending..." mapakla kong turan sa kanya.

"What happened that morning, Cassie?" Nakita ko siyang humarap sa akin, seryoso ang mukha na naghihintay ng sagot ko kaya hindi ko maiwasang mapapalatak ng mahina.

"Don't play games with me, Jed. Alam nating pareho ang dahilan." pilit kong iniisang tabi ang nagsisimulang hapdi sa dibdib ko habang binabalikan ang tagpong iyon.

Rinig ko ang malakas niyang pag buntong-hininga at ang marahas na pagpunas ng mukha niya. "Damn it Cassiedy, hindi ako magtatanong ng ganito kung alam ko ang tinutukoy mo." matigas niyang anas sa akin. Alam ko ang pagpipigil na galit sa boses nito.

"Your mother was right there at the front door, waiting for you for your engagement..with..with Coleen." narinig ko ang malakas na pag singhap niya sa tabi ko. Para din siyang nababaliw na sinabunutan ang sarili at doon pa lang sa pag akto niyang iyon alam ko ng tama ako, tama ang naging desisyon ko. Huminga ako ng ilang beses para maibsan ang sakit na meron ako ngayon kaso hindi nagawang pigilan niyon ang pagtakas ng luha mula sa mga mata ko.

"I know it was the best decision I've ever made that day pero hindi ko alam na magbubunga ang nangyari sa atin. Hindi ko alam ang gagawin ko noon Jed, hindi ko alam kung papaano magsisimulang muli, hindi ko alam kung kaya ko bang sirain ang magandang pagsasama ninyo ni Coleen at for once sabihin sa iyo ang kalagayan ko pero naduwag ako. Ayokong maging katulad din ng magiging anak ko ang mga pinagdaanan ko, na palagi na lang humihingi ng kakarampot na pagmamahal mula sa ibang tao kaya mas pinili ko ang manahimik." alam kong nakatunghay siya sa akin, natutunaw ako sa mga titig na itinatapon niya sa akin habang punas ako ng punas ng mata.

"I quit modelling bago pa man nila mahalata ang tiyan ko, bumalik ako ng Canada pero mas lalo lang nananariwa ang mga masasakit na alaala natin doon Jed, kahit anong pilit akong tulungan nila mommy at daddy hindi ako pumayag. Gusto kong maging matatag, na ang lahat ng hirap na madadanasan ko tatak sa puso ko para kung magpakita ka man sa harap ko, masasabi ko sa iyong hindi ka namin kailangan ng anak ko, dahil nakaya ko, dahil nagawa kong mag isa."

Pilit niya akong pinaharap sa kanya, gamit ang dalawa niyang mga kamay, ikinulong niya ang mukha ko para magtagpo ang mga mata namin siya na rin ang nagpatuloy sa pagpupunas ng mga luha ko. Puno ng pagsisisi ang nasa mukha niya.

Medical Batchelor Series 3: A Love to Last Where stories live. Discover now