Moon Flower

11 0 0
                                    

Alam moba, ano ang aking pangarap? Ayun ay ang makakita ng bulaklak ng moon flower, gaya ng nakasaad dito sa aking libro ng mga bulaklak, kakaiba daw ang isang ito. Dahil sa ang moon flower ay tanging sa gabi lang bumubuka at tiklop ito sa umaga Ang problema lang ay hindi ako marunong mag tanim, paborito kong pagmasdan ang luntiang sahig sa aking harapan, at panay gabi at tanging gabi lang ang aking puwedeng masaksihan. Kahit paulit ulit na ang aking binabasang libro hindi ako nababagot ulit ulitin ito. Sa sobrang kagustuhan kong makakita ng moon flower sinubukan kong bumaba sa lupa para iguhit ito sa sahig. Alam kong bawal bumaba, pero kung wala namang makakita, bakit hindi ako sumaglit man lang. Nang ako'y makababa. Tinanggal ko ang damo at tinapyasan ng bahagya ang sahig para lumabas ang lupa, pinatag ko yun ng aking apak-apakan, kumuha ako ng sanga at sinubukang iguhit ang larawan gaya ng nandito sa libro. Napaupo ako sa lungkot kaharap ng larawan, kinukumpara ko ang aking guhit mula sa larawan dito sa libro. "kelan kaya ako makakakita ng totong ito?" tanong ko sa sarili habang padapang dumudulas ang aking katawan sa sahig.

Maya maya pa ay napansin kong paumaga na, at hindi mabuting balita yun, mapapagalitan ako sa amin kapag inabot ako ng umaga, hindi kami dapat tamaan ng umaga. Utos sa amin na gabi lamang ang dapat naming makita. Agad akong umahon at umakyat sa buwan. Ako ay nakabalik na sa taas, kaso, may kulang sa akin. Naalala ko bigla, na naiwan ko ang libro ko sa mundo. "Pag may taong makakita non ay siguradong kukuwain iyon". Malungkot kong tanaw habang umaandar ang lupa mula sa aking puwesto, dahan dahan na itong umiikot para humarap sa kabilang mukha ng mundo.

Sa bandang dito naman ay ang hindi ko paboritong gilid, dahil masyado ng natabunan na ang luntiang lupa ng mga kalsadang gawa sa kongkreto at mga nag tataasang gusali. Naghintay ako ng kalahating araw para makita ang gilid kung saan naiwan ko ang libro. Ayan, at nakaharap na ulit ang lupa. Agad akong bumaba sa buwan ng palihim, nakakapagtaka lang at andito pa ang libro ko ngunit ang aking ginuhit ay tila ba binura ng sadya at ambok lang ng lupang basa ang naiwan. Kinuha ko na ang libro at parang may nakaipit na liham dito. Walang alinlangang binasa ko iyon. "Sa patutunguhan, Nakita ko ang iyong mensaheng guhit pati nadin ang libro mong naiwan, alam ko ang bulaklak na iyon. Ayan at tinanim ko ang buto kung saan ka nag-guhit sa lupa, wag mong kalimutang diligan ito ng isang beses". Natuwa ako sa aking nalaman, hindi ako mapakaling sulatan kagad ang nagtanim ng buto. "Salamat, Matagal konang gusto makakita nito, salamat at nagtanim ka dito, hayaan mo't aalagaan ko ito ng dilig. At sa gabing iyon diniligan kodin kagad ang ambok ng lupa, nag iwan ako ng liham ng pagsagot at pati nadin ang libro. Masaya akong naghintay sa paborito kong gilid, at sa muli kong pagbaba. Hindi ko inaasahang sasagot siya ulit sa aking liham.

"Walang problema, Sayang lang at, hindi ko makikita kung pano bumaka ang bulaklak na iyon sa gabi. Bawal samin ang gabi. Yun ang sagot niya, napaisip tuloy ako, "bakit, bawal sa gabi ang tao? Hindi ba't pwede padin silang maglakad parehong umaga't gabi? O baka naman, natutulog lang pala mga tao sa gabi?" sa pagkakaalam ko oo, tulog ang karamihan ng tao sa gabi. Nag iwan ako ng liham na nagtatanong kung bakit bawal sa tao ang gabi at naghintay ng kalahating araw. Wala siyang sagot dun sa liham, pero wala na sa pagkakaipit ang liham sa libro. "Natanggap niya kaya yun? Siguro naman no, kasi wala na dito sa libro. Pero sa totoo lang, bawal mag usap ang kagaya ko sa isang tao". Malungkot kong diniligan ang lupa, kinuha ang libro at umakyat na kagad sa buwan. Para mag hintay pa ng kalahating araw.


Pagkatapos ng paghihintay ay, nakita ko ang munting halaman na tumambad sa umbok ng lupa. Kasama dun ang liham sa tabi nito. "Nakita mo? may progreso sa tanim natin, nakakatuwa. Ang sagot ko sa tanong mo nung isang araw ay, hindi ako tao, dahil taga-araw ako, kaya bawal samin ang gabi". Pagkabasa ko non, ay agad akong kinabahan sa tuwa. "ganon pala, naiintindahan kona. Kaya pala di tayo puwedeng magkasalubong nang oras, araw ka, ako naman ay buwan. Umaga ka ako naman ay Gabi". Diniligan ko ang munting berde sa lupa at oo, dating gawi. Yun ay ang maghintay ng kalahating araw. Nakaugalian na namin mag iwan ng liham sa isa't isa para makagawa ng paraan magkausap kahit magkaiba kami ng oras. Sa ibang liham, nagsisiksik siya ng kanyang ginuhit na magandang mukha, napaka saya niyang ngumiti sa bawat guhit na iyon. Tila ba pati ako napapangiti kapag nagpapadala siya ng mga larawang guhit, at aamin ko sabik akong makita ang mga iyon. Hinihintay ko palagi ang mga sagot niya. Kahit ba na minsan ay nakakalimutan niyang sumagot sa liham. Makalipas ang mahabang panahon, at tila ba, umusbong na ang mga bulaklak ng moon flower at oo. Tama ang libro maganda nga ang mga ito kapag gabi, Sa isip isip ko, kung ilalagay ba ang bulaklak na ito sa gilid ng kanyang tenga, o di kaya'y Pag gumuwa ako ng bulaklak na korona at ipatong ito sa kanyang ulunan, para siguro siyang nakoronahang hiyas. Masaya kong iniisip ang kanyang ngiti pati ang kanyang kagandahan.


Dahan dahan, unti unti akong nahuhulog sa kanya. Binalak kong magsabi ng aking nararamdaman. Alam naman niya siguro na may gusto ako sa kanya, gawa ng mga matatamis na salita na binibitawan ko sa bawat liham na ginagawa ko, at alam naman namin parehas na mahigpit na pinagbabawal ang pagsasama ng araw sa gabi. Nagsabi ako sa kanya na, gusto ko siyang makita sa umaga. Hindi siya sumang ayon. Dahil masasaktan lamang daw ako pag pinilit ko. Pero hindi ko yun pinansin at sinunod ko ang puso ko, sa kagustuhang makita siya, naghintay ako mula gabi paumaga sa kanya. Dito sa paborito kong gilid ng mundo, kung saan kami nag tanim ng bulaklak ng Moon Flower. Hindi nagtagal ay nakikita ko nang naiiwan nako ng buwan sa itaas, at ang lupa ay dahan dahang nagkakaron ng liwanag gawa ng mag uumaga na, na tatanaw konadin ang araw na papalapit. Ayun siya, nakita ko siya. Tumatakbo papunta sa akin, pero mas mabilis ang liwanag kesa sa kanya. Dahan dahang kinakain ako ng liwanag ng umaga mula sa aking paa paakyat, kasabay ng pag abo ng aking katawan. Patuloy padin ang pagkaripas niya papalapit sa akin, halos mapatid na siya sa kanyang mahabang bestida, pero huli na ang lahat, kahit sinabi na niyang masasaktan ako ay pinilit ko. Pero, masaya akong makita siya ng personal nakakalungkot lang dahil hindi siya nakangiti. 'Ni pag abot ko ng aking kamay ay hindi na niya nahaplos, dahil tinatangay na ng hangin ang aking katawan. Naiwan ko siyang malungkot, dito pa mismo kung saan nagsimula ang lahat. Nakita kong dinampot niya ang iniwan kong liham mula sa aking naabong katawan at binasa iyon.

"Pasensya kana dahil hindi ko pinigil ang nararamdaman ko, naging makulit ako, sinubukan ko lang naman kung pedeng magkita tayo kahit na magkaiba ang oras natin, pero kung mababasa mo ito, ibig sabihin nabigo ako, pero ganon paman, akin padin namang sinubukan. Mananatili ka sa aking puso, Mahal kita Araw, mahal kita palagi. Salamat at nakilala kita. Paalam.

-Buwan

--Wakas--

Moon Flower -MM.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon