Chapter 4

64 2 2
                                    

A/N: Simula pa lang, brokenhearted na agad, LOL hahahah. okey, putuloy niyo na po ang pagbabasa.

===

Sasha's POV

"Ma'am, Sasha! Gising na po! Malapit na kayong malate wahhh~!" pagsisigaw ng maid. Ughhh! Can't she see I'm having my beauty sleep here? Whatdaa, Binuksan ko lang ang aking isang mata and nagtakip ulit ng pillow sa mukha ko. 

"Miss 7:30 na po! naku lagot kayo sa daddy niy—" at pagkasabi pa lang niya non bigla naman akong nagising at umupo sa kama ko. "Heheheh! Joke lang po Ma'am!" WHATDAFUDGE?! I just gave her my coldest death glare. Haisst "6:00 pa lang po ma'am, anyare sa mata niyo? Nagmumukha po kayong Zombie Eucalyptus, Tsssk tsk!" Errrr! so bobo ni yaya :3 . " It's Apocalypse. Just get out, yaya!" at umalis naman siya. 

10 pm na ata ako nakauwi kagabi at napagalitan pa ako ni daddy, mukha tuloy akong baliw kagabi. And now mga mata ko namumugto and yaya commented that I look like a Zombie daw, eh kasi heartbroken ako eh.

Tinignan ko yung mukha ko sa salamin, hindi naman ako mukhang zombie ah? ang exagg talaga ni yaya. Hmmp! Mukha lang akong vendor ng milktea na hindi nakabenta, lugi-face ako ngayon. Huuu~

"I'm sorry Sasha, I don't love you anymore, we're over."

"I'm sorry Sasha, I don't love you anymore, we're over."

"I'm sorry Sasha, I don't love you anymore, we're over."

"I'm sorry Sasha, I don't love you anymore, we're over."

"I'm sorry Sasha, I don't love you anymore, we—"

Wahhh tama na ang pagpe-playback! Fyi lang Sasha, hindi thursday o friday kaya wag kang mag throwback-throwback jan! At ano ba! Gusto ko nang magmove-on.

Bigla na lang may nahulog na picture at sakto namang picture namin ng walangya! Oo, walangya na tawag ko sa kanya, nung una tinitingala ko siya pero ngayon hindi na! At ang kulit talaga ng pagkakataon. Puma-flashback eh. Masyado lang akong nasaktan sa nangyari kahapon.

Iniisip ko pa lang ang nangyari kahapon, nanghihinayang talaga ako kun anong nakain ko at nagkagusto ako sa bakulaw/kupal/kumag na yun.

*Flashback XD (A/N: Ang kulit talaga ng isip ni Sasha. hahaha)

"I'm sorry Sasha, I don't love you anymore, we're over." natememe ako nung sinabi niya ang mga katagang yun. Ang sakit parang ang daming matutulis na bagay na tumuhog sa puso ko. Eto na ba ang sinasabi nilang? heartbroken moments? Nagsimula nang tumulo yung mga luha ko.

"B-bakit?..N-nagkulang ba ako tyler? N-nags-sawwa ka n-n ba sakin? huh?"nauutal kong sagot sa kanya. Ang sakit-sakit, wala naman akong ginawang masama sa kanya ah? Lagi ko naman ang gusto niya. Ang clingy girlfriend ko na nga sakanya.

"Hindi, di ka lang talaga niya minahal nung kayo pa. So let's get over this Sasha. Wala na kayo in a relationship. So drop it" Lumingon ako sa nagsalita, kahit kailan talaga isa siyang relationship wrecker kyaahhh! Si nightmare

"What are you doing here? Wag kang panira moment dahil moment namin ngayon!" Sigaw ko

"Tama siya Sasha, i don't love you. Nagsinungaling lang akong mahal kita" Bakit ba ang sakit niyang magsalita? Kulang pa yung kanina? Ba't pinapamukha niya sakin? Ang kakapal ng mukha nila, makapal pa sa dala-dala kong bag.

*Pak , hindi ko kinaya yung mga sinabi niya kaya sinampal ko siya! moment ko to eh.

"Siya ba?! Yang nightmare na yan? huh? Edi over kung over. Wala naman akong balak na magtagal sa mga walang kwentang tao kahit gwapo ka!" inirapan ko siya at tumingin naman ako ng sobrang masamang-masama ky Rachel "At ikaw girl. Are you happy now? You're more than a flirt eh. You're more than a talandi? Got that?! Magsama kayo! Mga walang kwenta" *Pak sinampal ko din siya at umalis na dun.

Hindi ko na kaya. Patuloy ko pa ring iniisip, ano bang ginawa ko? Kulang pa ba? May ganitong side talaga ako na bumilis bumitiw eh. Wala akong planong maging martyr kung ganung tao lang ang mamahalin ko. Mga manloloko. Marami pa ba sila? Ba't ang dami nila at isa pa talaga sa kanila yung minahal ko? Pweh.

I can sense that he just used me for popularity. Pa pafame ata siya.

Kahit ganun, nasasaktan pa rin ako eh. Eh baakit ba? nagmahal ako eh ng SOBRA, tama nga yung sinabi nila wag daw magmahal ng sobra dahil masasaktan ng sobra.

*Flashback ends

Back to reality. 

At simula sa araw na to sisiguraduhin kong mali ang binangga at niloko nila. I have to live may life rin naman, hindi yung magmukmok ako sa kanya. He's not even worth it para magmukmok ako sa isang sulok para sa kanya. I have to start a very oh-so-awesome day at ipakita sa mga makakapal na mukha nila na hindi ako magpapaka'emo dahil lang 'we're over na daw kami'.

Hinanda ko na ang sarili ko para sa school at para na din sa 'single day ko'. Kahit ganun, parang mahal ko pa din siya? Kani-kanina lang sabi ko ayaw ko na sa kanya pero bakit ganito? Masyado ko lang pinapaniwala ang sarili ko.

Damn, ang shunga-shunga ko.

Sana kaya ko. I hope so. Aish Di k talaga magetz yung sarili ko eh.

***GEA

"OMG! Sash and Zy?! Biktima ka rin ba kayo ng milktea? You look like lugi." sabi ni Megan at saka tumingin ky Zylie "Awwwww..." nang-aasar talaga si Megan eh. Hmmp

"I already know ang kay Sasha eh, How bout you Zy? Tell us what happened" maarteng sabi ni, eh sino pa ba? edi si Megan

"Wait! Megan? How did you know ang nanyari sakin? huh?" pinanlakihan ko siya ng mata.

"Hindi na kayo nasanay, madami akong alam no" sabi niya. Tinignan ko lang siya na You-better-explain-to-me look.

"Fine! Napadaan ako kahapon kasi makikipagkita sana ako ky James kaso nakita ko kayong tatlo. Can't help it but eavesdrop to you, Sash."

"Yeah, yeah *roll eyes*, Oh Zylie? Anyare sayo?" sabi ko , at ngayon si Zylie naman ang nasa hot seat.

"Ehh... Kasi a-ano?..." nauutal na sabi ni Zylie, Aish. Pathrill pa tong babaeng to.

"Oh com'on Zyl, we're you're bffs. Just tell it" inis na sabi ko.

"B-break na kami ni Grey"

Ahhhhh ayun nman pala—

"What?!" Sabay naming singhap ni Megan. Whatda? eh kahapon lang nila yun nakilala eh. "You better explain to us, Zyls." sabi ko.

Natahimik na lang si Zylie bigla. Dumating na kasi ang teacher namin at kanya-kanya kaming balik ni Megan sa upuan namin.

***

A/N: Hiiiii sa mga nagbabasa neto :* , hanggang dito lang muna. Hahahaha. xD Wala pa kasi akong naiisip na scene para ituloy to kaya ganun. Thankkk you sa pagbabasa! Any comments? Feel free to leave comments and votes. hahaha thanks.

Mission Impossible: Courting the Bad BoyWhere stories live. Discover now