Prologue

11 1 0
                                    

Prologue

Ilang beses akong humugot ng malalim na hininga. Kaunti na lang ay mauubusan na ako ng pasensiya dahil sa ingay ng mga taong nasa paligid ko. Kaliwa't-kanan ang nagsisigawan, nagpapalitan ng salita at nagtatalo sa kani-kanilang mga dahilan. Salubong na rin ang mga kilay ko habang palipat-lipat ang tingin sa mag-asawang nasa harapan ko. Sa likuran nila ay ang mga taong mayroon ring inirereklamo. Ultimo pagkawala ng kanilang manok ay dinayo pa nilang isumbong sa presinto.

Yawa! Pambihirang buhay naman oh!

"Manloloko ka! Ang sabi mo ay wala kang ibang babae. Ang kapal-kapal ng mukha mo! Nahuli ko rin kayo ng babae mo."

Walang tigil sa pag-iyak at pagmumura ang isang ginang na sa tingin ko ay nasa trenta anyos pa lang. Magulo ang kanyang buhok dahil sa pagsugod na ginawa niya sa asawang may kinakalantari palang iba. Wala pa sigurong isang oras na nandito sila sa presinto. Malas ko naman. Ako ang naka-assign sa complaint desk sa police station na pinagtatrabahuhan ko.

"Ma'am, ikulong niyo na ang demonyong 'yan! Ang kapal ng mukha! Pati lipstick at panty ko, ipinagamit mo sa babae mo!" patuloy pa rin sa pang-duduro ang ginang.

Muli akong napakamot sa batok at nag-angat ng tingin sa asawang inirereklamo. Tahimik lang naman ang lalaki habang nakayuko ang ulo. Nahihiya siguro dahil sa eskandalong ginawa ng misis niya. Napaismid na lang ako. Wala siyang masabi ngayon na nahuli na siya. Samantala noong ginagawa niya ang kalokohan niya ay ang lakas ng loob niya, huh. Hays! Pambihira!

"Misis, balak niyo ho ba talagang sampahan ng kaso ang asawa niyo?"

Sa wakas ay nagsalita na ako at hinarap ang babae na medyo kalmado na. Hangga't maari ay ayaw kong magsalita na mainit ang ulo ko dahil baka pag-umpugin ko lang silang dalawa. Pero kailangan kong mag-pasensiya dahil trabaho ko ito. Ang daya kasi ni Chief eh! Dapat ini-assign na lang niya ako sa field at hindi rito dahil mababagot lang ako. Mas gugustuhin ko pang mang-habol ng mga kriminal kaysa sumakit ang ulo sa bawat reklamong natatanggap ko.

"Oo, Ma'am! Gusto ko siyang maipakulong para mag-tanda. Ang kapal ng mukha! Isama niyo na rin ang babae niyang makati na parang higad. Ano bang pagkukulang ko ha?" Bumaling siya sa asawang wala pa ring imik. "Hindi mo man lang naisip ang ating mga anak, Manuel! Naging mabuti naman akong asawa sa'yo ah!"

Napailing na lang ako sa eksenang nakikita. Walang patid pa rin ang pagluha ng misis. Sabagay, masakit nga naman sa kanya na lokohin siya ng asawa. Nang balingan ko ang lalaki ay tila wala itong narinig. Sa inis ko ay pinukpok ko ang mesa para magising siya.

"Mister! Baka may gusto kang sabihin sa misis niyo. Kanina pa 'yan ngumangawa, wala man lang kayong say d'yan?" naiinis kong tanong.

Mas lalong nagyuko ng ulo ang lalaki. Yawa talaga!

"Misis, mabuti na lang ho at hiniwalayan niyo ang lalaking ito. Walang kwenta, eh!"

Ako na ang na-badtrip sa sitwasyon nila. Kaagad akong tumayo upang lapitan ang lalaking nakaupo sa pang-isahang silya. Ang misis naman niya ay natameme dahil sa naging kilos ko.

"Mister," panimula ko at sinipat siya ng tingin. Dahan-dahang nag-angat ng tingin ang lalaki sa akin. Napaismid ako at napakamot sa batok.

"M-ma'am.." nauutal nitong sambit.

Nag-iwas ako ng tingin. Napansin ko ang mga kasamahan kong pulis na tila gusto akong pigilan sa balak kong gawin.

"SPO2 Alconde!"

Narinig ko ang pagtawag ni Art sa aking pangalan, pero huli na.

"Tarantado kang lalaki ka! Babaero! Dapat sa'yo putulan ng ulo sa baba. Gago!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 28, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Robbery of Fate (Reality Series#3)Where stories live. Discover now