"Kyrene what's wrong ba? Kanina ka pa wala sa mood?" Tanong ni Tricia na nakatabi niya.

"Nakakainis kasi si Khielve, alam mo bang one week na siyang hindi tumatawag."

"Baka naman busy lang." Sagot naman ni Bella na katabi niya sa kabila.

"Busy!? Kahit isang tawag hindi niya magawa, gan'on ka-busy? Hindi rin siya nag rereply sa mga text ko. Hindi ko rin s'ya makontak?" Napabuga siya ng hangin.

"Di kaya...." Sabi niya at binitin ang sasabihin, nag-tinginan ang tatlo sa kanya.

"Di kaya..." ulit ng tatlo.

"Di kaya, pinag-palit na niya ako. Di kaya bigla na lang niyang na realize na hindi na niya ako mahal."

"PRANING!!" Sabay-sabay uli ng tatlo.

Pagkatapos nilang gumala sa mall, umuwi sila at ngayon nakahiga lang siya sa kama niya habang hawak ang cellphone. Inaasahan niyang tatawagan siya ni Khielve, pero natapos ang mag-hapon na hindi man lang siya nakatanggap ng tawag mula dito. Gusto na nga niyang maiyak eh, gusto mag handa ng parents niya pero siya na ang tumanggi, hindi niya magagawang maging masaya kung ganitong iniisip niya si Khielve.

Biglang nag-ring ang cellphone niya, mabilis niyang tinignan ito, pero dismayado siya ng makitang si Yasmine ang tumatawag at walang ganang sinagot niya ito.

"Hello Yas." She answers lazily.

"Happy birthday twin sis." Napangiti siya, twin sis na din ang tawagan nila nito after nang mga nangyari sa kanila.

Talagang okay na sila nito, kahit si Dianna humingi na rin ng tawad sa kanya at maayos na sila nito.

"Thanks my evil twin sis." Narinig niya itong tumawa ng malakas, tuwing tatawagin niya ito ng gan'on tatawanan siya ng malakas nito.

"Happy birthday din."

"Tss. It's not my birthday." Napangiti siya, last week pa kasi ang birthday talaga nito, at yon na ang sini-celebrate nito.

"How's your day?"

"Not so good."

"Let's go out."

"I'm not in mood Yas. Next time."

"C'mon, makipag-date tayo, wala naman si Khielve eh."

"Jowk ba yan?"

"Ahaha! Mukha ba akong nag-bibiro?"

"Tss. Wag mong sabihin may evil plan ka na naman, akala ko ba love mo na ako."

"Ahaha! Of course I do love you, kaya nga kita inaaya kasi sabi ni mom, nag mumuk-mok ka daw. C'mon makipag-date tayo, don't worry hindi malalaman ni Khielve."

"Haist! Ayoko, faithful ako kay Khielve."

"Grabe! Santa talaga, ayaw mo ba talaga?! Gwapo yon promise."

"Tigilan mo ako Yasmine." Narinig lang niya itong tumawa ng malakas.

"Samahan mo na lang ako, kilatisin mo ang ka-date ko. Please! Wag ka ng mag-mukmok lang d'yan." Napaisip si Kyrene.

Bakit ba ako nagmumuk-mok dito? Samantalang siya, mukhang hindi naman ako naaalala..

"Hello twin sis, still there?"

"Okay, I'll go out with you."

"Good! I'll pick you up in 10 minutes."

"10 minutes?" Ulit niya.

THE REAL HEIRESS #Wattys2015Where stories live. Discover now