Chapter 1 - First love

194 47 16
                                    

"HAPPY birthday, love!" Masayang bati ni Angelo sakanyang kasintahan na si Avy.

"Uhh, thank you love!" Ang kasintahan bago siya hinalikan nito sa pisngi dahilan ng malapad niyang pag ngiti.

"Happy birthday, Avy!" Bati ng lahat na dumalo sa birthday ng kasintahan, halos lahat ng dumalo ay mga kaibigan ni Avy, ang ilan naman as kanyang mga kaklase. May kalalakihan at mga kababaehan kasama niya naman ang kaibigang si Brandon.

"Happy birthday, Avy!" Bati ni Brandon sakanyang kasintahan.

"Thank you, Brandon!" niyakap naman ni Avy si Brandon,"Masaya akong nakapunta ka," Biglang nag iba ang nararamdaman niya kung kanina'y masaya siya ngayon naman ay napalitan iyon ng selos ng makita niya kung paano ngumiti si Avy kay Brandon. Ngiting parang may namamagitan sa dalawa.

Umiling siya at pilit na inilis ang ngiting iyon sa isip niya. No. Hindi siya dapat mag-isip ng gano'n may tiwala siya kay Avy at alam niyang mahal na mahal siya nito gaya ng pagmamahal niya dito.

Dahil sa hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya, tumungo siya sa labas ng bahay nila Avy mula sa selebrasyon, nagpunta sa back yard ng bahay nila Avy, may mini garden doon, may maliit na bench din na napapailaliman ng isang malaking puno, doon ay umupo siya at may kinuha na yosi at lighter sa chest pocket ng kanyang leather jacket.

Madilim na sa labas at habang tahimik siyang nagyoyosi nang biglang sumulpot si Avy.

"Love? Anong ginagawa mo dito? Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala. Akin na nga yan." Inagaw ni Avy ang yosi mula sa kanyang kamay at inihulog ito sa sahig bago tinapakan.

Hinawakan niya ang kamay ng dalaga at mahinang hinila paupo sakanyang tabi. Tinitigan niya ito sa mga mata. "Mahal mo ba ako?" Tanong niya kay Avy sa mahinang boses.

Damn. Bakit ba siya nasasaktan sa mismong tanong niya?

Matagal bago sumagot si Avy,"Mahal na mahal kita Angelo Hervin Alonzo." Kuntento na siya sa sinagot nito, pero bakit ang tagal nitong sumagot? "At bakit mo naman natanong yan ha?" Dagdag na tanong nito.

"I just wanted to hear your answer. Alam ko namang mahal na mahal mo ako eh." Sabi niya at inilapat ang hintuturo sa tungki ng ilong ni Avy.

"You already know the answer, love." Sagot nito.

Bakit ba niya kini-question ang pagmamahal nito sakanya alam naman niyang mahal na mahal siya nito dati pa.

"Mahal na mahal na mahal din kita Avyliegh Echavez." Hinalikan niya ang dalaga sa noo at niyakap ito.

Tahimik at magkayakap na pinagmamasdan nila ang mga bituin sa kalangitan, nakasandal ang ulo ni Avy sakanyang balikat habang nakayakap naman siya sa bewang ng kasintahan.

"Ayaw mo bang bumalik sa loob? Kaarawan mo ngayon love, you can have time also with your friends." Basag niya sa katahimikan.

"Ikaw? Ayaw mo pa bang bumalik doon?"

"Gusto ko munang magpahangin dito sa labas, mauna ka nalang doon at susunod ako mamaya."

"Mamaya na siguro love, nag eenjoy pa akong kasama ka at gusto ko pang makasama ka ngayon. Atsaka minsan lang tayong magkasama dahil pare-pareho tayong dalawa ang busy sa pag-aaral kaya sulitin nalang natin itong gabing 'to." Napangiti siya sa sinabi nito, masaya siyang malamang gusto siya nitong makasama, ramdam niya ang pagmamahal mula rito.

Nakangiti niyang ibinaling ang tingin sa dalaga."Naalala mo pa ba nung panahon na una tayong nagkakilala?" Tanong niya dito.

"Hmm, naaalala ko pa at hinding hindi ko makalimutan ang tagpong yun dahil yun ang pinaka nakakadiring nangyari sa buong buhay ko." Natatawa siya sa tinuran nito.

Love To HatredWhere stories live. Discover now