"Okay lang bang maghanap muna ako ng restroom?" Kinalabit niya si Alpha at nagpaalam.

"Yeah, sure." Tumango ito at ibinalik ang atensyon sa pinipiling mga gulay.

Mabilis lang naman niyang nakita ang restroom pero may pila kaya medyo natagalan siya. Hindi naman siya makaalis sa pila kasi naiihi na talaga siya. After answering the call of nature ay bumalik na uli siya sa pwesto kung saan niya iniwan si Alpha pero wala na ito doon. The lady who was selling told her na may higit sampung minuto na itong umalis kaya naman hindi niya na din maituro kung saan ito nagtungo. Baka nga daw hinanap siya nito kasi tinanong nito kung nasaan ang banyo at doon nagpunta.

Sinubukan niyang bumalik sa may restroom pero wala naman ang lalaki doon. Inikot-ikot niya uli ang lugar pero hindi niya talaga makita. Hindi naman kasi mahirap makita si Alpha kasi he's significantly taller than most at iba ang pananamit nito kaysa sa mga nakikita niya doon. He isn't someone who's hard to miss.

She spotted Alpha from faraway, kahit na malayo ay alam niya ang bulto nito. She was about to walk towards where he was nang biglang may humila sa kanya. Sisigaw sana siya pero namukaan niya ang lalaki. Ito yung sumundo sa kanya sa Masbate.

"Huwag kang sisigaw." At diniinan nito ang pagkakahawak sa braso niya. "Kahapon ka pa namin hinahanap. Kung saan-saan ka pa nagsuot, magpapahuli ka lang din naman pala."

Hindi niya talaga alam ang gagawin niya. It's the end if she goes back to that house, alam niyang hindi niya kayang tumagal doon lalo na at may matindi siyang paniniwala na madaming illegal na nangyayari sa bahay na iyon. It's crippling to know na wala na siyang magagawa at kahit na andoon si Alpha ay hindi niya naman gusto na mapahamak ito. Kung makakatakas uli siya ay depende na lang talaga sa swerte niya.

"Bitawan niyo ako. Ayaw kong sumama. Bakit niyo ba ako pinipilit? Bayayaran na lang namin ang utang namin." She wanted to cry pero ano bang maitutulong ng pag-iyak niya.

Medyo umaasa siya na may makakapansin sa paghatak sa kanya ng lalaking to pero wala. Paano ba kasi siya napunta dito sa dulo kung saan sarado na ang mga tindahan at wala na masyadong mga tao? Maliban pa doon ay may nakaharang na lalaki sa harapan nila at may isa pang nakatabi sa kanya kaya pupwedeng isipin mo lang talaga na magkakasama lang sila lalo na at nakaakbay sa kanya ang isa.

"Sumama ka na lang sa amin Ana, huwag ka na magpakipot lalo na sa boss namin." Hinawakan muli ng maigting ng lalaking ito ang braso niya. Ganoon siya takutin noon pero nanghilakbot siya sa nakita niya. "Subukan mong sumigaw at talagang tutusukin ko yang tagiliran mo."

"Ayaw kong sumama." Medyo napadikit siya sa lalaki dahil na din sa pagpupumiglas kaya naman hindi niya sinasadyang napabaon ng kaunti ang hawak nitong kutsilyo. "Aray."

"Kasalanan mo yan, pasalamat ka di pa yan malalim." Pero naramdaman niyang dumudugo iyon at mahapdi. Nang tingnan niya ang tshirt niya ay may dugo nga doon. Natakot siya pero mas pipiliin pa niya ito kaysa ang maibalik siya sa mansyon ng don. Alam niyang doon siya walang kawala at kinabukasan na.

"Akala mo makakatakas ka kay Don Roman? Kinuha mo pa yung mga papeles niya ah. Tingnan natin kung magiging mabait pa yung mag-ama sayo." Patuloy na pananakot nito kay Marciana. "Yung tiya mo nanghihingi pa ng pera, kapal din eh."

"Bitawan niyo ako. Ayaw ko sumama. Ayaw ko bumalik doon." Nagpupumiglas pa din siya para makalayo sa mga ito.

"Bilisan niyo ngang maglakad, malapit na tayo sa sasakyan oh." At halos kaladkarin na nga siya nito para makalayo pa.

Nagdadasal nanaman siya na sana ay may magligtas sa kanya. She wanted to scream pero nakita niyang mas makatutok na sa kanya ang kutsilyo at kahit na tago iyon ay mas gusto niyang magtagal pang buhay at di na mandamay pa ng iba. She needed to think and fast.

San Vicente 3: Illustrious Where stories live. Discover now