CHAPTER 33: HER UNEXPECTED VISITOR 1

Start from the beginning
                                    

"Ahm, wala naman po akong pupuntahan. Nasa garden kasi ako kanina hindi ko po alam na dadalaw kayo. Pasok po kayo." anyaya niya tumalima naman ito at pumasok sa loob ng sala.

"Sandali lang po kukuha lang ako ng maiinom." akmang aalis na siya nang magsalita ito.

"Don't bother, hindi naman ako magtatagal," masungit na sabi nito at umupo na naka de-kwatro.

Umupo siya na kaharap ito.
"Anyway, wala naman akong importanteng sasabihin but I need to discuss you something about you with my son." sabi nito.

"A-ano po 'yon?" kinakabahan na tanong niya.

"Well, hindi nako magpaligoy-ligoy pa. We both know here na fix marriage lang ang ugnayan niyo ng anak ko, and I don't like you with my son." diretsong sabi nito.

Parang nawala bigla ang maskarang suot nito.

Hindi na siya nagulat sa sinabi nito pero ang ikinagulat niya ay ang pagbabago ng templada ng ugali nito. Katulad na katulad nito si Aries.

Malamang sa mama nito ito nagmana.

She cleared her throat.

Pero wala pa ring namutawing salita mula sa kanyang bibig.

"Nagulat ka siguro sa pag-iba ng pakikitungo ko sayo? Well I need to pretend na mabait ako sayo sa harap nila mama at ng asawa ko. Hindi ko talaga alam kung ano ang pinaplano ni mama. At hindi ko alam kung bakit pumayag ka." she said sarcastically.

"Huwag po kayong mag-alala hindi po ako magiging desperada na patulan ang anak niyo. Lalong lalo na ang kayaman niyo."
Muling tumaas ang kilay nito."Why are so defensive? Pero mabuti na 'yong nagkakaintindihan tayo. Ako pa rin naman ang ina ni Aries. I guess hindi naman magtatagal ang pagpapanggap niyo sa kasalang ito. Kilala ko ang anak ko hindi basta papayag sa gusto ni mama na pakasalan ka kung alam nitong walang makukuhang naidudulot nito." mahabang linya nito.

Ibang-iba talaga ito noong unang paghaharap nila ng ginang sa unang condo'ng pinagdalhan sa kanya ng asawa. Mahirap pala talagang basahin ang panloob na anyo ng isang tao.

"Ang gusto kong maging asawa ng anak ko ay ang nababagay naman sa talampakan ko at hindi ikaw 'yon. Hindi lang iyon nakakahiya ang ginawa ng mama mo. Biruin mo ibinenta ka niya ng ilang milyon? At sinisi mo pa sa anak ko ang bagay na 'yan. How could a mother did such a reckless thing to her own daughter?" insulto pa na sabi nito at muli siyang pinasadahan ng tingin.

Ngumiti siya ng mapakla.

"Huwag niyo nalang pong idamay ang mama ko dito. Biktima din po ako dito. Masyado kayong mga ganid at napapasunod niyo lahat ang mga tao porke ba marami kayong pera?" galit na sabi niya hindi na din niya napigilan ang magalit.

Tinignan siya nito ng masama. "How dare you...ang lakas ng loob mong magsalita sa harapan ko ng ganyan! Well hindi ko papatulan ang taong hindi ko ka level." sarkastikong sabi nito.

"Pasensya na po hindi ko lang din napigilan," nagbaba siya ng ulo.

"Anyway, I have to go. Tatandaan mo sana ang sinabi ko."

Tumayo na ito at iniwan siya. Habang si Haven nakatulala pa rin at hindi makapaniwala! Hindi naman siya naapektuhan sa mga sinabi nito dahil alam niya sa kanyang sarili na hindi siya ganung klaseng tao.

Nagpupuyos ang kalooban niya sa pang-iinsulto nito sa mama niya! Ina pa rin naman niya ang ininsulto nito kahit pagbalik-baliktarin niya ang mundo.

Huminga siya ng malalim at muling lumabas ng bahay. Abot tanaw na lang niya ang sasakyan ng mama ni Aries at muling isinara ng gwardiya ang gate.

Nagtataka si Haven kung paanong natunton ng ginang ang bahay nila!

At para sabihin lang ang bagay na 'yon.

Ngumiti siya ng mapakla. Parang kagaya lang din ng mama niya at ang mama ni Aries mga ganid.

Mga walang puso at mapanlinlang!

Kailan ba siya magkakaroon ng kapayapaan?

Sumapit ang gabi pero binabagabag pa rin ang isip ni Haven sa pagbisita ng ginang. Hindi pa rin mawala-wala sa sa kanyang isipan ang pangi-insulto nito sa kanya at sa kanyang mama.

Tangan ang tinimpla niyang gatas na tinungo ang bintana.

Hinawi niya ang kurtina at malungkot na tumingin sa labas at napakadilim na 'yon sa bahaging puno ng narra.

May hindi niya maipaliwanag ang sarili sa siya tuwing pinagmamasdan ang mahihinang patak ng ulan sa labas na para bang ibinabalik nito ang mga masaya at malungkot niyang nakaraan.

May bahagi sa kanyang pagkatao na hinahanap ng kanyang puso.
And this would be the perfect night for lovers. If one had a lover. Ah, well, she set that thought aside. She didn't have time for a lover, and didn't want one.

That wasn't quite sure. She would like to share her life with a loving man, one who'd encourage her, share her own dreams and goals with her. But she had no prospects, and she had no interest in an affair.

But what about Aries?

Bakit hinahayaan niya na halikan at hawakan siya nito? At hinahayaan niya na muntik ng may mangyari sa kanila? Hindi naman kaya magugustuhan din siya ni Aries balang araw?

Silly, kung anu-ano tuloy ang iniisip niya. Alam naman niyang hindi mangyayari 'yon.

Bakit ba si Aries ang iniisip niya?
Inubos niya ang gatas at akmang aalis na sa kinatatayuan ng nahagip ng mga mata niya na parang may gumalaw sa katawan ng narra.

Sa likod kasi ng bahay nila ang narra na kung saan ay ang kwarto niya ay sa likod bahagi ng bahay nila.

Nang wala naman siyang mapansing kakaiba at baka namamalikmata lang siya.

Sumuko na din siya at muling isinara ang makapal na kurtina. Bumalik na lang siya sa kama at inilagay ang tasa sa bedside table.

Hinayaan niya ng nakabukas ang lampshade.

She felt comfortable with her own cave, her own comfort zone.

Hanggang sa ginupo siya ng antok at nakatulog.

Naalimpungatan si Haven nang marinig ang seradura ng pinto na parang may gustong magbukas niyon!

Napabalikwas agad siya ng bangon! Who would that be!?

Tinignan niya ang orasan it was twelve midnight! Tatlong oras din siyang nakatulog.

Kung nagawa nitong makapasok sa loob ng bahay nila ng hindi manlang ito nahirapan malamang ang taong iyon ay eksperto sa pagbubukas ng mga pintuan! O hindi naman kaya'y pumasok ito sa veranda sa kabilang kwarto.

Naka-lock nga ang pintuan niya pero walang double lock 'yon!
Wala siyang ibang choice kung hindi ang humanap ng paraan kung paano siya makakalabas ng bahay!

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Where stories live. Discover now