Prologue

85 3 0
                                    

Prologue

"Dumating kapa?!" inirapan ko si Mara dahil sa asik niya sa akin. Kanina pa nagsimula ang party at nahuli ako.

Kinuha ko ang regalo para kay Briana. Debut niya at pinili niyang wag mag party ng malaki. Hindi naman daw niya ma e-enjoy dahil iniisip niya ang gastos kahit okay lang naman sa parents niya.

"Kalma! Ikaw kaya tumakas!" singhal ko sa kanya bago tinungo si Rian na kausap ang ilang 'bisita'.

"Happy birthday baby girl!" masayang bati ko sa kanya at inabot ang regalo.

"Hala! Tumakas ka na naman ba?!" hininaan niya ang huling salita kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Wow sana man lang mag thank you ka kasi nag effort ako para sa birthday mo ano." sarkastikong sabi ko sa kanya.

She laughed bago sinulyapan ang kaninang kausap.

Tumaas ang kilay ko dahil nakita ko sa gilid ang kuya niya na nakasandal ang likod sa upuan habang may baso ng alak sa kamay. Nakabukas ang tatlong botones ng kanyang suot na puting pulo at medyo magulo ang buhok. Namumula ang pisnge nito hangang sa kanyang dibdib.

Letse! Bat ko ba napapansin ang bawat detalye sa mukha at katawan ni Kuya Livon?

Tumikhim ako at binaling at tingin sa mga nagkalat na inumin. Nakita ko kasing babaling siya sa banda namin.

"Kumain kana ba, Bells? Halika pakita ka muna kina Mama." tumango ako sa sinabi ni Rian at tahimik na sumunod sa kanya papasok sa loob ng bahay.

Naiirita ako sa sarili dahil sa nararamdaman ko sa nakatatandang kapatid ni Rian. I have a crush on him way back in elementary dahil malapit lang naman ang school niya sa school namin and he always fetch Rian kaya medyo nakilala na namin.

He is even close to our circle of friends pero kami lang ang medyo blurred. Parang hindi ako komportable sa kanya at na a-awkward ako kapag andyan siya.

"Good evening Tita, Tito." magalang kong bati sa mga magulang ni Rian at nagmano pa.

"Magandang gabe din, Ysabella. Kumain ka na ba?" ngumite ako kay Tita Brit kahit may dumaang pait sa dibdib ko.

"Naku kumain kana Ysabella! Sandali lang ikukuha kita ng pingan."

"Ako nalang po Tito nakakahiya!" nakangiseng sabi ko at sumunod sa kanya.

Ilang beses pa lang naman akong nakatungtong dito sa bahay nila dahil palaging sa bahay nila Cammi o Mara kami lumalagi.

Namamangha parin ako sa mga medal at certificate na nakalagay sa dingding nang bahay nila. Halatang matatalino talaga ang magkapatid.

"Thank you po." sabi ko kay Tito ng binigyan niya ako ng pingan ng pumasok naman sa loob sina Yna.

"Tito ang unfair mo! Bakit si Bella may special treatment kami wala?" pagwewelga ni Mara ng pinagsandok pa ako ni Tito kahit pwedeng ako nalang.

Tumawa si Tito at Tita sa sinabi ni Mara.

"Kapag late daw may special treatment." sabi ni Rian na kumakain ng nabingwit niyang fried chicken.

"Magpapa late nalang kaya ako palagi?" tumawa ako sa sinabi niya bago kami sabay na lumabas ng bahay para tumungo sa bakuran nila.

"Ang gwa-gwapo talaga ng mga kaibigan ni Kuya Livon ano? Pareto kaya ako?" nakangiseng sabi ni Yna kaya binatukan siya ni Rian.

"Patusin niyo lang ang kahit sino wag lang si Kuya o ang mga kaibigan niya." seryosong sabi ni Rian habang nilalagyan ako ng juice sa baso.

Kita ko ang ngiwe sa mukha ni Yna. Kita ko din ang pag-irap sa ire ni Cammi, ang pagtawa ni Mara halatang hindi interesado, habang pinadalhan naman ako ng makahulugang tingin ni Ella. Kumunot ang noo ko habang sinubo ang lumpiang shanghai.

Endless Scars | Cruel Series 2Where stories live. Discover now