Chapter 12

230 6 1
                                    

"Liligawan kita. Iyong totoo na. Baka kasi maagaw ka pa ng iba, mahirap na." sabi niya bago ako bigyan ng magaang halik sa noo.

"A-anong pinagsasabi mo riyan?! Siraulo ka na ba? Ibaba mo na nga ako!" kabado kong sita sa kanya pero ang walang modo, nagpatuloy lang sa paglalakad habang buhat ako.

"Seryoso ako, Crysaline. Ayokong ma-friendzoned habang buhay. Kaysa maging marupok ka na naman sa Charles na iyon, aabante na ako. 'Di hamak naman na mas pogi ako kaysa sa lalaking 'yon!" sabi niya na tila ba simpleng bagay lang ang pinagsasasabi niya.

"Hoy, Nathan. Huwag kang ganyan marupok ako." mahina na lang ang pagkakasabi ko sa sobrang hiya na nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko sobrang pula ng magkabilang pisngi ko dahil sa pagkapahiya kaysa sa blush on ko. Shocks.

"Edi maging marupok ka sa akin. Sasaluhin naman kita, Crysaline Lopez." sabi niya at humalakhak pa siya.

"Wala ka talagang kwenta, Nathan Villegara! Kapag ako talaga nasa headline bukas ng umaga dahil sa mga ginagawa mo, lagot ka na naman sa management!" iritang sabi ko sa kanya at itinigil na lang ang kakapalag ko dahil wala rin naman nangyayari.

Paano ba naman kasi, ang hilig gumawa ng eksena ng isang 'to. Alam niyang sikat siyang public figure sa bansa tapos laging nakabuntot sa akin tapos napapaaway pa randomly, talo pa high school student.

Ilang beses na nga kaming nabalita dahil minsan nakikipag-basag ulo pa siya sa bar kapag may nalapit sa aking lalaki. Tuloy walang nagtatangka na manligaw sa akin.

Tuwing tatanungin ko bakit niya ginagawa 'yun, kasi raw "best friend" ko siya kaya dapat bantayan at protektahan niya ako sa mga manloloko.

Siraulo talaga.

Huminto siya sa paglalakad at hinawakan ako sa magkabilang beywang. Kumapit ako sa balikat niya habang ibinababa niya ako. Sinimangutan ko naman siya at kinurot sa tagiliran.

"Aray! Napaka-mapanakit mo talagang babae ka! Ganyan ka ba sa manliligaw mo?" malakas na wika niya kaya agad kong tinakpan ang bibig niya. Pinanlakihan ko siya ng mata at kinurot ulit ng mas mariin sa tagiliran.

"Umayos ka, Nathan! Kung hahanap ka rin lang ng bubuysitin mo, huwag ako. Kung ano-ano lumalabas diyan sa bibig mo mamaya may makarinig pa at ano pa ang isipin." sita ko sa kanya.

Kumunot ang noo niya at halos magkanda-tulis ang labi habang nakatitig sa akin.

"Bakit ba hindi mo ko sineseryoso? Totoo naman talaga iyong sinabi ko kanina ha." mahinang wika niya kaya napalunok ako.

Nag-iwas ako ng tingin at mas piniling hatakin na lang siya papasok ng van ko. Nang makapasok na kami ay agad kong sinara iyon at tinitigan muli ang katabi kong bungol na nakatitig pa rin sa akin.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at napapikit ng mariin. Marupok ako pero hindi ko naman kayang pilitin ang sarili ko na magkagusto sa kanya.

Simula pa lang noon na magkakilala kami, kaibigan talaga ang turing ko sa kanya kahit minsan ay aaminin ko na kinikilig ako sa kanya. Pero hanggang pagkakaibigan lang sa ngayon ang kaya kong ibigay sa kanya.

Paano kapag patulan ko ang sasabihin nito ni Nathan? Ako ang agrabiyado. Napakarami ng babaeng naghahabol sa kanya at madalas ay palapatol din sa lumalandi sa kanya. Kumbaga marupok din ang isang 'to kapag may dede na sa harapan niya.

Isa pa, kahit ilang taon na ang nakakalipas hindi ko pa rin naman nakakalimutan yung nangyari sa akin. Ang laki ng epekto ni Charles sa akin at aminado naman ako na minsan ay naiisip ko pa rin siya.

"Dahil ba sa lalaking iyon kaya ayaw mo pumayag? Salawahan ang lalaking iyon!" sabi ni Nathan kaya napatingin ako sa kanya.

"Pareho lang naman kayo. Atsaka kung nag-iisip ka mabuti, hindi mo sasabihin na manliligaw ka sa akin. Sisirain mo pagkakaibigan natin dahil lang sa naisipan mo? Kasi pumasok lang sa kukote mo manligaw bigla? Ganoon? Mamaya ay sinasabi mo lang 'yan kasi akala mo makikipagkita ako kay Charles at wala ka ng 'bestfriend kuno' na guguluhin araw-araw. Lokohin mo lelang mo, Nathan. Takot ka lang mawalan ng taga-luto mo." mahabang litanya ko sa kanya bago pisilin ang pisngi niya.

Dandelion NightsOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz