Chapter # 2

0 0 0
                                    

Mia pov......

Today is the big day to me, alam niyo kong bakit? Dahil simula sa araw na ito ay titira ako sa simpleng apartment ng eskwelahan even though mayaman kami ay tinanggap ko parin ang hamon at yon ay ang mamuhay ng simple, for the sake of my one and only true love ? ? ?

(hihi! OA ko ba? Okay lang yan... Bakit kayo pag nag iisa lang at walang kasama hindi ba't kinakausap niyo ang sarili ninyo kaya parehas lang tayo)

"ah miss Mia ako na po ang magdadala ng kahon na hawak niyo" sabi ni ate Gab the driver habang akma ng kukunin yong hawak hawak kong box.

"Ah, okay lang po ate Gab, Kaya kong dalhin ito tsaka hindi naman mabigat eh." sabi ko sa personal driver ni mommy, hihi secret items ko kasi ito, naglalaman ito ng mga litrato ni nathan my love, hihi stalker lang ang peg, i don't care ganyan ko siya ka love eh.

" siya nga pala miss mia, huwag po sana kayong mahiyang tumawag kong kailangan niyo man po ng tulong, okey lang?" ang sabi pa ni ate Gab

"Oo, gagawin ko, Salamat sa tulong, ate gab." sagot ko naman

"At huwag niyo rin pong kalimutan na tumawag sa mommy at daddy niyo po kasi nag aalala po sila sa ginawa niyo pong decesion " Dagdag pa niyang sabi.

"opo ate gab, tatawag ako mamaya" sagot ko nalang

Tapos nang ihatid ni ate gab ang mga gamit ko sa loob ng apartment. Hinihintay ko nalang na makalabas siya at makaalis bago ako aakyat.

Dala dala niya ngayon ang HIACE na sasakyan ni mommy na siyang ginamit sa paghatid sa akin.
Pag alis ng sasakyan ay siya namang pag daan ng gropo ni Nathan kong saan ako nakatayo ngayon.. Apat na katao sila at yong isa ay may dala dala pang bola kaya sure sure ako na sa basketball court ang tungo nila.
OMG??... This is the life I want to be with...hihi ???
Ang makita siya araw araw ay isa ng pangarap na natupad. ???

Grabi!! Ganito pala talaga ang pakiramdam ng nagmamahal i mean may minamahal, pag nandiyan siya ay tila humihinto ang pag ikot ng mundo nag ees.. slowmo ang paligid, at kinakabahan ka pa habang papalapit na papalapit siya sa kinaroroonan mo, grabi yong kaba sa dibdib ko at halos mabitawan ko na ang dala dala kong kahon, buti nalang at naagapan ko ito, kong hindi ay baka malaman nila este mapagkamalan pa akong stalker.
Yong paa ko parang dumikit na sa lupa at kahit anung gawin ko ay hindi na kayang kumilos ito, nakatingin na lamang ako habang hinihintay ang pagdaan niya.

N/A pov

Napansin ng mga kasama ni Nathan si mia na kanina pang nakatingin sa kanila.

"oy pare, chicks oh," sabi josh kay Nathan kaso lang deadma si Nathan

"oo nga, at ang ganda pa" sabi din ni aldrin

"tara lapitan natin" sagot ni Peter at tinapik tapik pa ang katabi niyang si aldrin

"hai miss beautiful" sabay sabay pa nilang sabi maliban lang kay Nathan na parang napipilitan lang na lumapit kaya nahuli ito.

"hello☺️☺️" nakangiti pang sabi ni mia

"hihi ang cute naman niya" bulong ni Peter kay Josh

"oo nga pare at parang mabait pa" sagot din ni josh.

"ah miss, anung pangalan mo, ah by the way ako nga pala si aldrin, tapos itong dalawang kasama ko ay si josh at Peter tapos yong nasa huli naman ay si Nathan, [('syempre kilala ko yong nahuli kasi crush ko yon eh' )sa isip ni Mia ] mga 2nd year college kami eh ikaw anung pangalan mo" mahabang salaysay ni aldrin, kuma kaway kaway pa ang dalawa pa niyang kasama habang pinapakilala sila ni aldrin

"hello sa inyo, ako si mia Bella salvacion, mia nalang itawag niyo sakin" nakangiti pang sagot ni mia
Tiningnan siya ni Nathan mula ulo hanggang paa, pabalik balik pa tapos nong napansin nitong nakatingin si mia sa kanya ay agad siyang nag iwas ng tingin at nagyaya ng umalis.

"hello mia, ang cute mo, i mean, kong kailangan mo ng tulong, huwag kang mahiyang lumapit samin lalo na dito kay Nathan maaasahan mo yan lagi, diba tol?" sabi pa ni josh at siniko pa ng bahagya si Nathan.

"tss... Tara na nga, naghihintay na sa atin si Drake" sagot lang ni Nathan

"sige mia huh, alis na kami" nagpapacute pang sabi ni peter. Tapos kumakaway din si josh sabay kindat pa sa mata kay mia.

"ah mia, pweding mahingi ang number mo, kong okay lang sayo" banat pa ni aldrin kahit pa iniwan na siya ng mga kasamahan niya.

"sure, sure" sagot naman ni mia at yon nga ay agad niyang binigay ang number niya pagkatapos ay nagpaalam na si Aldrin

"sige mia huh, text text nalang" sigaw pa ni aldrin sa kanya.

Jane pov...

Nakaupo kami ni beshy sa labas ng isang tindahan habang umiinom ng tubig malapit lang ito sa apartment na tinutuluyan namin kaya kahit gabihin kami dito ay okay lang.
Galing kasi kami sa eskwelahan i mean sa buong campus ng eskwelahan, nilibot namin yon habang tinuro turo ko sa kanya ang mga lugar na dapat niyang puntahan para alam niya kong saang building siya pupunta at ng hindi siya maliligaw at ma late sa klase.
Sa college kasi magkaiba ang mga building ng bawat subject di tulad sa high school na hihintayin mo lang sa loob ng classroom ang subject teacher, sa college pag math subject ay kailangan pupuntahan mo rin ang math building o kaya naman ay kong nasaan na nagtuturo ang subject teacher. Pahirapan talaga pag college life pero its okay that's life.

"grabi besh, ang gwapo niya talaga lalo na nong lumapit siya besh tiningnan niya ako besh, napansin niya ako, ang saya saya ko kaso lang parang deadma siya sa beauty ko hindi man lang siya nag hai sakin tapos siya pa tong nagyaya ng umalis sila ng mga kasama niya. " malungkot niyang sabi, pinagmamasdan ko lang ang ekspresyon ng mukha niya, minsan masaya tapos biglang nalulungkot kasi nga daw hindi siya pinapansin ng crush niya, hay kawawang beshy, unang pagkikita pa lang ng crush niya broken hearted na, dusa.

" pero kahit deadma siya sa beauty ko, ang cool parin niyang tingnan" nakalumbaba pa niyang sabi

"Hindi mo ba nakikita? Ngayon kahit paano ay nakilala ka niya, diba? " Sagot ko, ang gusto ko lang naman ay gumaan gaan ang pakiramdam niya.
Tipid na ngiti lang ang sagot niya sakin kaya hindi na muli akong umimik pa.

fall for me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon