Chapter #1

1 0 0
                                    

Sa loob ng magarbong kwarto ay may dalawang magkaibigan. Ang isa ay nakadapa lang sa kama habang naglalaro lang sa cellphone niya, habang ang isa naman ay nakaharap sa mini loptop na kulay pink at tila nagulat pa sa nakita niyang resulta.
Agad niyang tinawag ang kasama.

"Oy best, beshy halika bilis!!, tumingin ka dali!! Tanggap ako! Ah..! ! OMG!! Besh! Tingnan mo iyan! ! Tanggap ako! Tanggap ako!! Nagawa ko, isa ako sa nakapasok sa University! Hahah!" tuwang tuwa pa na sabi ni Mia.

Tiningnan din naman ni Jane ang loptop nito at kahit di pa niya lubos makita ang resulta at nadadala na siya sa kasiyahang nadarama ng beshy niya.
Sa oras na iyon ay naiiyak pa si mia dahil sa hindi siya makapaniwala sa nangyari, at sa sobrang tuwa ay niyakap niya ang kaibigan at nagtatalon pa habang nagtatawanan.

Sa wakas dumating na ang resulta ng pagsusulit, tuwang tuwa si Mia dahil isa siya sa mga nakapasa at nabigyan ng pagkakataong makapasok sa Golden state university, isang sikat na University sa lugar nila.

"congratulations friend, sa wakas ay schoolmates na tayo hahah??" tuwang tuwa ding sabi ni Jane ang best friend niya mula pagkabata.

"oo nga besh, magkapareho na tayo ng University, Hindi mahalaga kung magkaiba tayo ng kurso. Wala akong pakialam basta't magkakasama tayo, ayeeeeh???" tuwang tuwa pang sabi ni mia pero agad siyang hinampas ni Jane.

"aray" likramo niya pero nakangiti parin

"hahaha baliw, akala mo hindi ko alam, as if naman na gustong gusto mo na makasama ako sa isang school, ang sabihin mo, Sabik ka lang dahil sa wakas ay makikita mo na siya, ang taong iyon, ang one and only true love mo sa school na yon, tama ba ako?" pagmamaktol pang sabi jane
Nag peace sign na lamang sa kanya si mia.
" hihihi, you got it right hihihi???" sagot din ni mia

" cheeeeh??" sagot ni Jane

At nagtawanan na lamang sila kahit walang dahilan, habang nakahiga sa kama

Maya maya pa ay bumangon na si mia at tiningnan si jane.

"makinig ka jane, alam mo naman na ang isang taong tulad ko ay wala talaga alam sa buhay,

oo nga at mayaman ako...
(tumango si jane bilang pagsang ayon)

at maganda...
(deadma lang ang reaction ng kausap)

Pero Hindi ako matalino tulad mo,"
(Bumangon si Jane at hinawakan ang kamay ng kausap.)

"pero kahit ganun, pursigido naman akong maabot yong mga gusto ko sa buhay tulad ngayon, akala ko nga ay hindi ko magagawa ang makapasok sa University pero dahil sa kanya sa kagustuhan kong makita at makasama siya ay nagsikap ako, at nag aral ng mabuti kaya ngayon, Tingnan mo ito?" (ipinakita pa nito sa kaibigan ang screen ng laptop niya kasama ang liham ng golden state university na ipinadala sa kanya sa pamamagitan ng email.)

" hihi sarap lang talaga sa pakiramdam na may nagagawa ka sa saarili mo, di ba? " ang sabi pa ni Mia
Mas hinawakan pa ni jane ang kamay ni Mia habang nakangiti itong nakatingin sa kanya

"masaya ako para sayo besh, Masaya ka ba?"

"oo??"

"weeeeh!!"

"oo nga hihi!" ipinakita pa ng kaibigan kong gaanu ito kasaya sa pamamagitan ng malawak niyang pagngiti.

"Napakasaya mo nga, sa sobrang saya ay nakakatakot ng tingnan hahaha" sagot ng kaibigan at nagtawanan pa sila

"grabi ka sa akin besh, huh" at tila nagtatampo pang sabi ni mia kaya niyakap na lamang siya ni Jane

"basta besh huh, hinay hinay lang, masaya ako dahil masaya ka pero sana lang wag naman yong sobra baka kasi pag nasaktan ka o kaya ay sinaktan ka niya ay baka hindi mo kayanin, pag nagkataon, bubugbugin ko talaga ang lalaking yon" malambing pang sabi ni Jane na may kasamang pagbabanta

"ma'am yes ma'am" nakasalodo pang sabi ni mia, bigla kasi nitong maalala nong mga panahong high school pa sila, 4th year student si jane at 3rd year student naman si mia at sa pagkakataong iyon ay may CAT training ang mga 3rd year na soon to be leader na papalit sa mga 4th tapos ang mga platoon leader nila ay mga 4th year na siyang papalitan nila pag sila naman ang naging 4th year level.
Sa CAT training ay si Jane ang batcom o tinatawag na battalion commander ng batch nila at kapag nagtanong siya o kaya ay maguutos, ang isasagot mo lamang ay ma'am yes ma'am.

" tama, ganyan nga, I'm your commander so you must to listen to me??..." si Jane
"hihi nakakatakot ka naman" si Mia pero hinampas lang siya ni Jane

"ouch...aray!! Ang sakit" reklamo ni Mia

"hihi... Sorry... Kaw kasi eh" si jane

"oh bakit ako.." Papunas punas lamang si mia sa braso niya kong saan siya hinampas ni jane.

"hihi hayaan mo, kapag hindi siya nagkagusto sayo ay nanakawin ko ang pana ni kupido at itatarak ko sa puso niya para sapul na sapul at wala ng problema" sabi ni Jane at nagkantahan pa sila ng mr. Kupido.

Mia pov.....

Hai guys, bago ko simulan ang kwento ay este nasimulan ko na pala, what i mean is bago ko ipagpapatuloy ang kwento ay magpapakilala muna ako.
Ako si Mia Bella salvacion isang soon to be college student sa kursong business administration and political science two majors in one courses at yong kaibigan ko si Jane ay isang criminology student, astig kasi ang babaeng yan eh kaya bagay lang sa kanya ang pagpupulis, at 3 days to go ay magsisimula na ang klase.

Ah by the way..

Yong lalaking pinag-uusapan namin kanina ay si Nathan. Ang one and only my love, ang pangarap kong makasama habang buhay at siyang pakakasalan ko pagdating ng panahon. Hihi.. Narinig ko kasi na medtech ang kinuha niyang kurso sa golden state kaya nag pursige ako na makapasok doon para makasama siya forever kaso hindi ko kaya ang pagmemedisina kasi takot ako sa dugo kaya yong pag memedisina ay hindi ko na kinuha hihi baka mapahiya lang ako diba. Kaya okay na ako na makapasok sa unibersidad kong nasaan siya.

Jane pov....

Hai guys, ako nga Pala si jane best friend ni mia, at tagapag bantay niya.
Personal bodyguard ng daddy niya ang papa ko kaya bilang anak ay responsibility ko ang kaligtasan ni miss mia kaso ayaw niyang tinatawag ko siyang miss mia dahil mia daw kasi ang tawag sa kanya ng pamilya niya at pamilya narin daw ang turing niya sa akin kaya nararapat lang daw na mia ang itawag ko sa kanya, mabait si mia kahit pa suplada minsan pero okay lang kasi para sa akin, natural lang ang magtaray, magsungit, o kaya ay magalit minsan kasi ganun naman talaga ang tao diba, lahat tayo nakakaramdam ng galit, saya lungkot, at higit sa lahat ay ang selos. Sa kaso ni mia ay okay lang sa akin ang pinapakita niyang ugali.

fall for me Where stories live. Discover now