45 🌈 Caleb, The Generous

Start from the beginning
                                    

"Oy, hi!" at walang anumang bumangon si Maria, tinakbo upang yakapin ang nailang na mga kaibigan.

"Balik nalang kami bukas," sabi ni Matthew, may pilyong ngiti.

"Wait!" sigaw ni Caleb, napaupo. "It's not what you think!" at napagtanto ang sitwasyon, "What the hell are you doing in my room?!"

"Well, ewan, pinapasok kami ng mayordomo niyo."

He would've complained to Frederick, pero naalala niyang sinabi rito na darating ang inimbita niyang clubmates at papuntahin kung saan siya. He was supposed to wait at the pool. He realized how he's been absent minded lately.

"Mon-Mon, niyaya mo sila?" natutuwang sabi ni Maria. Si Tamara ay hindi parin bumibitiw dito.

"Oo," singit ni Matthew, "tumawag kanina si Your Highness, aba, nami-miss niya yata kami."

Si Shalla naman, bagama't nauna na niyang sinabihang bawal ang litrato, ay panay ang kuha.

"Wag kayong mag alala, hindi raw niya ia-upload online," sabi ni Lord nang mapansin ang masama niyang tingin.

Tumango siya. "Follow me," sabi niya at lumabas, pinasunod ang mga ito sa may pool.

Nag-order si Caleb ng pagkain at habang naghihintay ay nag-usap. Natahimik siya, pinakinggan ang mga kaganapan sa school at labas ng bahay.

"May mga naghihintay rin na paparazzi sa labas ng school," sabi ni Tamara, higit na nagdilim ang mukha nito. "Madami. Magulo. Gusto ko silang kulamin."

"So, what now?" biglang tanong ni Shalla. "Now that you know, Maria's like, this genius business thingy and her company's abroad, are you guys gonna get separated?"

Natahimik ang lahat.

"What?" clueless nito nang mahinang siniko ni Lord.

"Basta," malabong sagot ni Maria, nagkibit balikat, "di ba Mon-Mon?"

He didn't answer.

Dumating ang pagkain at nabuhay ang mood. Habang masiglang nagkainan ang mga kababaihan, lumipat ng puwesto si Caleb, sa kabilang dulo.

"Emote?" tukso ni Matthew, tumabi sa kanya.

"Shut up."

Umikot ang hagik-ikan ng mga babae, ngayon nakaupo sa gilid ng pool, babad ang mga paa. Si Maria ang may pinakamalaking tawa.

"Kaya mo ba kami inaya, para marinig ang tawang iyan?" tukso ni Matthew nang mapansing nakatitig siya kay Maria.

Hindi siya sumagot, bumaling sa langit.

"Uy, nagbabago," anito.

"Mahal mo na noh?" tanong nito nang di pa rin siya sumagot.

"I'm not!" Kahit siya ay nabigla sa sinabi. It was so loud even the girls looked their way and giggled. Nakaramdam siyang hiya, habang si Matthew ay pigil ang tawa sa kanyang tabi.

"Okay, relax," at tuluyang tumawa.

He looked at him threateningly. "I didn't give you permission to laugh."

"Yeah, yeah," at iwinasiwas ang kamay, "sorry Your Highness," at mulling tumawa nang nahuli siyang sumulyap kay Maria.

"Ayaw mo, two birds in one stone. Kahit arranged marriage ang bagsak niyo, mahal mo na rin," at binawi ang sinabi nang dumilim ang mukha niya, "or crush, sige crush nalang, hindi pa mahal. Dami mong arte." Hindi man lang ito natinag sa kanya.

"Pakinabangan mo ang sitwasyon, gano'n. Yayaman ka pa lalo, may bonus pang kilig. Happy ever after. Ang problema nga lang, power couple kayo, double danger, lalo na talamak ang kidnapping at gamitan ngayon," pabiro nitong sabi, "pero, malalampasan ng power of live, lol."

Sa kabila ng masayang mood nito, napangiti siya ng madilim. "My parents had both money and feelings from the start, look what happened to them."

"Iba sila sa Team #CaMa," tukoy nito sa bansag sa kanila ni Maria online. At upang ilihis ang usapan, ibinalik nito ang panunukso. "Ayaw mo noon, magkasama kayo sa bahay. Unlimited lambingan, Kaloy. All day all night gapangan," at mabilis na umalis, tumatawa.

Sinundan niya ito ng masamang tingin, nakisali sa kumpol ng kababaihan at sumingit sa pagitan ni Shalla at Lord. Maya-maya pa, lumapit sa kanya si Maria, bitbit ang baso ng inumin at plato ng pagkain.

Tumabi ito sa kanya, sabay alok ng platong pinaghalo-halo ang pagkain. He didn't dare touch the mixture of icecream, pizza and fried chicken. Hindi niya maintindihan kung paano nito naatim kainin iyon.

"Para sa'yo talaga 'to," at inilapag sa haparan niya ang baso ng iced tea. He took a drink and said thanks. Hindi niya napansin ang pasimpleng thumbs up ni Maria kay Tamara.

"Mon-Mon, thank you," anito maya-maya, sa mga kaibigan nakatingin.

"For what?"

"Wala," at umiling iling, pagkatapos ay kinulong ang mga pisngi niya ng palad nito. "Mon-Mon, gusto mo ng adventure?"

"What?" Maybe he can never understand her, all the random things she say or do.

He didn't like her grin, becoming more scheming. "Adventure," ulit nito, "Gusto mo ng adventure?"

🌈🌈🌈


Anong 'adventure' sa tingin mo ang tinutukoy ni Maria? Any guess? :)

Ellena Odde

Damn it, Maria! (Squad Series 1)Where stories live. Discover now