33 🌈 Caleb, The Left Behind

Start from the beginning
                                    

"Stop it, will you?" saway niya, hindi maintindihan kung bakit paulit-ulit na sinasabing masama ang panahon ngayong dalawang linggo ng walang ulan. Hindi lang pala sa paggawa ng voodoo ito magaling, isa ring extortionist.

Dumukwang ito, napaatras siya sa kinauupuan, kita pa ang pangingitim ng mata. "Bigyan kitang discount?"

Napahilamos nalang siya ng kamay sa mukha. "Just... leave me alone."

∆∆∆∆

Another day passed, still nothing.

Sa pagkawala ni Maria, muling dumami ang mga nagpapadala ng kung ano-anong sulat sa locker niya.

"Caleb, is it true?" from out of nowhere, a girl was walking beside him. "B-Break na kayo ng girlfriend mo?"

He couldn't remember her name, but she was familiar, the same with girls steps behind them, following. She served as the group's representative.

"Where did you hear it?" tanong niya. Ilalagay niya sa blacklist ang pangalan ng kung sinumang nagpasimuno ng tsismis. Pangalawa sa pangalan ni Maria.

"Sa school website... and in school too. Even the freshmen, pinag-uusapan ang break up niyo."

"No, we didn't."

Nanlumo ang babae, tiningnan ang nakasunod na kumpol at umiling. Sa senyas nito, nanlumo rin ang kababaihan.

He smiled in their direction, like a prince that people thought he was. He patted the girl's head and said, "Don't believe the rumors. Maria and I will never break up."

Sa pagtalikod niya, muling dumilim ang mukha niya. That's right. Hindi sila maghihiwalay ni Maria. She is a tool necessary for his plans. He'll wait for her. At sa pagbabalik nito, isang malaking paliwanag ang kailangan niya.

That night, Caleb opened his cellphone and sent a text.

When will you come back?

Then added a second one. I miss you. A lie. As the boyfriend, he should do that. Ngunit 'di katulad ng mga naunang text at tawag, sinagot iyon ni Maria.

Madaling araw na iyon nang nagring ang cellphone ni Caleb.

"What happened?" diretso niyang tanong. Namalayan na lamang niyang nakaupo na siya sa kama, nawalan ng antok. Tiningnan niya ang alarm clock, alas tres y media ng madaling araw.

[Hi Mon-Mon!] ang masiglang bati nito.

"What happened?" ulit niya, nais bulyawan ito sa cellphone.

Caleb heard a giggle on the other side and the usual bouncy reply. [...and I'm fine thank you, and you? I missed you. Super, duper pang-galaxy!]

As usual, ginagawa nito at sinasabi ang gusto. He felt frustrated.

"I missed you too..." Pinuri niya ang sarili sa galing magsinungaling.

He heard another giggle, then sniffles.

"Maria, maysakit ka ba?"

Panandaliang natahimik ang kabilang linya. "Yep!" she replied cheerfully, yet for a moment, he thought he heard her shaking breath. Nakarinig siya ulit ng pagsinghot, animo sa sipon. "Andami kong ginawa today Mon-Mon. I'm... I-I'm super tired, you know." Sinundan pa ulit iyon ng pagsinghot at tunog ng sunod-sunod na pagsinok.

"You're crying?"

Nawala ang duda niya sa malakas na halakhak. Mabilis niyang inilayo ang cellphone sa tenga, nabingi sa biglang pagtawa nito. [Nge, Mon-Mon. Bakit naman? Nako. Ang imagination mo, galing. Miss mo na ako talaga noh?]

"How long will you stay there?"

[Hmmm, 'di ko alam] at mahinang tumawa. [Sana makabalik ako agad. Miss ko na ikaw ng super big. Syempre, miss ko na din Lolord, Tam-Tam, Sha-Sha, Mat-Mat–]

"Maria..."

[Tsaka sila ate Mercy at ang lutong fried rice niya. Si Manong Gustin? Pakisabi next time ako naman ang kontrabida at siya kunwari ang bida. Then, si Freddy sali d–]

"Maria!"

Natahimik ulit ang kabilang linya. [...yes?]

"Why did you leave?"

[Ah... ililigtas ko kasi ang buong universe, Mon-Mon.] Napanatili nito ang sigla sa boses hanggang magpaalam. [Sige na, bye-bye. Dalhan nalang kita ng biskwit, okay?]

At naputol ang tawag. Hindi man lang siya nakasingit ng sasabihin. Bitbit ang cellphone, tumayo siya, sinilip mula sa bintana ang kaharap na lote, wala na ang debris ng nasunog na bahay doon, handa na para muling tayuan ng bago.

The pent up frustration makes him want to explode, along with them were the questions.

One, why did she left so suddenly?

Two, why was the guy with a hideous alias, Master Hokage with her?

And three, biscuit? Bakit kailangan niyang ng biskwit bilang pasalubong? Para namang dumaan lang ito sa sari-sari store. Kung ayaw siya nitong bigyan ng matinong sagot, hindi siya magpipilit, o maghahabol. Maria can go save the universe as she said.

"You little sh*t..." bulong niya, "go choke in your biscuit."

🌈🌈🌈

Theory Time: Bakit umalis si Maria?
Comment down your ideas :)

Ellena Odde

Damn it, Maria! (Squad Series 1)Where stories live. Discover now