25 🌈 Caleb, The Padyak King

Start from the beginning
                                    

"Ang sarap, bili pa tayo ulit."

"No," sambit niya.

"But why?"

"Masisira ngipin mo kakakain ng matamis." He realized he sounded like a nagging mom. He cringed internally.

"Sige na please..."

"I said no," sagot niya.

"Then..." inikot nito ang tingin, nagliwanag nang may makinang burger stand. "'Yon na la–"

"No," tanggi ulit niya. "Kanina ka pa kain ng kain. Puputok na ang tiyan mo," sabay sulyap sa may sikmura nitong natatabunan ng malaking itim na T-Shirt, may printa na emoji. 'Di niya maiwasang napadako ang tingin sa paa ni Maria. She wore faded denim shorts and a bright yellow running shows. Masyadong kaswal para sa kanilang unang official date.

"Mon-Mon?"

Doon pa lang bumalik ang tingin niya sa mukha nito, ngayon ay walang bakas ng kolorete. Ni hindi nga siya sigurado kung nagsuklay ito. Habang siya ay nakailang anggulo sa salamin, siniguradong perpekto.

Yet, when they met, she didn't even glance at him with awe. Ang tanging bukang bibig nito ay makasakay sa patong banka na siya rin lang ang pumadyak.

Nadagdagan ang inis niya.

"Mon-Mon?"

"What?" he snapped.

Imbes na gumanti ng pagsusungit, napangiti si Maria. Animo nasilaw si Caleb sa 'di malamang dahilan.

Lalong lumalim ang kunot ng noo niya, sabay ulit sa tanong, "What?"

"I'm happy. Harap-harapan ka ng nagsusungit sa'kin. Honest ka na, Mon-Mon. You spoil me before. Di ba?" at higit ba lumapit, malaki pa rin, "'Di ba?"

Napaatras siya sa kinauupuan, at mabilis na naipagitan sa kanila ang hawak pa niyang ice cream, ngayon ay namalayang tumutulo sa kamay niya.

"Eat this," wala sa loob niyang sabi.

"Really?!" pero nasa kamay na nito ang sorbetes. She smiled even bigger.

For some reason, he felt like busking under the sun for too long. She was too bright he had to fake a cough and end the Disney atmosphere.

🌈🌈🌈

Patapos na ang araw pero pakiramdam niya ilang araw siyang nagbungkal ng lupa. Pagod na pagod siya, pisikal man o mental.

"Stop laughing," sabi niya, matalim na sinulyapan ito sa kanyang tabi.

"I'm not laughing," pero nagpigil ng hagik-ik, hanggang tuluyang napuno ang sasakyan ng tawa nito. Napatigil lamang iyon ng ilang hibla ng buhok ang napunta sa bibig nito, salamat na rin sa hangin ngbukas na bintana.

Napahigpit ang hawak niya sa manubela. He knew it. He shouldn't have entered the commoner's haunted house.

Matapos nilang kumain ng ice cream, nag-ayaya nito sa haunted house. Pumayag naman siya. The end result, he was the one who screamed once while Maria punched anything or anyone who suddenly appeared in front of them. At ngayon, pinagtatawnanan siya nito.

Kung pwede lang sipain ito palabas ng kotse at hayaang gumulong sa highway.

Nang sa wakas narating nila ang village, ibinaba niya so Maria sa harap ng bahay nito.

"Mon-Mon, ang saya diba?"

"Yeah, " ang maikli niyang sagot. Inis pa rin.

"Ikaw, masaya ka ba?" This time, there was something in her voice. He looked at her and saw sincere curiosity.

"Yeah," ulit niya.

She beamed. "Mabuti naman," at dumukwang.

Hindi gumalaw si Caleb, hinintay ang halik, tinanong ang sarili kung kelan pa naging agrisebo si Maria. Pero walang dumating na halik, imbes ay ang pinong hapdi sa may noo niya.

"Ayan," anito, kuntentong nakatingin sa nabunot na hibla ng buhok mula sa kanya. "Kumpleto na ang sangkap ko sa bagong orasyon ni Tam-tam. Bye, Mon-Mon," at sinundan ng pasarang pinto ng kotse.

"You little..." sambit niya, nagpigil na napasigaw sa galit.

🌈🌈🌈

Despite, being eccentric, Maria is really fascinating. lol. I hope you liked it, and if you do, sana i-recommend niyo ang kwentong ito sa iba. Thank you 😍

Anyway, para saan kaya ang orasyon ni Maria?

Ellena Odde ♥

Damn it, Maria! (Squad Series 1)Where stories live. Discover now