"Pano mo naman nalaman?" Bright curiously asked.

"I just know, Bright." seryosong sabi ni Love. Alam ni Bright na may bumabagabag sa isipan nito. He sighed.

"So tell me.. You're thinking of something?" he asked.

"I'm just..." Love sighed, "..hindi ko naisip ang naisip ni Chelz. What if... what if you fall in love with Win?"

"Why would you worry about that, Love? Hindi ka ba nagtitiwala sakin?"

Love smiled. "I trust you, Bright. But I don't trust Win. Anyways, huwag na nga natin isipin yan. Let's stick with the plan."

"If you're not okay about this Love-"

"No!" sigaw ni Love na ikinagulat ni Bright. "I mean, no. I'm okay with this. Huwag ka na mag-overthink."

Inabangan ni Love si Bright sa tapat ng kanilang building. Napangiti siya ng makita si Bright pagbaba nito ng jeep. Suot ang black tshirt, maong pants at black boots. Nakasuot rin ito ng black sling bag at medyo may pagka-wet hair ang buhok.

Napansin rin ni Love na pinagtitinginan si Bright na animo'y bagong salta sa UP campus. Talagang lumabas ang ka-gwapuhan ni Bright, lalo pa't hindi na rin siya nakasalamin.

"Pinagtitinginan ka, Bright!" Masayang salubong ni Love.

"I think I'm a little overdressed." nahihiyang sabi ni Bright, "Hindi rin ako sanay magcontact lens, can I just-"

"Sssh shhh, sa bahay niyo nalang ikaw magsasalamin from now on. Tara na!" si Love atsaka sila naglakad papasok ng building.

After their class, agad silang dumiretsyo sa parking kung nasan ang sasakyan ni Love. Ang daming gustong kumuha ng number ni Bright, ang iba nagulat sa transformation ng binata. Hindi inaakala na talagang may kagwapuhang taglay ito.

"Eversince high school no one ever noticed my existence. Not until today." Bright said as they drove to the bar.

"Ikaw kasi eh, ang jologs jologs mo rin eversince." natatawang sabi ni Love.

"I didn't want any attention din Love. I was so uncomfortable today." napabuntong hiningang sabi ni Bright.

"Suko na?"

Bright faked a smile, "No. It's just... masasanay rin ako."

"Yeah, Bright. Masasanay ka rin. Lalo na pag naging kayo na ni Win."

"Maging kami?" takang tanong ni Bright. The stoplight turned red, humarap si Love sa kaibigan.

"Oo, that's the goal right? Nakalimutan mo na?"

"I mean, hindi ba I'll just make him fall for me?" tanong pabalik ni Bright

"Yes. Bright.. malalaman lang natin that he fell inlove with you kapag kayo na. Kapag siya mismo ang nagsabi na mag-boyfriend na kayo. And then soon after, leave him."

Napalunok si Bright. Hindi biro ang pinasok niya. Para siyang naghanap ng bato na ipupukpok sa ulo niya.

Hindi pa muna sila pumasok sa bar since medyo maaga pa. Ayon rin daw sa source ni Love ay wala pa si Win sa loob kaya naman nagpasya muna silang tumambay sa coffee shop nearby. Then they talked about their plan.

After a couple of hours, pumasok na rin sila sa bar. Booming loud music welcomed Love and Bright as they enter. Halos mapahawak si Bright sa tenga. Ito ang unang beses niyang makakapasok sa bar na tinatawag na - The Library.

"There he is!" Love whispered to Bright. Halos itulak ni Love ang kaibigan.

"T-teka!" si Bright.

"C'mon! Dali na! Abangan mo siyang matapos kausapin yung kinakausap niya!" bulong muli ni Love.

"Hindi ko ata kaya." alanganing sabi ni Bright, biglang kinabahan.

"Love?" a guy approached Love. Napangiti ang dalaga, "Russel! Hi, sinong kasama mo?"

"Sila Drew, didn't know you were here. Tara sa table!" anyaya ni Russel kay Love.

"Oh, ikaw na bahala ha. Kita nalang tayo sa labas." ani Love kay Bright. Tarantang napahawak si Bright sa braso ni Love.

"Kaya mo yan!" then Love removed Bright's hand in her arm.

Natutulirong tinignan ni Bright ang kaibigan na papalayo sakanya. He then looked at Win's direction and saw that he's still talkinh with someone. Halos mag-panic siya ng tumayo bigla si Win, maya maya pa ay iba na ang kausap.

Palihim na sinusundan ni Bright ng tingin ang binata. Hindi niya alam kung papaanong lalapitan si Win gayong napapalibutan ito ng mga kumakausap sakanya.

Nabuhayan siya ng loob ng makitang bumalik si Win sa may bar area, mukhang oorder muli ng inumin matapos maubos ang dala dalang alak. Bright heavily sighed.

Pinasok mo ang sarili mo sa sitwasyong 'to Bright Andres.

Paulit ulit niyang sabi sa sarili. Atsaka nagpasya na lapitan si Win. Pero bago pa man siya makalapit ay naunahan siya ng isang babae na kumausap kay Win.

Bright waited for a couple of minutes. When Win smiled and shook hands with the girl, he thought it was already his turn. But to his dismay, may lalaki namang lumapit kay Win. He again waited. Hindi niya na napigilang kumuha ng alak sa mga nagseserve na waiter.

Matapos kausapin ni Win ang lalaki, it was finally Bright's turn. Medyo nakatulong ang pag-inom niya ng alak para lumakas ang kanyang loob.

"Hi." Bright greeted Win as he sat beside him. Tumaas ang isang kilay ni Win atsaka nginitian si Bright.

"Hello, there."

Maybe This Time Where stories live. Discover now