13 🌈 Caleb, The Member

Start from the beginning
                                    

Gayunpaman paman, itinuro ni Caleb ang kinaroroonan nito. "Hawakan mo ang tissue hanggang dumating ka sa school. Don't you dare- just, just don't put it anywhere in my car."

"Okay."

Hindi siya sumulyap dito hanggang nakaparada sa parking lot ng eskwelahan. Hindi na kasing dami ng naunang araw, marami-rami pa rin ang nag-abang na kababaihan at pusong babae kay Caleb.

"Oh God," ang halos magkasabay na usal ng nadoon nang niluwa ng sasakyan niya si Maria, hawak-hawak ang gamit na tissue.

"It's true. It really is!"

Nahati ang kumpol nang dumaan sila. Blanko ang mukha ni Caleb, pigil na bumakat sa mukha kahihiyan, habang si Maria ay panay ang bati sa mga kaeskwela.

"Hi."

"Hello!"

"Magandang umaga!"

Ngiwi an sagot ng mga nandoon. Tsaka pa lamang naitapon ang tissue nang mamataan ang pinakamalapit na basurahan.

Caleb spent the whole day studying, or at least he tried to. Hindi nawala sa isip niya ang kadugyutan nito. Nauna nang ipinaalaa ni Lord na magkakaroon ng pagpupulong club sa hapon.

Natapos ang klase at nagsama-sama si Caleb, Maria, Matthew, Tamara at Lord sa clubroom. Ayon kay Lord, ang nagsisilbing president, pinayagan ng paaralan ang kanilang membership application.

"Hindi kasi kayo member ng kahit anong registered club sa campus."

"Ako," itinaas ni Tamara am kamay. "Member ako ng Mambabarang Club."

"Hindi registered ang club mo, at ikaw lang ang member."

Hindi na ito sumagot, kumikibot-kibot ang labi.

"President," si Matthew naman an nagtanong, sa tonong nasasabik, "ano ba SMMC?"

"Studies On Modern Masses Club."

"Studies sa?"

"Hmm, sa buhay commoner, in short, i-explore natin ang pamumuhay ng masa."

"Tulad ng?"

"Kung ano ang karaniwang aktibidades ng mga ordinaryong tao sa syudad, alin ang madalas nilang pasyalan, ano ang pattern ng income-expense nila, paano sila mag libang, mga ganoon."

Caleb was the first one to say it bluntly, "In short, this club studies about poor people, like you?"

Nagkibit balikat ito, hindi apektado. "Parang ganuon na nga."

"Gusto ko, gusto ko!" Katulad ni Maria, sabik din ang iba.

"Well," komento ni Matthew, "isa akong hybrid, kalahating coño, kalahating dukha, gusto ko yan."

Si Tamara ay tumango tango lamang. Si Caleb lang ang hindi natuwa. It's pointless. There is no need to study the lives of the bottom feeders.

"And why do we need to study the lives of poor people?"

"Educational purpose, 'yon ang nilagay ko sa description. Ako ang founder ng club. Sa totoo niyan, magandang credits kasi kapag nag-apply ako sa university, lalo na Social Studies related and kukunin kong kurso, plus points sa scholarship. Kaya lang, maraming nag-quit nang nalaman nila ang activities ng club, ayon, nanganganib na masara."

"In short, you're using the club to earn favorable conditions for scholarship application?"

"Er, yes," ang diretsong sagot.

Sa kabila ng pagkainis, bahagyang napahanga si Caleb. Not bad, he thought. Lord may be poor, but she is smart. Maliban kay Matthew, dinagdagan niya ito sa listahan ng mga tanong pwede niyang mapakinangan sa hinaharap.

"Lord, use me!" ani Maria. "Sali na talaga ako sa club." Sunod-sunod na rin ang pagsang-ayon ni Matthew at Tamara.

"Well, yeah, me too," Caleb was forced to agree, thanks to Maria's expecting stares.

"Nice, your highness," tukso ni Matthew, pagkatapos ay bumaling kay Lord. "So, kumpleto na tayo, anong unang gagawin natin?"

"Kulang pa tayo, late ang vice president."

Sa puntong iyon, bumukas ang pinto ng clubroom at umalingawngaw ang malutong na 'What the hell?!'

Nalingunan nila ang kaklaseng si Shalla, hawak ang kapeng tatak Starbucks at suot ang lukot na mukha.

"Ayan," ani Lord, "kumpleto na tayo."

🌈🌈🌈

Ano sa tingin niyo ang activities na gagawin ng club? :) Suggestion please.

Ellena Odde

Damn it, Maria! (Squad Series 1)Where stories live. Discover now