Chapter 8 Double Date

78 17 3
                                    

Suzy POV.

Ang tagal naman nong lalaking 'yon, pagkatapos akong hilain at dalhin kung saan-saan, iiwan rin pala ako. Wait ba't parang double meaning? Charot!

Iwanan ba naman ako mag-isa sa kotse. Mainipin pa naman akong tao. Dagdag mo pa na walang makain dito. Hmp! Dapat nagiwan sya ng mangunguya rito para 'di ako mainis. Kasama pa rin ba 'to sa deal namin? Bayad din kaya 'to?

Natigilan ako sa pagrereklamo ng may mahagip akong bagay na bumuhay sa katawang loob ko. Dyusko! Tama ba ang nakikita ko? Ilang ulit kong kinusot ang aking mga mata. Oo nga! Si Jungkook nga!

"WOW!" agad akong lumabas ng kotseng saka tumakbo palapit kay Jungkook! ohmyyy!!

KYAAAAAAAH! JUNGKOOK! WAIT FOR ME!

"Miss magkano 'tong t-shirt ?" tanong ko sa nagtitinda. Ayie, akala mo si Jungkook mismo? Ano nasa korea lang ako? Rich kid lang ang peg!

Inaakit na naman ako ng BTS kakainis! Tinuro ko ang tshirt na may nakatatak na BTS logo sa unahan tapos may name ni Jungkook sa likuran.

At shempre hindi ako papayag na isa lang ang makita kong tshirt. Kaya naman hinalungkat ko na ang buong nakadisplay na tshirt ni Ate. Tamang hanap lang ng buong tshirt na may BTS member name. Akala mo naman bibilhin ko? Tamang hanap lang para naman may maligpit uli si Ate. Sama ko 'noh?

"150 dalawa." sagot ni Ate, agad nagningning ang mga mata ko. Ohmy!  Ang mura naman! Alam kong hindi 'to original merch pero mga 'teh! Importante pa ba 'yon? Lalo na isa lang akong mahirap na 'di afford ang mga merch na libo-libo ang presyo.

At dahil adik na adik ako. Shempre sinunod kong kuhanin si Jin. Hehehez mawawala ba ang asawa ko? No way! Agad nangningning muli ang aking mga mata ng mahagip ang mga poster ng bts. Omy! Complete set sila besh!

"Huwaaaaaah! ate magkano naman 'tong poster nyo?"

"kinse isa lang ineng!"

Gaya nga ng inaasahan ko. Mura lang din ito. 'Di kaya nalulugi sila d'yan? Mostly kasi sa nakikita ko sa mga online shop 30-50 pesos ang benta nila. Tapos heto kay ate kinse lang! Presyong pang-jeep! Sana all!

Kumuha ako ng 20 pieces o 'di ba adik na kung adik basta may poster ako ng BTS, EXO, SHINee, SNSD at Infinite. Actualy una ko talagang napansin yung abs ni Myungsoo ahehehez. Perfect mga mash! Kasing perfect kung magiging kami. Charot!

"Ms.Kpop nandito ka lang pala" ani mula sa likuran ko. Sino pa nga ba? Edi ang makapal na mukhang pangit na Calil. 'Di ko na lamang sya pinansin at itinuon na lang ang atensyon sa paghahanap pa ng mga merch. Nagmukha tuloy akong magbebenta rin. Pwede din! Wow! Napaka-business minded ko talaga mag-isip!

"Wow! ang galing ang ganda ng relo" ani ko nang makita ko ang relo na mayroong mukha ng mga kpop idol sa loob. Hindi man ganoon kaganda at good quality ang mga produkto nila. Ang mahalaga, nasusuportahan ko pa rin sila. Dagdag mo pa na napupunta ang perang ginastos ko sa mga pilipino at hindi sa mga banyaga.

Maraming nagsasabi na, salot kaming mga k-pop fan sa lipunan. Hindi daw namin tinatangkilik ang produkto ng sarili naming bansa. Ang hindi nila alam, kung 'di dahil sa mga sikat na korean idol, wala silang maibebenta sa bangketa. At wala rin magtatangkilik o bibili ng mga produktong mismo sa bansa natin ginawa. Idagdag mo pa, yung mga fans na nag-iimport sa ibang bansa ng mga products. Ang mahal kaya ng patong ng pilipinas doon. Tumutubo rin ang customs! May tax rin na dumadagdag sa gobyerno!

Hays, teka nga ba't ba ako napunta sa economics!?

"Pwede ka naman kasing bumili ng original," bulong ni Calil sa gilid ko. Hindi ko napansin nasa tabi ko na pala s'ya. Inirapan ko s'ya. Kala mo close tayo?

Be my Kpop Girlfriend (BMKG) UNDER EDITING/ COMPLETEDWhere stories live. Discover now