Chapter 7 Condition

85 15 2
                                    

Suzy

Nooooooo! Ayoko na gusto ko ng lamunin ang mukha ko. Grabeng kahihiyan 'to.

Huwaaaaaah!!!!

"Nak, bilisan mo na d'yan malalate kana sa school," sigaw sakin ni mama mula sa kusina. Ma, pwede bang huwag muna ako pumasok ngayon?

AYOKO PUMASOK. Ayoko s'yang makita. Panigurado pagtatawanan lang ako. Ngunit kahit anong gawin kong pagmamaktol na hindi pumasok. Hayun nandito na ako sa school. Kaladkarin ba naman ako ni Mama palabas ng bahay. Napamaldita talaga 'nun.

"Goodmorning Chingu! how's your sleep" nakangiting bati sa 'kin ni Zenna. Anong maganda sa umaga? Kung s'ya lang din naman ang una kong makikita.

"Hindi maganda," malumanay kong sagot. Bangag ako. Hindi ako nakatulog. Hindi ko alam kung bakit. Baka may sakit na ako.

"Aba! bakit naman hindi maganda?" nakangiting tanong nito. Halata sa mga mata nya ang saya. Sana all masaya. Ako kasi nagdudusa. Ba't ko ba kasi naisipang gawin 'yon kahapon. Sobra-sobrang kahihiyan na iyon.

"Wala, sige una na ako," malamig kong sambit hindi ko na hinintay pang magsalita s'ya bagkus tumakbo na ako kaagad.

"Hi Suzy!" bati sa 'kin ni Craig na ikinagulat ko. Oh my, si Craig na ito. Anong ginagawa nya sa harapan ko?

"Hi Craig!!" masayang bati ko rito. Pakiramdam ko na wala lahat ng badvibes na nangyari sa araw na 'to. Napakaswerte ko talaga kay Craig. Kailan kaya sila magbrebreak ng jowa nya?

Yes! mukhang makakalimutan ko na ung kahihiyan ko dahil kay Craig.

"Suzy, alam mo ba kanina yung sinasakyan kung jeep saka yung isang jeep dun sa kanto," paninimula sa kwento ni Craig. Napaupo ako sa gilid n'ya dahilan para makinig sa kwento n'ya. Mamaya pa naman ang klase namin. Baka pwede muna makipagkwentuhan kay Craig my labs.

Pero laughtrip din 'tong si craig pinagmukha akong bata para maging taga kinig ng story ni Lolo Craig Bashong.

"Nagkabangaan," seryoso nitong dugtong na ikinakunot ng noo ko. Anong ibig n'yang sabihin? Joke ba 'yon? Akala ko pa naman joke.

"Talaga? buti 'di ka nasaktan," nag-aalala kong tanong. Nacucurious din ako sa kwento nya. Bakit nya naman kasi ikwekwento sa 'kin 'yon.

"Shempre ako pa!" mayabang n'yang sabi. Dyusko akala ko pa naman babanatan n'ya ako like "Suzy nagkabangaan 'yung dalawang jeep kanina parang tayo nagkabanggaan rin ngayon. Pakiramdam ko nga tinamaan na ako sa'yo."

Ano ba 'yan Craig ang hina mo naman sa banatan. Ako nalang kaya bumanat sa'yo.

"Parang ganto oh!" yung dalawa n'ya kamay ipinorma nyang parang naghahalikan.

"Parang nagkiss ung dalawang jeep," seryosong sambit nito. Nakaramdam ako ng paglamig ng kamay ko. Nanginginig rin ang aking tuhod.

"HUWAAAAAAH!NO WAY!!!!!!!" sigaw ko saka tumakbo palayo.

"Suzy! Suzy!" tawag ni Craig mula sa malayo. Hindi ko na s'ya nilingunan pa dahil sa sobrang kahihiyan. Ba't ko ba kasi naalala 'yon!? WAAAAAAH!!!

*Flashback*

(THIRD PERSON POV.)

Natapos na ang pagkanta ni Suzy ngunit ang kanyang mga kaibigan ay may plano. "Planong kalokohan"  'yan ang tawag nila sa planong iyon

Kung sino ang pasimuno si Jess lang naman. Alam nilang kinakabahan si Suzy kaya naman inalok na nila ito ng isang inumin. Ang hindi alam ni Suzy, isa iyong alak. Alak nga naman na nakapagpapalakas ng loob. At shempre lakas ng tama mo, "Red Horse" sa isang sipa diretso agad sa unahan.

Be my Kpop Girlfriend (BMKG) UNDER EDITING/ COMPLETEDWhere stories live. Discover now