𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟼𝟹

Start from the beginning
                                    

"H-ha?" Natawa ako ng mahina at tsaka tumingin kay Riu na parang gulat na gulat.

"Ha?" Panggagaya ko sakaniya. "Sabi ko ang sarap mo siguro maging boyfriend. Maalaga, caring, may pagpapahalaga tsaka hindi mo man sabihin na mahal mo ang isang tao, pinapakita mo naman." Sabi ko sakaniya tsaka muling tumingin sa kalangitan.

"A-ah." Yun nalang ang nasabi niya.

"Ang swerte siguro ng magiging girlfriend mo." Dagdag ko pa. "Anyway—" Nagulat ako dahil pagtingin ko sakanila para silang nag-uusap sa pamamagitan ng pagtingin sa isa't-isa.

"Uhm, ayos lang kayo?" Para silang natauhan at nagkanya-kanyang iwas ng tingin. "Ang weird niyo ngayong araw." Natatawang saad ko at naglakad palapit sa pinto.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Kyle.

"Sa baba. Mas masarap hangin dun." Sabi ko.

"Huh?" Takang tanong nila. Ngumiti ako at muling nagsalita.

"Mas masarap ang hangin kapag nasa itaas ng puno. Try niyo minsan. Hindi niyo pagsisisihan." Sabi ko at tsaka nagtuloy sa paglalakad palabas ng rooftop. Wait, tama ba?

Palabas ng rooftop, b*bo lang CJ? Nasa labas ka na uy!

Oo na oo na basta gusto ko lumabas ng rooftop! Ume-eksena nanaman 'tong mga walang dulot na bulate na 'to eh!

Hindi ko napansing breaktime na pala. Nalaman ko nalang nang makitang pagala-gala na sa grounds yung students.

Saktong pagliko ko galing hagdan ay may sumalubong saakin na palad. Muntik pa akong masubsob sa lupa mabuti na lamang at nabalanse ko ang sarili ko. Gulat akong tumingin sa taong sumampal saakin. Kaso saktong paglingon ko ay muli akong nakatanggap ng sampal.

"You piece of sh*t! How dare you do that to him!" Galit na sigaw ni Mel at muling sinampal ako.

Teka nakaka-tatlo na 'tong king*na na 'to ah!

"What the f*ck Mel?! Anong problema mong babae ka?!" Tanong ko at mabilis na umiwas nang makitang naka-amba nanaman siyang sampalin ako.

"You! You are my problem! You're our problem!" Sabi niya at pilit akong sinasampal.

"Dude stop hitting me! King*na kapag hindi ka tumigil papatulan talaga kita!" Sabi ko pero ang gag* hindi talaga nagpaawat.

"KZ almost died because of you!" Sigaw niya. Pnagtitinginan na kami ng lahat dahil sa pagiging eskandalosa niya.

"KZ is not f*cking dead Mel! You don't know anything so don't f*cking shout to my face that it's my god*mn fault!" Tumigil ako sa pag-ilag at sinalo ang kamay niya bago iyong pinilipit papunta sa likuran niya. "Binalaan kita. Sabi ko kapag hindi ka tumigil papatulan talaga kita. Pero dahil mabait ako at pbvious naman na hindi ka naka-inom ng gamot para diyan sa kahibangan mo, palilipasin ko 'to." Sabi ko at pabatong binitawan siya.

Tumalikod ako at muling naglakad. Pero hindi pa ako nakakalayo ay may tumamang matigas sa tuhod ko na naging dahilan para mapaluhod ako. Sunod na hinampas ay ang likuran ko kaya nasubsob ako sa lupa. Agad akong tumihaya at halos manigas ang buong katawan ko ng makitang may hawak na baseball bat si Mel.

Nanumbalik sa saakin ang ala-alang pilit kong kinakalimutan. Ang ala-ala sa Monasterio.

Wala na akong ibang nagawa kundi ipikit ang aking mata at iharang nag braso sa mukha nang i-angat niya ang baseball bat na hawak niya. Hinihintay ko ang pagtama nito sa mukha o sa kahit saang parte ng katawan ko ngunit wala akong naramdaman. Naghintay ako ng ilang segundo bago muling binuksan ang aking mga mata.

The Only Girl Of Section 5Where stories live. Discover now